KABANATA 14

53 2 0
                                    

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon at isip lang ako ng isip sa lahat ng nangyari. Teka lang parang imposible naman na nangyari iyon? Baka nanaginip lang ako ng gising okaya ay kung saan ako dinala ng imagination ko di ba?

Kinabukasan ay sabay sabay kaming nag-almusal ng mga creative team, iniwasan ko pa na makita ako ni Josh dahil hindi ko alam anong mukha ang ipapakita ko sa kanya. Sa kakaiwas ko sa kanya habang nakayukong dumaan sa likod at natamaan ako sa king sino

"Aray"napaupo ako sa pagkakabunggo ko sa kung sino ang nasa harap ko ngayon

"Ay Ken ikaw lang pala"tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad backward ng isang step

"Andito ka pala, anong ginagawa mo dito?"tanong ko habang sinipat sipat pa ang banda nina Josh

Nakita ko naman sinundan nito ang tingin ko, ng mapansin kong mapapatingin si Josh sa banda namin ay agad ko hinablot si Ken para yumuko

"Anong nangyari sayo? "Curious at naka kunot na  tanong nito

"Ah eh ano hehe, yuko ka nalang muna"sabi ko. Naglakad kami ng nakaupo. Para tuloy kaming mga penguin at ng maka dating na kami sa part na hindi na kami makikita ay tumayo na ako

"Sige una na ako"sabi ko kay Ken at nakangiting nagbabye sa kanya. Naramdaman kong sumunod ito sa akin at nakisabay maglakad

"Sinong tinataguan mo"tanong nito

"Wala!" Nakasunod pa rin ito sa akin kaya humarap na ako sa kanya

"Aakyat na ako sa taas"sabi ko sa kanya.

"Magbihis ka, aalis tayo"napakunot naman ang noo ko

"Ayoko, magpapahinga ako"pirming sabi ko

Tsss. Ayan na naman si Ken sa mga ganyan niya. Nag promise na ako sa sarili ko na hindi ako sasama kapag inaya niya ulit ako, hindi na ako magpapagulo at hindi ko na guguluhin ang nasa isip ko. Magtratrabaho ako hanggang sa matapos ako at kung wala siyang balak na siya mismo ang kusang magpaliwanag ay bahala na, uuwi ako ng CDO at kakalimutan na rin ang lahat.

Pero mali ang sumunod na nangyari dahil nandito na ako sa loob ng sasakyan ni Ken at nagbibiyahe sa hindi ko alam saang lugar na naman niya trip pumunta. Naka bistida ako na floral na sinuot ko nung minsan dahil iyon na lamang ang nalabhan kong damit ko tutal ay bukas na ang alis namin.

Tahimik lang ang buong byahe at pamilyar din ang dinadaanan namin. Nakarating kami sa pupuntahan namin at sobrang daming windmills doon, natuwa nga ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito, may beach din doon.

"Wow ang ganda ditoo" natutuwang sabi ko kay Ken, kumuha ako ng mga pictures para maipadala kina Nanay. Sakto naman na nakaonline si Kuya at tumawag ito. Naka videocall ito sa akin at ipinakita ko ang view

"Nay, tignan niyo ang ganda dito"malakas ang boses ko para marinig nina Nanay, inikot ko sa kanila ang view at tuwang tuwa naman ito. Nakita ko si Ken na mukhang nakikinig at nakatanaw sa dagat

"Sino ang kasama mo diyan anak?"tanong ni Nanay sa akin. Napatingin muli ako kay Ken

"ah kasamahan ko po Nay, namasyal lang po kami"tugon ko.

Hindi nagtagal ang video call namin dahil nawawalan ng signal sina Nanay. Lumapit ako kay  Ken pagkatapos saka siya tinanong

"Nasaan tayo?"tanong ko

"Nasa Ilocos Norte tayo, Bangui windmills ang tawag nila diyan"sabay nguso sa windmill

Kumuha ako ng bato saka sinulat ang pangalan ko sa buhangin

Hiraya

Pagkatapos nun ay hinawi ng alon ang pagkakasulat ko sa pangalan ko, hindi gaanong kainit ngayon at nakatago ang araw. Buti nalang kundi ay siguradong init na init kami ngayon sa kinatatayuan namin.

HIRAYAWhere stories live. Discover now