Chapter 1

29 1 0
                                        

"Rise and Shine!" Rinig kong sabi ni Emery. Niyuyugyog niya ako para magising. Agad ko namang idinilat ang aking mga mata dahil naririndi na ako sa sigaw ni Emery.

"Buti naman at gumising ka na kung hindi bubuhusan pa kita ng malamig na tubig" biro niya habang nakapamewang.

Bumangon ako sa pagkahiga at humikab pa. Medyo kulang pa ako sa tulog kasi ala-una na ako nakauwi kaninang madaling araw dahil sa part time job ko.

Napagisipan naming magkakaibigan na manirahan sa iisang bubong kaya't heto kami ngayon magkakasama. Sinimulan namin ang pagaambag nung highschool pa lamang. Dahil may sapat na kaming ipon, bumili kami ng lupa at nagpagawa kami ng isang modern two-story house sa Quezon city. Hati hati kami sa gastusin dito kaya may part time job ako. Ayaw ko naman umasa lagi sa magulang ko lalo na sa pam-pinansiyal, nasa tamang edad na ako para tumayo sa sarili kong mga paa.

"Paano ka nakapasok dito?" Nagtatakang tanong ko sakanya dahil sa pagkakaalam ko ay ni-lolock ko lagi ang pintuan ko bago matulog.

"Isn't obvious?" Itinaas niya ang kaliwang kamay niyang may hawak na susi saka winagayway.

"Okay, hintayin niyo nalang ako sa baba dahil maliligo pa ako" sabi ko sakanya habang kinukusot ko ang mata ko gamit ang likod ng aking palad. Narinig ko ang pagsara ng pinto senyales na umalis na siya. Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa kama at pumunta sa banyo para maligo.

Pagkatapos ko maligo agad kong sinuot ang aking uniporme at inayos ang mga gamit ko sa aking backpack. Lahat kaming magkakaibigan ay nag-aaral sa UST, Nursing student kami nina Leah at Emery samantalang MedTech student naman sina Farrah at Julie.

Matanda sina Julie, Farrah at Emery ng isang taon samin ni Leah, 2nd year college kami ni Leah habang nasa 3rd year college naman sila.

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili, bumaba na ako para kumain ng almusal. Nakita ko sina Emery at Julie na kumakain sa hapag kainan, si Leah na nagsusuklay ng kanyang buhok doon sa malaking salamin at si Farrah na nasa sala hawak ang kanyang cellphone. Abalang abala siya sa pagtitipa kaya napagisipan kong lumapit sa sakanya.

"Busy na busy ah, kumain ka na?" Tanong ko sakanya.

"Yep, tinetext ko lang yung mga kagrupo ko about don' sa research namin sa Parasitology" tugon niya. Mukha siyang stress na stress sa mga ka-groupmates niya kaya hinimas ko ang likuran niya saka umalis papunta sa hapag kainan para kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nagsipilyo na ako at pumunta sa labas para sumakay sa puting Honda CR-V ni Emery. Sabay-sabay kaming lima pumapasok lagi papuntang UST. Ang marunong samin magdrive sa ngayon ay sina Emery at Leah kaya salitan sila sa pagmamaneho patungo sa aming unibersidad. Ngayon araw ay si Emery naman ang magmamaneho, hinihintay pa namin si Julie dahil may nakalimutan siyang kunin sa taas.

Nang makasakay na muli si Julie sa sasakyan ay agad agad na kaming bumiyahe patungo sa UST.

Nagulat kami nang inihinto ni Emery sa gilid ng daan ang sasakyan. "Bakit mo hininto?" Tanong ni Leah na nasa passenger seat.

"Uhh...Diba boyfriend mo iyon, Fey?" Sambit ni Emery sabay turo sa sa gilid ng sidewalk.

Sumilip ako sa aking bintana at nakita ko si Payton na naglalakad kasama ang isang babaeng di' ko kilala. Ang kanyang kamay ay nasa beywang ng babae habang nagtatawanan sila.

"Putangina, sinasabi ko nga ba! Walang magandang idinudulot yang lalaking yan' eh!" Nanggagalaiting saad ni Julie.

"Here we go again, season one and episode five of caught my boyfriend cheating on me" sabi ni Leah. Bakas sa kanyang mukha ang pagkairita

"Tell me, pang-ilang beses mo na ba nahuli mga boyfriend mong tarantadong nangangaliwa?" Tanong ni Emery habang nakatingin pa din sa direksyon nina Payton.

A Journey to the Sparkle of Midnight (Times of day series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon