Paano kapag di mo mapigilang mainlove sa Stalker ng Bestfriend mo? tapos malaman laman mo na inlove din pala yung bestfriend mo sa stalker nya?
talo kana
talong talo kana
talo talo talo talo!!!!!!!!!!!!!
Hay salamat natapos din to. Makakauwi ako ng mejo maaga aga ngayon ^_^
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pauwi na ako ng bigla kong nakita si Andrix na parang wala sa sarili
"Andrix"
Di ata ako naririnig
"andrix masasagasaan kana"
sabay hila sa kanya
"hoy kung magpapakamatay ka wag kang mandamay" sabi ng driver ng buss
"pasensya na ho" sabi ko
"Andrix? Anung nangyare sayo?"
Tumingin saken si Andrix at bigla nalang akong niyakap at humagulgol ng iyak
"hala kuya pinaiyak mo si ate" sabi ng isang batang lansangan
Pinunta ko sya sa bahay namin Magdidilim na rin kasi nun ayoko naman syang iwanan sa condo nya baka kung ano pag gawin nya sa sarili nya.
"andrix inom kana muna ng tubig"
At uminom nga siya mejo naginhawaan na yata sya at kinausap na ako