The Start

388 3 2
                                    

..HEY..! it's my first time writing here..hope you like it..

PROLOGUE:

Sabi nila, ang tao ay mayroon lamang 5 senses, sense of touch, sight, smell,hearing and taste. Pero may mga taong mayroong tinatawag na 6th sense- ang kakayahang makakita ng mga ibang nilalang maliban sa atin. Sila na mga may kakayahang makakita ng mga hindi nakikita ng ibang tao. Ang mga taong mayroong THIRD EYE.

Is it a GIFT or a CURSE?

It is both.

I should know.

Because I AM ONE OF THEM..

Author's Note:

Ang seryeng ito ay binubuo ng iba't ibang maiikling kwento kung saan naranasan ko ang kilabot ng pagkakaroon ng 6th sense..

- Ang Duwende-

Sabi nila, lahat ng nangyayari may pinagmulan. Parang Law of Cause and Effect lang.Lahat my simula. At ito ang simula ng aking 6th sense,,

Bandang alas sais na ng gabi ng inutusan ako ng mama ko na umigib ng tubig sa poso sa dati naming bahay..( Opoh.poso negro pa ang uso noon..Malinis naman kasi ang tubig galing dun kya dun na rin kami nag.iigib ng inumin..) Bumaba na ako nun dala- dala ang timba..

"hmmm..hmmm..hmmm." (kumakanta ako nyan..hehe.)

Madilim na ang paligid nun dahil takipsilim na, kaya para di ako matakot, kumakanta- kanta ako.Palingon- lingon na rin xempre..Nakakalahating timba na yata ako ng tubig nun nang bigla akong mapalingon sa bandang likuran ng bahay namin kung saan may mga puno ng saging..Mahilig kasi magtanim yung lolo ko nun kaya madaming tanim sa paligid. 

Paglingon ko, nagulat ako sa nakita ko..isang duwendeng puti na nakaupo sa isang puno ng putol na saging.Mahaba ang balbas nya at nakapangalumbaba habang nakatingin sa akin..

Hindi ako nakagalaw agad dahil na rin sa kabiglaan.. Noong nag.sink in na sa akin kung ano nakita ko, dun pa lang ako nakatakbo paakyat ng bahay..

Sinabi ko kina Mama ang nakita ko..Nagulat sila pero hindi ang lola ko..Dahil noon pa man, may nakikita na syang duwende sa bakuran namin..Sa dinami- nami namin sa bahay,kung bakit sa akin xa nagpakita ay hindi ko alam..Hindi ko na xa ulit nakita pa..Pero ang pagpapakita nia sa akin ang naging simula ng pagbubukas ng 6th sense ko..

-wakas-

Author's Note:

Abangan nio na lang po ung iba pang kasunod na kwento.. Ang mga nangyari matapos mabuksan ang ' third eye ko..

Third Eye: The Window To The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon