Chapter Five (Confrontation)

9 1 0
                                    

"Kaizer Kristoff Anderson?"

"Present!" Sabi ng isang lalaking nakakatakot yung itsura pero todo yung ngiti. Hindi naman sya sobrang nakakatakot tingnan pero dahil sa lapad ng ngiti nya, nakabawas na ng angas nya.

Sasali ba talaga to? Natanong ko na lang sa sarili ko. Gaaaad! Hindi sa pagjujudge aah, pero jinajudge ko na sya. Mukha syang, pano ko ba ieexplain? hmmm? siguro katulad sa mga nababasa ko sa wattpad, sya yung ihahalimbawa ko sa mga gangster sa story. Sabi nila pag real life daw ang gangster mukhang tambay pero shock! nakakita ako ng totoong gangster!! Baka mabugbog ako nito pag nagpagawa ako TT.TT kawawa naman aketch!!

"So? paano? yun na lang muna tayo, bye sa inyong lahat! Ingat sa pag uwi!" Pagtapos kong magpaalam sa kanila, tinawag ko kaagad yung mga boys na close ko na agad.

"Nakita nyo yung Kaizer?" may halong pagdadalawang isip.

"Oo Madam, Student Council tayo tas may siga?" sabi ni Richard.

"Oy! Muka naman di sya siga pero, no offense ah, bakit sya sumali satin?"

"Oo nga, Madam pagtayo nasita., Student council ganun?" Si Jeremy naman, oo nga nuh? baka pumangit yung image ng SC, di naman sa ayaw ko sa kanya pero kasi, hayyy! bakit ko baka pinoproblema yun? "Paalam ko na lang kay sir bukas"

"Madam! okay na yun!"

"Huh? di ko alam kung paano ihahandle yun Robert"

"Magagamit natin sya sa mga siga dito sa school natin pag may program satin, sa pagkakaalam ko kasi yun yung kinakatakutan sa lahat, labas o loob man ng school" kilala nya yun?

"Kilala mo yun? kung sabagay di nyo kaya yun, ang lilit nyo eh, hahaha"

"ansama mo samin!" sabay sabay nilang sabi sakin. Pero totoo naman ahh! Pansin ko nga sa batch namin yung maliliit ang lalaki compare sa ibang alumni na. "Joke lang naman, kayo naman di na mabiro pero totoo naman diba? hahaha!"

"Pagbigyan, president eh. Mamaya, alam na this!" Pinaka humble sa close kong boys, si Daniel.

Natatakot kasi sila sakin, lalo na kapag may di DAW silang nagawang tama. Katulad nalang pag inaasar nila ko, pag medyo tumahimik na ko sasabihin nila "tama na, mamaya patakbuhin kayo ulit sa Quadrangle eh" isang beses ko lang naman gunawa yun kas sabay sabay silang nagpalate nung Flag ceremony, eh walang nag Duty edi nagalit si Sir Baste kaya ayun!!

"Tanung na lang natin bukas kung gusto nya talagang sumali, pero samahan nyo ko, nakakatakot kaya sya"

"Oo naman Madam. ikaw pa! Sige bukas nalang, alis na kami, hahatid pa si Gf eh" Asus! Hatid hatid, wala kayang forever, hahaha! Hashtag Bitter!

"Sige bukas na lang, Denver! di ka pa uuwi?" tawag ko sa kanya habang kausap ang iba pa nyang friends.

"Oo, wait lang!" bumaling naman sya dun sa nga kausap nya at nagpaalam na dito. "Ano ? tara na?"

"Tara! Bye Guys!!" Paalam ko sa mga naiwan pa, tatambay pa daw sila eh.

Biglang tumigil si Denver kaya napatigil din ako.

"Bakit" Tanong ko.

"Tingnan mo" turo nya dun sa isang eskinita malapit sa school. Tinignan ko naman ang tinuro nya at nakita ko si Kaizer. "Di ba yun yung bagong SC? Gawain ba yan ng isang Leader?"

"Leader naman sya ahh, ng Gangster nga daw. Hala! oo nga, sabihin ko na lang bukas Yan kay Robert para makausap namin sya"

"Sasama ko pagkinausap nyo sya ah."

"Osige, tara na hinahanap na ko samin."

Nakauwi na din ako agad, binilisan kasi ni Denver yung lakad baka daw mapagalitan ako kasi 1 hour late na ko sa tamang oras uwi, may curfew kasi yung uwi namin kahit hapon. Medyo strict sila mama kasi nga puro kami babae, Tatlong Maria kung baga. Si Ate Sophia ang panganay medyo masungit pero sweet yan sakin tas pangalawa ako, bunso namin si Sabrina may pagkaspoiled kaya di sila magkasundo ng ate ko, kung sa bagay ganun talaga ang mga bunso kaya wala tayong magagawa.

"Anong oras na? Nakipagdate ka na ata ahh? Naku! kung magboboyfriend ka lang din, tumigil ka muna sa pag aaral" Bungad sakin ni mama habang nakaupo sa sofa, alam ko naman biro lang yun ni mama.

"Mama naman eh, pagbumisita na dito sa Pilipinas si CNU magpapalate na ko ng sobra ng uwi dahil magdedate kami buong araw!!!!" biro ko din after kong magmano.

"asus! ayan ka naman sa mga pinapantasya mo, magtigil ka nga dyan" di kasi maintindihan yung kpop kaya ayaw nya dun.

"mama naman eh, sige akyat na po muna ko" di kami mayaman kaya wala kong sariling kwarto kaya magkakasama kami sa kwarto.

Nag review lang ako para sa quiz namin bukas at nakatulog na.

Nagising ako ng umaga na at naramdaman ko ang pagkalam ng tyan ko "di nga pala ko nakapag gabihan kagabi, haist" dumaretso na ko sa banyo.

Pagdating namin sa school, napag usapan namin ni Robert na kausapin na si Kaizer, mahaba pa naman yun time.

"Pare, sigurado ka ba na sasali ka samin?" Tanong ni Robert, ako speechless lang sa tabi kasi wala kong masabi mamaya mali pa masabi ko eh, kasama namin sina Denver, Daniel at Richard.

"Hahaha oo naman pare" sabi nya habang tumatawa, ewan ko kung nahihiya ba sya o sadyang ganyang lang talaga sya.

"Pero pare kasi, may bisyo ka eh, hindi sa ayaw namin pero. . . bawal yan sa SC."

"di ko naman ginagawa dito sa school ahhh? gusto nyo bang malaman kung bat ako sumali?" napalitan yung mukha nya ng seryoso, shockiiiings!!! mas lalo tuloy akong nakaramdam ng takot.

"At bakit?" - Denver

"Kasi naman, dumadami na yung mga matitigas ang ulo at yung mga siga dito sa school. Matagal ko ng gusto to, kaya lang di ko alam ang gagawin kaya eto na lang, promise tutulungan ko kayo!" ngumiti na ulit sya, yun naman pala eh. Mabait na Gangster ang peg??

----------------------------

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon