Chapter 2

35 1 0
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at bumungad saakin ang malakas na sikat ng araw. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay upang hindi masilaw.

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkahiga at nagulat na lamang ako sa aking nakita.

Sinuri ko ang paligid kung kwarto ba 'to ng isa sa aking mga kaibigan pero hindi eh. Andaming mamahalin na gamit.

Parang nasa isang condo ako ngayon. The problem is hindi ko alam kung sino ang nagdala sakin rito.

Hindi ako pamilyar sa kinaroroonan ko ngayon.

SHIT!

Mabilis kong tiningnan ang aking katawan na nakabalot sa kumot at guminhawa ang aking pakiramdam nang nakitang iyon pa rin ang suot ko.

So walang nangyari?

Wait

Di ako sure

Napabuntong hininga na lamang ako at hinilot ang aking sentido. Masakit pa din ang ulo ko dahil andami kong nainom kagabi.

Feel ko din na nasusuka ako kaya tumayo ako sa kama at dumiretso sa banyo.

"Feeling ko naisuka ko lahat ng pagkain at ininom ko kagabi" sambit ko sa aking sarili pagkatapos ko magsuka.

I flashed the toilet bowl made sure na walang bakas ng suka ko, nakakahiya naman dahil parang mas valuable pa ang banyong ito kaysa sa buong pagkatao ko. Hinalamusan ko ang aking sarili at nagmumog.

Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito pero kailangan ko ng umalis dito dahil alam kong nagaalala na ang mga kaibigan ko sakin.

Agad kong hinanap ang aking bag dahil nandoon ang aking cellphone. Lumigon-lingon ako sa iba't ibang parte ng kwarto pero wala akong mahanap na bag.

Not until I realized that wala nga pala akong bag dahil naiwan ko sa table namin yung bag ko kagabi.

Fuck

I'm screwed

Ang importante ay makatakas ako dito
Safe and sound.

Sinuot ko ang heels ko at dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan ng kwarto.

Hahawakan ko na sana ang doorknob ngunit napasinghap ako nang biglang bumukas ito at iniluwa no'n ang isang matangkad, matipuno at mestizo na lalaki.

WHAT

Is this for real?

Kinusot ko ang mata ko gamit ang likod ng aking palad dahil baka guni-guni ko lang 'to.

Pero hindi

Hindi ko alam kung masaya ba dapat ako or kakabahan

Siya yung lalaking nakakuha ng atensyon ko kagabi

Tumingin ako sa tray na dala-dala niya at nakitang may isang platong naglalaman ng sunny side up egg, bacon, at kanin.

"Oh you're awake" bungad niya.

"Who are you?" Malamig kong tugon

"Aiden" tugon niya at inilahad ang kanyang kamay.

Nagdadalawang isip akong sabihin ang aking totoong pangalan dahil hindi ko naman lubusan siyang kilala.

Kahit na gwapo siya ay hindi ko basta-basta nalang ibibigay ang pangalan ko sakanya.

Nagisip ako ng pwedeng pangalan.

Alam ko na!

Buti nalang naglalaro ako ng ML kaya madami akong pwedeng ipagkunwaring pangalan.

"Layla" tinanggap ko ang kanyang kamay upang panggalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Journey to the Sparkle of Midnight (Times of day series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon