Kabanata 36 : Karibal

558 45 21
                                    


Kabanata 36 : Karibal

Heather Mall


"Ano ito?" sabi ni Elle ng dalhin siya ni Wine sa isang kuwarto na opisina ng Heather Mall.

Napangiti si Wine, sa ilang taong pagsasama nila ni Elle pinalano niyang magkaroon na maliit na El Paradiso sa Isla pero alam niya na hindi siya tulad ng mga Valiente o Cheung na hasa sa Negosyo kaya naman ang naisip niya at balak sa Heather Island ay inilagay niya sa maliit na kuwartong iyon.

"Darating ang araw, magiging ganito ang Heather Island, ang isla kung saan mo ako sinundan." sabi ni Wine.

Pinagmasdan ni Elle ang kuwarto, may mahaba at malaking mesa na tanging nasa loob ng kuwartong iyon. Sa mesa ay may sculpture ng isang kawangis ng Heather Island.

"Sinundan mo ako sa lugar kung saan kulang ang lahat. Aminado ako hindi ko kayang abutin ang naabot ng pamilya mo. HIndi ako kasing galing ng mga Cheung o makipagsabayan ng talino sa mga Valiente pero pangako ko sayo lahat ng nakikita mo. Maibibigay ko sayo." sabi ni Wine.

Nanatiling nakatingin si Elle sa paligid, sa isang imahe ng isla naroroon ang kawangis ng Glass House, ang bayan, ang Heather Mall, ang mga naglalakihang farm, ang pampublikong paaralan at hospital. Isang simpleng lugar sa isang maliit na isla.

"Mall lang ang naipagawa ko at ang glass house." sabi ni Wine.

Napangiti si Elle saka ito tumingin kay Wine.

"Marami kang nagawa." nakangiting sabi ni Elle habang nakatingin kay Wine.

"Ha?" sabi ni Wine.

"Marami kang nagawa, at iyon ang mga anak mo. Ang onseng anak mo ang magbibigay sayo ng mga bagay na nakikita mo ngayon. Alam ko darating ang araw, sila pupuno sa mga pangarap mo para sa akin at para sa pamilyang ito." sabi ni Elle.

Napayuko si Wine saka ito napangiti.

"Gusto ko maging isang mabuting ama at asawa pero mukhang sa dami kong inaasam nalilito na ako kung anong uunahin ko. Kaya minsan kapag nakakagawa ka ng ayoko, iniisip ko mahina ako. Pakiramdam ko hindi ako sapat sayo." sabi ni Wine.


"Malakas ka, naka onse ka nga. Langya, anim agad ang inilabas ko tapos lima.

Alam mo Wine, lahat ng nakikita ko ngayong imahe na balak mo sa Heather Island ay isang tapang na nakikita ko sayo. Bakit?

Kasi ang islang ito ay hindi man lang mabigyan ng pansin ng gobyerno na nagawa mo dahil naisip mo ang pag-unlad nito.

Pero alam mo ba, magagawa mo ang isang bagay ng paunti-unti, ng dahan-dahan at hindi mo naman kailangan ng isang bagsakan para lahat ng nakikita mo ngayong imahe na nais mo sa isla ay biglang maganap.

Subukan mong alamin kung ano ang unti-unti na iyon." sabi ni Elle na ikinatitig ni Wine kay Elle.

"Hindi na tayo bata, gusto ko ang ibigay ko sayo mas higit sa ibinibigay ko dati sayo. Sa ilang buwan na hindi kita pinapansin, nag-iisip din ako kung paano ako makakabawi. Aminado ako minsan naisip ko kung nagsawa ba ako sayo. Pero kapag nakikita kita sa panahon na umiiyak ka at nahihirapan ka gusto ko sampalin ang sarili ko. Kasi ang labo ko, hindi ko masagot kung bakit natitiis kita." sabi ni Wine.

Napangiti si Elle saka nito hinawakan ang mukha ni Wine.

"Nauunawaan kita, at huwag ka mag-alala tulad ng sinabi ko hindi kita hihiwalayan hanggat hindi ka umaayaw. At para sa akin, bilang asawa mo at bilang ina ng mga anak natin, tungkulin ko pangalagaan at ipaglaban ang relasyon natin hanggang sa bumitaw ka ng kusa.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon