Chapter Six (Alone)

7 2 0
                                    

Napag usapan nga namin na okay din naman yun para may sasaway sa nakukulit na bata, pero paano ko kaya sya pakikisamahan kung kada lalapit ako sa kanya eh natatakot talaga ko. Bala na si Batman para sa kanya.

Naglalakad ako mag isa sa Hallway kasi naman wala si Denver absent ayan tuloy wala kong kasama! Lagot yun sakin bukas! Di man lang nagtext?! Hmp!

Nakita ko naman sila Nina, Tiffany at Rica na magkakasama sa tapat ng room ng Section B. Ako lang wala dun ahh? Lagi na lang sila yung magkakasama. Medyo nagseselos ako kasi kaibigan din naman nila ko pero laging wala ko sa tabi nila, di na tuloy ako updated sa mga nangyayari sa kanila. Kung sa bagay, di ko naman sila masisisi kasi naman busy din naman ako. Siguro ayaw lang nila akong istorbohin, pero kahit na!!

Nag iba ako ng way nung malapit na ko sa kanila, wala lang trip ko lang. Parang napaisip lang ako, time nila yun pag magkausap usap hindi muna ko sasali. Dumaretso ako sa stockroom mahaba pa kasi yung time namin, ayoko naman sa room maOop lang ako. Naabutan ko naman sila Daniel, Robert at Richard dun.

"Yow Guys!" Tawag ko sa kanila, pero di nila ko pinansin pano ba naman naglalaro sila ng ewan ko basta may laban laban sya ng Pokemon, namaster na daw kasi ni Sir James yun kaya nagpapaturo sila. Oh yeah! Guys Im here kaya!!

"Ay Madam, sabi pala ni sir Baste pag usapan na daw natin yung gagawin sa WTD" sabi ni Robert. Sya kasi yung laging kong kasangga pagdating sa SC.

"Osige, meeting na lang tayo mamaya?"

"Ikaw po bahala"

Nagbell na nun para sa susunod na subject namin, nagpuntahan na din lahat ng estudyante sa kanya kanyang room. Pagdaan ko sa room nila Nina, sakto naman na padaan ako at magtatapon siya ng basura.

"Nina, meeting tayo mamaya pasabi na din sa iba" di ko na inintay yung sasabihin nya at pumasok na ko sa room namin.

Haist! Panigurado magtatampo na naman sakin yun :( kasi naman Bianca bakit mo kasi ginawa yun? Tanong ko sa isip ko.

Bakit nga ba? Alam ko sa sarili ko na nagselos ako, kay Nina lang naman ako nagpapakaselfish talaga nun pa. Gusto ko ako lang yung lagi nyang kasama, pero kung sa bagay iba na kami ngayon dahil nga sa iba na din ang lagi naming nakakasama. Tiwala lang naman yung pinanghahawakan ko pati yung Motto namin sa Friendship namin. 'Bestfriend Hanggang Bukas' kasi habang may bukas kami at kami lang. Thats it! Bianca, panghawakan mo yun!

"Woi Madam, anong nangyayari sayo?" Daniel. katabi ko sa left side, sa right kasi si Denver pero absent. -____-

"Huh? bakit? wala naman"

"anong wala? eh kanina ka pa tulala" hindi naman ahh?

"hindi naman ahh, wala lang to" sabay ngiti ko.

"ayan! wala kasi yung nakadikit na malaking smile mo kaya alam kong may iniisip ka" naku! nakakapagod din kayang ngumiti.

"hihihi, wala to! mamaya meeting tayo ahh,"

"osige madz wag ka ng malungkot mamaya dumaan sa bintana yung-- sino na nga yung crush mo?"

"sino dun? madami eh, Si Gongchan? Jinyoung? Baro? o CNU?" tanong ko.

"Kpop yan eh, yung dito sa school! nalimutan ko na yung name eh. Kung sabagay may makita ka lang na gwapo dito sa crush mo na agad -- Aray! Masakit yun ahh"

"sorry! Di naman sa madami sila, konti lang naman yun ahh, sina Gabriel, Jerico, Walter, Benedict, Royce, Franz, Peter, Emmanuel, sino pa ba?" ngiti kong sabi sa kanya. Medyo okay na kaya ayan, balik sa pagka kruung krung na naman daw.

"aba malay ko sayo, andami ba naman. Kada linggo ka nga ata may bago eh."

"Uy di naman! medyo every other day naman *sinamaan nyo ng tingin* Hahahaha joke lang! ^______^V"

Nagbiruan lang kami ni Denver hanggang dumating yung next teacher namin. Sayang naamn wala si Denver, nakakamiss sya ahh :(

*Meeting*
"Wala pa tayong plan oara sa mga teacher pero dapat makaisip na tayo ng performance natin para sa kanila" sabi ko sa kanila. Madami din umatend kasi nga Emergency meeting lang.

So nagbigay naman sila ng kanikanilang opinyon at pagplalanuhan na lang namin ulit sa susunod. After ng plan, nagkulitan na lang kaming lahat kasi ayaw pa daw nilang umuwi eh. Aba! dadamay pa nila ako ah?! Okay lang, masaya naman sila kasama eh.

"Hala! Kuya Kaizer sali ka dito, di naman kami nangangain eh, ikaw lang mag isa dyan, mamaya may magsalita dyan sa tabi mo" Feeling close lang eh, pano naman kasi mag isa sya sa sulok tas kami nagkukulutan dito, ayaw pa kasing mga umuwi.

"Hahaha ok lang, dito lang ako hahaha" di ko talaga alam kung baliw na ba sya oh gnayan lang talaga, para syang nahihiya sa pagtawa nya pero nakakahawa hahaha!

"Haissst! Nako, ayoko pa namang nangOop, tara na dito!" ayaw nya talaga, bahala sya muka ba kong mangangain? "Osige na nga, umuwi na tayo at anong oras na,ingat kayo! Bye!"

-----------------

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon