KABANATA 10

49 2 0
                                    

Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Ken, alas tres palang ng madaling araw kaya maluwag ang kalsada, hindi ko rin alam saan kami eksaktong pupunta at ang alam ko lang ay siguradong sa coffee shop.

"Ken saan tayo pupunta?" tanong ko ng marealize kong matagal na kaming nakaupo at marami na kaming mga coffee shops na nadaanan. Sa tingin ko rin ay wala na kami sa Manila dahil halos nakalayo na kami sa mga matataas na gusali ng Manila

"Magkakape"tipid na sagot nito. Hawak hawak ko si Kuro sa lap ko habang tahimik na nakapikit. Tulog na tulog ito magmula kaninang umalis kami.

"ah oo nga, saan?"tanong ko at baka sungitan na naman niya ako

"papasok na tayo ng batangas" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Batangas? Papasok kami ng Batangas?. Nakakunot noo akong tumingin sa kanya kaya sa tingin ko ay gets nyang takang taka ako sa desisyon nya

"Doon tayo magkakape"sabi nito

"Pero bakit ang layo pa, marami naman tayo nadaanan na coffee shop"sabi ko hawang hinahaplos ang itim na balahibo ni Kuro

"oo nga. Mas masarap magkape doon"sabi nito. Gusto ko pa sanang magtanong ang kaso lang ay baka mabwisit na ito sa akin at bigla nalang akong iwan sa daan. Hindi ko panaman alam ang daan dito. Siguro ay nakarating na kami sa sinasabi ni Ken na kapehan dahil ipinark na niya ang sasakyan niya. Kaunti lang ang tao at mukhang iilan lang din ang nandoon o baka 3 o 5 lang kami. Nasa harap iyon ng beach at tanging ilaw mula sa buwan at mga ilaw mula sa mga nakasabit sa taas na kulay yellow ang tanging ilaw. Napaka cozy ng dating ng lugar na iyon. May inaabot si Ken sa likod at pagtingin ko ay cat leash iyon na kulay red & black at naka pack na cat food, kay Kuro iyon.

"Kurooo~" paggising ni Ken kay Kuro. Itinayo ko naman ng dahan dahan si Kuro kaya nagising ito.

Ipinasuot ni Ken kay Kuro iyong cat leash niya sa katawan kaya tinulungan ko na at iniangat ko si Kuro para maisuot niya ng maayos.

"Baka biglang tumakbo at mahirapan tayong maghabol sa kanya"sabi nito.

Bago kami bumaba sa kotse ay  sinuot muna ni Ken ang jacket niya at nagsuot ito ng  shades. Siguro ay para hindi agad mapansin ng mga tao kung sakaling mapatingin ang mga ito sa kanya.

Nang makababa na kami ay tama nga ang hinala ko na kaunti lang ang tao, iilan lang ang nandoon, dalawang mag asawa na nasa middle age , 4 na mga foreigner at 3 na mukhang magkakaibigan. Sumunod ako kay Ken habang karga si Kuro papunta sa napili niya na pwesto, since dalawang floor iyon ay doon kami sa 2nd floor nagstay at sobrang cozy ng ambiance dahil bukod sa mga yellow na ilaw na ginamit at tanaw mo ang dagat yun nga lang ay hindi gaanong kita pero dahil sa sinag ng buwan ay makikita mo ang reflection  sa dagat.

Ng makaupo na ay namili na si Ken sa menu, sinabi ko na siya na lang ang mag order ng sa akin dahil hindi ko naman gaanong ka familiar sa mga pagkain na isiniserve dito.

Hindi kami nag usap ni Ken ng makaalis na ang waiter matapos kunin ang order namin. Busy ito na nag cecellphone habang ako ay nilalaro ko si Kuro na mukhang tamad pang gumalaw ngayon. Nang dumating ang order namin ay saka lang binitawan ni ken ang phone niya.

Nag order ito ng kape isang hot coffee at isang iced coffee. Meron ding dalawang slice ng cake na mocha at chocolate flavor, meron ding dalawang pasta. Napangiti ako dahil kahit papaano pala ay alam pa rin ni Ken ang mga paborito kong pagkain. Iced coffee, chocolate cake,carbonara. Sa kanya ang mainit na kape at ang mocha cake at isa pang carbonara.

"Thank you dito"sabi ko. Tumango lang ito at humigop ng kape. Pinababa na muna nya si Kuro at itinali sa may upuan niya iyong leash nito. Behave naman si Kuro na nakaupo sa tabi ni Ken at mukhang antok pa rin hanggang ngayon. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako dahil baka biglang masungit na ken ang sumagot sa akin atsaka isapa eh wala naman akong alam na sabihin.

HIRAYAWhere stories live. Discover now