Chapter 18.3

2.6K 96 4
                                    

♥Yumi's POV♥

Andito lang ako sa kwarto ni besh dahil tatlong araw na siyang hindi gumigising. Nadala na namin sila sa hospital. Silang dalawa ni Rence dahil ang taas nang lagnat non. Pero nakakagulat lang talaga dahil paggising ni Rence si besh agad ang hinanap niya.

Pinuntahan niya pa nga sa kwarto. Di ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa dalawang to. Mukhang may spark na sa kanila. At parang napapabago na ni besh si Rence ah.

"Hmmmm" napatingin ako kay besh na umuungol.

"Besh! Besh!" tawag ko sa kanya.

"Master" mahinang sabi niya. Teka si Rence? Bakit naman niya tinatawag pangalan non?

"Besh gising na" sabi ko at minulat niya mata niya.

"Teka nasaan ako?" tanong niya habang sumasandal sa headboard nang kama.

"Ateeeeee!" biglang sigaw nung nasa pinto at dakmal nang yakap kay besh.

"Easy lang lil bro di mawawala si ate tsaka ano bang nangyari?" tanong niya.

"Di mo naaalala?" tanong ulit nang mga bagong dating lang na sina Kevin.

"Ha? Hmmmmm" sabi niya at inisip talaga niya.

"Aha! Alam ko na si master?" besh

"Nasa --"

"Bakit?" naputol ang sasabihin ni Asungot dahil dumating si Rence sa likod niya at nagsalita? Hala sinasapian ba to? O kinulam ni besh haha.

"Waaaaaaah masteeeeeeeer!" sigaw ni besh at takbo kay Rence.

"Besh teka yung sugat mo" sabi ko pero di ako pinakinggan.

Bigla niyang niyakap si Rence na ikinabigla ulit namin. Ano ba talagang meron sa dalawang to? Bigla namang naging black ang aura ni Rence. Hala lagot si besh pero namumula naman ang mukha ano yun?

"Master thank you talaga sa pagligtas sakin" sabi niya na nakatingin kay Rence. Bale magkatitigan sila.

Walang nagsasalita magkatitigan lang talaga sila sa isa't isa. Parang nag uusap yung mata nila at nagkakaintindihan.

"Ehem! Ehem!" biglang kunwaring ubo ni Asungot masyadong paepal sa moment.

"Ahmm... ah kumain na ba kayo? Sino nagluto? Tsaka sino nga palang nanalo?" sunod sunod niyang tanong pero nagtaka kami sa huli niyang tanong.

"Ate ikaw kaya ang nanalo ikaw may dala nung treasure" Ken

"Ha? Ako? Pano nangyari yon?" besh

Ba't di niya alam or matandaan man lang na siya yung nakakuha nang treasure. Tama kaya ang hinala ko na...

"Nakahanda na ang pagkain sa baba" cold na sabi ni Rence kaya napatingin kami sa kanya.

"Nagluto ka?" sabay sabay nilang sabi.

Hindi naman sila pinansin at nagdire diretso na si Rence sa dining area. At sumunod na lang kami dahil nagugutom na rin kami.

♡Nate's POV♡

Naninibago kami kay Ice. Nababawasan na yung pagiging cold niya at madalas na din siya magsalita. Pero masaya kami sa nangyayari sa kanya. Mukhang nakaka move on na siya sa ex niyang niloko lang siya.

At mukhang nagtitiwala na din siya kay Sarah. Si Sarah pa nga ang muling nakapagpatawa sa kanya nang totoo at hindi pilit. Buti na lang pala talaga naisip ko tong bakasyon na to. Kaso uuwi na rin kami mamayang gabi dahil tapos na one week eh.

"Oh bro tulala ka jan?" biglang sulpot naman nang mga tukmol.

"Psssh!" ako at di na sila pinansin.

The Campus Princess is a Gangster SLAVE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon