"Shayrine sige na samahan mo na ako", pamimilit ko pa.
Kanina ko pa siya pinipilit na samahan ako sa kabilang kanto para bumili ng materials sa gagawin kong plates. Epal Kasi masyado professor naming pinaglihi sa sumpa pati kami dinadamay. Labing-isang plates gagawin namin at bukas ng hapon ipapasa tangna niya talaga.
"PROMISE iuuwe rin kita ng maaga. Ihahatid na rin kita don sa malapit sa inyo para di nila ako makita" itinaas ko pa ang aking kamay para maniwala siya at samahan na ako.
"Ano ba kasi gagawin mo don? Alas singko na oh madilim na mamaya kakagalitan ako nina kuya pag naabutan nila akong wala pa sa bahay", mahinanong tanong ni Shayrine sakin.
Pota. Bat ang ganda at hinhin ng boses mo Mahal? Hulog na hulog na ko tas di mo naman sasaluhin. Emotional damage pre. Bukod sa pagiging maganda sobrang inosente ni Shayrine. Lagi kaming nag iingay sa klase nina Klode kapag di namin trip yung professor namin. Ending pinapalabas kami at dumadaretso na sa kompyuter shop. Araw-araw ganon trabaho namin hanggang nakita ko siya bumibili ng coupon bond sa katabing shop. Gusto ko siya pero bawal pa siya magboyfriend kaya patago ko siyang nililigawan kahit walang consent niya haha bat ba? I'm just fucking in love with her. Gusto ko lagi nasa tabi niya even I can't call her my girlfriend. Masaya na ako don. Masaya na akong parating kinukulit Siya katulad ngayon.
"Saglit lang naman e. Pero kung ayaw mo sige di na kita pipilitin. Pasensya na di na kita maihahatid baka kasi saraduhan na ako", malungkot na may pangongosensya kong sagot. Alam kong di siya makakatiis at sasamahan niya pa rin ako. I know her. She's too soft para tanggihan ako haha.
"hays. Sige pero sandali lang tayo ha baka kagalitan ako".
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at tumakbo kami papuntang kanto. Sanay na siya kapag hinahawakan ko kamay niya o kaya pag yayakapin at hahalikan ko na lang siya bigla. Hindi ako clingy but when it comes to her daig ko pa ang linta kung makadikit sa kanya. Ganon siguro pag inlove kaso masyadong manhid tong babaeng to di niya alam na mahal ko siya.
Matapos bilhin lahat ng kailangan ko binili ko rin Siya ng pagkain. Nong una ayaw niya tanggapin kasi mauubos daw pera ko pero galing naman sa ipon ko yun. Binebenta ko minsan yung mga gamit na di ko na kailangan sa tropa ko. Wala lang pinaghahandaan ko kasal at future namin e. Wala na rin siyang nagawa, sa huli tinanggap rin niya.
"Gave dito na lang baka makita ka nina papa e".
"Miss na agad kita" , nakanguso kong sagot sa kanya. Pagdating sa kanya para akong tangang pabebe. Lalo na pala kung naging girlfriend ko pa siya baka dumede na rin ako. Waley joke. Hmp.
"Hahaha baliw ka. Sige na alis na ako. Ingat ka ha.", paalam niya
Hinalikan ko siya sa noo at tuluyan ng umalis para magtungo sa kanilang bahay. Pagkarating sa bahay agad kong inumpisan ang lintes na plates na to.
"Damn it, bakit ko ba nakuhang mag-architect?". Sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis. Ilang vellum paper na nasayang ko dahil hindi ko maperfect ang size and scale. Narinig kong tumunog phone ko. Agad kong kinuha at sinagot to ng di tinitingnan ang caller alam ko naman si Sharine to.
"Yes babe" masigla kong sagot.
"Fuck you. Anong babe? Si Kolde to tanga", nailayo ko ang cellphone ko sa pagsigaw ni Klode. Bobo naman.
"Ano kailangan mo?"
Nawalan agad ako ng gana nong siya tumawag. Dapat di ko na sinagot hinayaan ko na lang.
"Absent tayo bukas. KingQueena hindi ko kaya ng isang gabi to, parusa ang matandang yon. Sabihin natin nagsusuka-tae ka walang bantay sayo kaya babantayan kita".