Kabanata 35 : Ang Pagpasok sa Mundo

468 39 6
                                    


Kabanata 35 : Ang Pagpasok sa Mundo

Heather School

Kinabukasan


"Aray!" sigaw ni Uno habang akbay siya nila Laszlo at Otto papasok ng paaralan ng umagang iyon.

"Ang ingay mo. Wala naman kaming ginagawa sayo." sabi ni Laszlo kay Uno.

Napangisi si Uno saka ito nagsalita.

"Para advance, kung sakali may gawin kayo nakatingin na sila." nakangising sabi ni Uno habang pinagtitinginan ang pitong bata papasok ng gym para sa flag ceremony.

"Loko-loko." sabi ni Otto sabay higpit ng pagkakaakbay kay Uno.

"Arayyyyy!!!!!" malakas na sigaw ni Uno na ikinatawa ng mga estudyante na halatang nagbibiro lang naman na nasasaktan si Uno para inisin ang anim na pinsan nito.

Napangisi ang sixtuplets, kilala sila sa paaralang iyon. At kung dati ang tingin sa sixtuplets at kay Uno ay mortal na magkaaway dahil laman sila ng guidance sa palagiang panunulot ni Uno ng nobya nila hindi na ngayon mula ng malaman nilang magpipinsan sila. Ang tatay ni Uno ay pinsan ng ina ng sixtuplets.

"Ang ingay mo talaga." sabi ni Viggo sabay mabilis na sumampa sa likuran ni Uno.

"Arayyyyyy!!!!" muling sigaw ni Uno ng pumasan si Viggo sa likuran niya at pakiramdam niya may isang sakong bigas sa likuran niya. Malalaking bulas ang anim na pinsan na tipikal sa mga Lopez. Malaking bulas din naman siya kaso mas malaki ang mga barako niyang pinsan.

"Ang ingay-ingay mo." sabi ni Ezio at nagtawanan ang lahat ng ikawit ni Ezio ang mga kamay sa leeg ni Uno na hindi na nakapaglakad dahil ang apat ay tila karga na ni Uno..

"Hahahaha! Lagot kayo ngayon tumakas kayo kahapon." sabi ng isang batang lalaki na ikinatingin ng pitong batang lalaki dito.

"Anong sabi mo?" tanong ni Rollo sa batang lalaki.

"Hinahanap kayo kahapon nila Maam at ang sabi kapag pumasok kayo buong araw kayong nasa labas lang ng classroom." sabi ng kaklaseng lalaki ng pitong batang lalaki.

"Mabuti." nakangiting sabi ni Shiloh na ikinangisi ng mga kapatid nito at ni Uno.

"Uyyy, may legal permit tayo for cutting classes." natawang sabi ni Uno na ikinatawa ng sixtuplets at ng mga kaklase ng pito dahil mula ng nakilala ni Uno ang anim na pinsan nito naging pasaway ito.

"Hahahaha. Hindi na kailangan magdahilan ni Uno masakit ang ipin." natawang sabi ni Laszlo.

"Uyyyy, ang kapal mo masakit talaga ipin ko. Hindi tulad niyo sabay-sabay nagtatae." sabi ni Uno na ikinatawa ng mga kaklase ng mga ito habang nasa pila.

"Kayong pito!" sigaw ng guro na ikinatingin ng lahat ng estudyante sa pitong batang lalaki.

"Yes dear." nakangiting sabi ni Shiloh sa guro, na ikinasiko ng mga kapatid nito at ni Uno.

"Sakto mabuti hindi kayo late, pumunta kayo sa stage at kayo ang magsagawa ng exercise." sabi ng guro na ikinatingin ng pito sa isa't isa at ikinatawa ng lahat.

"Ano ito kekembot tayo?" nanlalaking mata na sabi ni Otto.

"Umakyat na kayo sa stage, kayo din ang maglelead ng Pambansang Awit at Panatang Makabayan." sabi ng guro.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon