"Felicia!" tawag ng isa kong kasamahang na nagtratrabaho din sa University of Santo Tomas Hospital.
Bigla ako naalimpungatan sa pagkakaidlip dahil sa tawag niya.
"O' bakit, Hannah?" Malat na tanong ko sakanya habang kinukusot ang aking mata.
"Tapos na ang shift mo, hindi ka pa ba uuwi?" tumingin ako sa wristwatch at nalamang mag aalas-otso na. Nakalimutan kong may girls night out nga pala kami ng mga kaibigan ko ngayon. Buti nalang ay alas diyes ang napagplanuhan naming meet up.
Dali dali kong inayos ang aking mga gamit at inilagay sa aking backpack. Nagpaalam na ako kay Hannah saka lumabas ng ospital.
Pumara ako ng taxi pauwi sa aking condo dahil magbibihis muna ako siyempre hindi pwedeng ganito lang suot ko no.?
Pagkatapos kong bumaba ng taxi ay diretso akong tumungo sa elevator. Nang makarating na ako sa tamang palapag ng aking unit ay hinanap ko agad ang susi sa aking backpack at binuksan ang pinto.
Dumiretso ako sa aking kwarto at binuksan ang aparador para makakuha ng damit na susuotin para sa club. Napagpasyahan kong magsuot ng black silk tight dress na above the knee ang sukat, pinatungan ko ito ng black leather na jacket and I partnered it with a pair of black open toe heels. In terms of my hair, I decided to wear it in a messy bun. Kinuha ko ang aking black Prada sling bag at doon inilagay ang aking cellphone at wallet.
Susunduin ako ng mga kaibigan ko dito ng mga alas-nuwebe kaya may time pa ako magscroll sa social media feeds sa phone ko.
While scrolling on twitter, a single post caught my attention. Nakalagay doon "After earning a bachelor's degree in business management in Australia, Salazar's heir returned to the Philippines." Dahil curious ako binuksan ko yung link pero bago ko pa ma'n makita ang mga details ay tumawag sakin si Leah.
"Fey nandito na kami, baba ka na" sabi ni Leah sa kabilang linya.
"Sige papunta na ako" binaba ko na ang tawag saka inayos ko muli ang aking sarili.
Ni-lock ko muna ang pintuan ng unit ko saka pumunta sa elevator para bumaba. Pagkababa ko sa lobby kitang kita ko ang black fortuner ni Leah na naka-hazard sa tapat.
Pagbukas ko palang ng sasakyan, bumungad na agad sakin ang mga ngiti ng aking mga kaibigan. Nasa driver's seat si Leah, nasa shotgun's seat si Julie, at nasa back seat naman sina Farrah at Emery.
Umupo ako sa backseat kasama sina Farrah at Emery. "Na-miss kita" sabi sakin ni Emery habang niyayakap ako, tangkang hahalikan niya sana ako sa pisngi pero tinigilan ko siya.
"Huwag kang ano kakakita lang natin kahapon" saad ko habang inilalayo ang kanyang mukha sa akin.
"Bakit nga pala ang aga niyo? Alas-diyes ang usapan ah?"
Nagtatakang tanong ko sakanila."Para may maabutan tayong pogi" natatawang sagot ni Leah.
"True, iyon naman talaga ang sadya natin" pagsang-ayon ni Julie.
"Leche, palibhasa sawi tayo sa pagibig eh" saad ni Farrah saka humagapak ng halakhak.
"Sinabi mo pa!" Sabay sabay naming tugon saka humalakhak na din.
Sila na talaga ang mga kaibigan ko noong highschool pa lamang.
Inabot ng kalahating oras ang biyahe namin papuntang club dahil sa traffic ngunit nakapunta naman kami ng maayos sa club.
Bumaba na kami sa sasakyan at dumiretso sa entrance ng club. Hindi pa ma'n ako lubusang nakakapasok ay rinig ko na ang tunog ng mga bass sa speaker at hiyawan ng mga tao.
BINABASA MO ANG
A Journey to the Sparkle of Midnight (Times of day series #1)
RomanceIt all started at the nightclub where my friends and I went. Trying to console myself for dating a slew of jerks and ending up heartbroken, but my fate changed when that man entered my life. The man who became both my safe haven and the person I don...