Chapter 22

2.3K 100 6
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental***




"Kumain ka na Leigh" ani Frida na lumapit sa akin.

"Uy... kahapon ka pa hindi kumakain" dagdag nito na niyugyog ang aking katawan sa pagkakahiga.

"Umalis ka na. Iwanan mo na ako rito"

Itinago ko ang aking mukha. Iminuwestra rito ang aking kamay upang umalis na siya.

"Beks naman anu ba ang nangyayari sayo" pamimilit ni Frida.

Napayakap na lamang ako kay Frida ng tuluyan akong mapaharap sa kaniya. Hindi ko na naitago pa ang luha sa aking mukha at ang pamumugto ng aking mga mata.

"L-leigh.."

"Bakit hindi niya ako magawang pakinggan Frida?"

"S-sino ba ang sinasabi mo?"

"Mahal na mahal ko siya Frida. Mahal na mahal ko siya pero wala na... dahil sa kagagahan ko kaya nasasaktan ako ngayon."

"Nag away ba kayo ni Rhydwyn?" tanong nito na lalo kong ikinahikbi.

"Pinag uusapan niyo dapat ang mga bagay bagay. Hindi itong iyak ka ng iyak"

Umiling ako. Humigpit ang aking hawak sa kaniyang kamay at muling umiling.

"Wala na..wala na kami" sambit ko na ikinatigil ni Frida.

"Ano ba itong nangyayari sayo. Akala ko okay kayo" anito na niyakap ako.

"Kaya ba siya aalis?" dagdag nito.

Napatingin ako kay Frida ng sabihin nitong aalis na si Rhydwyn sa bilangguan. Nagtatalo ang aking isipan kung pupuntahan ko ba ang lalaki at pipigilan o di kaya ay hahayaan na lang.

"Huwag mong isipin na wala kang mukhang ihaharap sa kaniya Leigh" ani Frida na tila alam ang tumatakbo sa aking utak.

"Ikaw ang best friend ko, kung may isang bagay man na masasabi kong magaling ka... iyon ay ang katotohanan na marunong kang humingi ng tawad kapag kasalanan mo. Hindi mo pinapairal ang pride mo Leigh kapag ganitong sitwasyon"

Ngumiti sa akin si Frida. Ginulo nito ang aking buhok na parang bata at muling nagsalita.

"Hindi ko alam ang nangyari pero alam kong hindi ka magiging masaya kung hindi mo siya pupuntahan ngayon"

Iyon lang ang tanging bagay na hinihintay kong marinig sa kahit na sinong nakakakilala sa akin. Agad akong tumakbo sa selda namin ni Rhydwyn upang kausapin ito. Nagkasala ako. Hindi ko sinabi sa kaniya ang naging usapan namin ng kaniyang ama. Kung sinabi ko lang sana ito ay dalawa kami ngayong makakaunawa.

"Rhydwyn!"

Hinanap ko sa bawat sulok ng piitan ang lalaki ngunit hindi ko ito makita. Pumasok narin ako sa opisina ng warden upang magtanong ngunit wala rin ito roon. Kahit ang warden ay hindi ko magawang mapagsalita kung nasaan si Rhydwyn.

"Ilabas niyo si Rhydwyn please... may sasabihin ako. May sasabihin akong importante sa kaniya!" pagmamakaawa ko sa warden.

"Wala dito ang hinahanap mo"

"Alam ko na itinatago niyo lang siya. Please warden..."

Umupo ang lalaking malaki ang tiyan sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ako na parang nandidiri dahil sa aking pagkakaluhod. Napatingala na rin ako sa mga guwardiya na nagsi ismiran dahil sa akin.

I Love You Mr. Homophobe! BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon