---------------------------------------
Author's Note:
Hello..ready na ba to hear the rest of my 'adventures' with creatures unseen?..Let's start..
-Mga Pulang MAta-
Makalipas ang ilang linggo matapos ang Duwende incident ng masundan ito ng isa pang di pangkaraniwang pangyayari..
Grade Five ako noon..Sa probinsya namin, di pa uso cellphone noon..bagamat may tv at cable na, uso pa rin noon laruin ang mga larong tulad ng jackstone, habol habulan at taguan..
Dahil pagabi na noon at hindi na kami pinayagan ni mama na lumabas ng bahay, naglaro na lamang kami ng mga kapatid ko ng jackstone sa loob..
Nagkakasarapan na noon sa laro dahil nahuhuli na ang kapatid ko na si Jun sa level (yep, may level yun..) nang biglang mahulog ang bola sa silong ng bahay namin..yung bahay kasi namin ay yung nakapatong lamang sa bato kya may silong kami.( wag na kayo magtanong kung paanong hindi nahuhulog ung bahay namin kahit nakapatong sa bato o kung bakit di natutumba dahil hindi ko rin alam).
" Ate, pakuha nga ako nung bola tutal malapit ka na naman jan sa pintuan.", sabi ni Jun.
"'nu ba yan..ako pa talaga..tsk..ang dilim na kaya sa labas..kaw na lang kasi.", sagot ko..
" Ei, kaw malapit kasi..kunin mo na..tatalunin ko pa kayo, oh..bilis na.." sabi ng demanding kong kapatid.
" oo na..heto na.."
Umalis ako sa pag-iindian seat ko at bumaba na ng bahay..
"haist..asan na kaya yun?..kasi naman.."
Hinanap ko ung bola at dahil tinamad akong kumuha ng flashlight, nahirapan akong makit ito..
"ate tagal mo naman!"
" kaw kya maghanap dito..ay, andito na pala..haha..buti na lang."
Pinulot ko na ung bola at paalis na ng mapansin ko ang pares ng mapupulang mata..opoh..mata..pula..galit..at nakatingin sa akin..
Na-freeze yata ako sa pagkatakot dahil hindi ako nakagalaw..palapit na nang palapit pero di ako makagalaw..
"hoy, ate!!.."
At dahil sa sigaw na yun, nagising yata ako at bigla na lang napatakbo..Hindi ako umiyak dahil hindi naman ako iyakin pero talagang nangatal ako sa takot..kinaumagahan ko pa sa kanila naikwento dahil nasa shock state pa ako nung gabi.
-wakas-
Author's Note:
Bakit kaya galit ung mga matang yun??..tsk..
BINABASA MO ANG
Third Eye: The Window To The Other World
Mystery / Thriller..this is a series of stories that describes and shares you my experience with the unusual and unseen creatures..