Before The Plan

2.5K 81 3
                                    

Third Person's POV

Akala ni Rence may problema siya sa puso kaya naisipan niyang pumunta sa hospital. Dahil para masigurado na rin kung may sakit ba talaga siya sa puso dahil laging bumibilis ang tibok nang puso niya lalo na kapag nanjan si Sarah.

*Hospital

"Oh hijo anong maitutulong ko sayo?" tanong nang doctor.

"Ahmm... Ah doc, magpapacheck lang po ako kung may sakit ba ko sa puso" nahihiyang sabi ni Ice dahil isang gangster pupunta sa hospital para lang itanong kung may sakit siya sa puso?

"Ah sige hijo iche check ko" sabi nung doctor at lumapit sa kanya at inilagay ang stethoscope ( tama po ba? Yung pangcheck nang heartbeat at breathing )

"Hijo wala naman normal naman ang heartbeatbat at breathing mo" sabi ulit nang doctor habang chinecheck parin.

"Dahil ba sa babae?" biglang tanong nang doctor kaya bigla nanamang bumilis ang tibok nang puso niya sa di malamang dahilan. Kaya hindi siya nakaimik sa tanong nito.

"Hijo hindi ka dapat nagpacheck-up pa" natatawang sabi nang babaeng doctor at bumalik na sa swivel chair nito.

"Bakit naman ho? Eh hindi naman po ganito ang normal heartbeat" angal niya.

"Hindi naman sakit ang magkagusto sa isang tao hijo" natatawa paring sabi nito.

"Ano pong gusto sa isang tao?" kunot noong tanong niya.

"Kapag ba nanjan siya kinakabahan at bumibilis ang heartbeat mo? *tumango siya* Nagagalit ka ba kapag may kasama siyang iba or nasa iba attention niya? *tango ulit niya* Nako hijo ikaw lang ang makakapag sabi kung ano talaga yang nararamdaman mo" sabi nang doctor na nakangiti sa kanya kahit di kilala ang tao ay naiimagine ito ni Ice.

"Sigurado ba kayo?" paninigurado niya.

"Oo hijo, oh sige umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo" doctor

Kahit di parin alam ang nangyayari sa kanya ay umuwi na lang siya. Dahil wala rin naman daw siyang sakit at masaya siya don. Ibig sabihin makakalaban at makakaganti parin siya sa sumira nang buhay nila. Kay Fire...

*At their house..

Pagdating niya ay walang tao kaya dire diretso parin siya pagpasok. Dahil baka magtaka ang apat kung bakit nakapang disguise siya. Oo nakapang disguise siya dahil baka may makakita at makakilala pa sa kanya at masabihang may sakit siya mas malala maisumbong sa apat at aasarin lang siya nang mga ito at kukulitin araw araw.

Nagbihis muna siya nang kung anong nakuha niya. Pero iniisip niya parin kung bakit ganon ang puso niya. At biglang nagpop out sa utak niya ang mukha ni Sarah na nakangiti nang totoo at hindi pa cold ang pakikitungo nito sa kanya.

"Hindi! Hindi! Mali to! Hindi ko siya gusto at kailan man hindi ako magkakagusto sa kanya dahil niloko niya lang ako" sabi niya sa sarili at pilit binubura ang nasa utak niya.

"Oo tama niloko niya lang ako. At yung apat sa kanya parin kumakampi kahit alam nila na niloloko lang ako. Arrrrrgh! P*tang*nang deal na yan" sabi niya na lang at ginulo ang buhok dahil sa frustration.

"*tok tok* Ice" tawag sa kanya at alam niyang si Red yon kaya binuksan niya ang pinto.

"Bakit?" cold niyang sabi.

"Tara kain tayo may dinala kami" tatanggi na sana siya kaso nahila na siya kaya wala na siyang nagawa kundi pumunta sa kusina.

"Oh tara kain na tayo" Grey at umupo na lang siya at kumain nang dala nang mga tong pizza.

"Bakit wala ka ata kanina?" patay malisyang tanong ni Dark.

"Ahmm... ah ma-may pinuntahan lang" nasabi na lang niya at kumain.

"Ah okay" sagot na lang ni Dark kahit alam niyang hindi totoo.

Nalaman nila dahil sinundan nila si Ice. Oo sinundan nila dahil nitong mga nakaraang araw iba si Ice kaya naisipan nilang sundan. Pasalamat na lang sila dahil hindi sila napansin ni Ice dahil malalim ang iniisip. Narinig din nila ang sinabi nang doctor dahil nasa tapat sila nang pinto.

Kahit mukha silang ewan na pinagtitinginan don wala silang pake. Dahil mga babaeng kinikilig lang naman ang nandoon. At dahil napapasarap ang pakikinig nila hindi nila alam na papalabas na si Ice nang kwarto kaya dali dali silang humigit nang mga babae at tumalikod para di makilala. At nang makaalis na dumiretso muna sila sa greenwich.

"Ice may tanong lang ako" Grey at tumaas lang ang kilay ni Ice meaning "ano"?

"Bakit nitong mga nakaraang araw pansin namin na iba ang kinikilos mo. Ang dating walang emosyon nagkaroon na lalo na ang pagkainis mo nalabas na rin" patay malisyang tanong ni Red.

"A-ano bang sinasabi niyo?" iwas niya nang tingin.

"Dahil ba kay Sarah?" Red at sa di malaman na dahilan bigla nanamang bumilis ang tibok nang puso niya pero di niya pinahalata.

"Bakit naman magiging dahilan si slave? Di ba nga niloloko niya lang ako?" biglaan niyang tanong na kahit wala sa topic.

"Hahahahahaha" biglang tawa nang apat kaya napakunot ang noo niya.

"Kasi naman mali I mean kulang yung napakinggan mo, siguro hanggang pero ka lang no?" paninigurado ni Blue kaya sumama tingin niya at tumawa ang mga to.

"Ang totoo kulang yon. Dahil may kasunod pa yon. Pero gusto ko siyang maging kaibigan kahit walang deal o wala pang deal dahil alam kong mabait siya tinatago niya lang" paliwanag ni Blue.

"Oh ano natahimik ka? Kaya sa kanya parin kami kumakampi imbis na sa demonyong nasa likod mo" parinig ni Blue kaya napatingin siya sa likuran.

Kahit naasar si Kate dahil sa napakinggan or pagpaparinig ni Blue. Hindi niya pinakita yon at pilit ngumiti nang humarap si Ice.

"Hi babe!" bati ni Kate at lalapit na sana sa kanya kaso umalis siya at pumunta sa kwarto niya at inisip ang lahat.

Pero gusto ko siyang maging kaibigan kahit walang deal o wala pang deal dahil alam kong mabait siya tinatago niya lang...

Pero gusto ko siyang maging kaibigan kahit walang deal o wala pang deal dahil alam kong mabait siya tinatago niya lang...

Paulit ulit yan sa utak niya na parang sirang plaka. Ang kinagagalitan pala niya ay mali dahil naging tanga siya at nabulag siya sa katotohanan. Mas lalo niyang sinisi ang sarili nang maalala niya ang nangyari dati. Hindi niya pinakinggan ito at may mga sugat ito. Mababaw lang and sinabi ng apat pero ang lakas na ng epekto sa kanya.

"Bakit ba ko nagkakaganito? Sino ka ba talaga? Bakit ganito nararamdamn ko sayo?" tanong niya sa sarili.

"Kung hindi ka ba dumating magbabago ba ang lahat? O magiging ganon parin ang takbo nang buhay ko?" tanong niya ulit at napadako ang tingin niya sa isang stuff toy.

Ang stuff toy na bigay sa kanya ni Sarah at couple yon. Oo tinago niya yon kahit galit siya dito. Ito ang nakakaalam nang sikreto niya, nang lahat. Dahil alam niyang walang buhay ito at makikinig lang sa kanya nang hindi siya hinuhusgahan.

Kinuha niya ito at nilagay sa lap niya. Naalala niya ang nangyari noon sa mall. Ang ginawa niya kay Sarah noon at doon din unang nagtalo ang isip at puso niya. Natawa na lang siya sa nangyari at hinawakan ang stuff toy. Tinignan niya ito habang hinahaplos. At biglang may itinanong.

Gusto ko na ba talaga siya?....

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Please Vote. Comment. And be fan

A/N: Sana po nagustuhan niyo. Inextra ko lang po para alam po naten kung pano at bakit niya naamin na may gusto siya kay ate Sarah. Hihi! Maraming salamat sa pagbabasa at sa suporta. Aishiteru!

Hugs & Kisses ^^

The Campus Princess is a Gangster SLAVE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon