Summer After Highschool [Oneshot]

70 4 5
                                    

Summer After Highschool [Oneshot]

by: Abbhie

              |||||||||||||||||| Summer After Highschool [Oneshot] |||||||||||||||||

"Summer after highschool...nakilala ko ang babaeng hindi ko akalaing mamahalin ko, at ang babaeng magpapaiyak sakin ng husto."

"Magbreak na tayo."

Yan ang pinakamasakit na sinabi mo sakin. Lalo na ng sabihin mo yan eksakto, 4th anniversary natin Pero mas masakit makita na..masaya ka.

...sa piling ng bestfriend ko.

"Ayoko na sayo, Vince! Ang boring mo! Kumpara kay Gael, walang-wala ka!"

Yan ang sinabi mo sakin ng makita ko kayo ng bestfriend kong si Gael na nasa kotse nya, nagtatawanan, masaya, magkahawak ang kamay at tuwang-tuwa ka sakanya. Nang makita nyo ako noon, napasimangot ka. Doon, nadurog ang puso ko.

Isang araw, nakita kitang naglalakad. Nang makita mo ko, katulad ng dati ay napasimangot ka at sinamaan ako ng tingin.

"Ano nanaman ba, Vince?" Iritado mong sabi sakin at tumingin ka sa relo mo na pinaparating na: 'nasasayang ang oras ko sayo'

"Summer..please..bumalik ka na sakin." Nag-mamakaawa kong sabi sayo. Pero umirap ka at nagmatigas.

"Wala kang kwenta, Vince. Ang BORING mo. Leave me alone!" Maarteng sabi mo. Malayo sa 'ikaw' na nakilala ko noon. Ngayon, iniisip ko.

....nakilala ko nga ba ang tunay na 'ikaw'?

"Ano bang nakita mo kay Gael na wala ako?" Naiiyak na sabi ko sayo na halos lumuhod na. Halos lahat ay nagtitinginan sa'tin. Pero wala akong pakealam. Wala akong pakealam kung kaawaan nila ako. Basta, gagawin ko 'to para sayo.

....dahil mahal kita.

"Gusto mo talagang malaman? Hindi ka kasi exciting! Hindi gaya ni Gael. Now, leave me alone." Umalis ka doon at naiwan naman akong mag-isa. Nakaluhod at naiyak, pinagtitinginan at kinaaawaan.

----

Nang mga sumunod na araw, napapansin kong namumutla ka, napapadalas din ang pagsusuot mo ng mga caps at iba pang pantakip sa ulo.

Pero ang malala, nakita ko si Gael. Ang bestfriend ko na boyfriend mo na ngayon. Ang bestfriend kong ipinagpalit mo sakin.

"Gael"

Tumingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloko.

"Kamusta?" Nagbigay sya sakin ng nakakalokong tingin saka umakbay sayo na nakatingin sakin. May kung anong lungkot sa mata mo na hindi ko maipaliwanag.

"Eto, hindi mabuti. Salamat sayo." Mapait na sabi ko.

"Ah..?"

"Siguro, kung hindi mo inagaw sakin ang girlfriend ko, ayos pa din ako. Pero hindi. Bestfriend pa man din kita."  Nilagpasan ko kayong dalawa.

----

Isang buwan na din ang hindi namin pag-papansinan ni Gael. Maging si Ric at si Jay ay naapektuhan. Dati kaming grupo. Grupo ng mga 'g@go' pero dahil sayo, nag-kaaway ang 'leader' nila at 'kanang-kamay'.

"Vince, pare. Wala ka bang balak na makipag-ayos kay Gael?" Panimula ni Ric ng makita akong nakaupo at walang ginagawa.

"Siguro, makakabuti kung ganito muna. Papalipasin ko muna." Malamig na sagot ko.

Summer After Highschool [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon