CHAPTER 1 : VIRUS

3 2 0
                                    


"Ang tanga mo! Diba sinabi ko naman sayo na wag na huwag mong gagalawin yung envelope na itinago ko? Andoon ang hideout location natin! Iniwan mo pa sa kwarto ni Kian!" Galit na sigaw ni hailey kay damian

"P-pasensya na. Hindj ko sinasadya"  sagot ni damian kay hailey

Umalis si hailey ng office at pinuntahan ang room ni kian. Naabutan nya si kian na hawak ang envelope

"Ngayon alam ko na, Kung saan ang—" ang sabi ni kian at agad na sumingit sa pagsasalita si hailey

"Anong gagawin mo dyan? Ipapagmayabang mo? Pupuntahan mo? Ilalabas mo sa publiko? Baka nakakalimutan mong killer ka din? at... kaya kitang pabagsakin kahit anong oras." Kalmadong tugon ni hailey kay kian at kinuha ang envelope

"Well, Mag ingat ka hailey, Hindi lahat ng gusto mo, Magagawa mo" ang sabi ni kian nang tumalikod si hailey

Humarap si hailey at hinila ang polo shirt ni kian at sinabing "Wala yang pera mo, Sa talino ko" Gigil na sinabi ni hailey kay kian "Ikaw ang mag iingat, Baka malay mo... wala kana bukas?" dugtong nya sabay ngiti at umalis

"Nakuha mo?" Ang sabi ni damian

"Kita mo naman diba? Tawagin mo lahat ng ka grupo natin. Ngayon na." Ang sagot ni hailey kay damian

Pumunta abg lahat sa meeting area ng S.K's Itinaas nya ang envelope at sinabing..

"Wag na wag nyo tong pakekealaman. At wag nyong pagkatiwalaan ang kian na yon, Ang leader ng K.P" ang anunsyo ni hailey sa lahat

"Si kian? Teka pero kuya ko sya" Sagot ni fiona

"Alam mo fiona? Sumama ka nalang sa kuya mong mahina, Parehas lang naman kayo. Tsaka kung ipapagtanggol mo sya, Umalis ka nalabg dito" Ang sagot ni hailey kay fiona at sinamaan ng tingin

"P-pasensya na.. Alam ko naman na sya ang mali" Ang sabi ni fiona

Napangiti si hailey at sinabing "Buti naman alam mo?" At sumimangot ulit "Umalis na kayo dito. Bukas, Ang next target natin ay ang C.E.O ng Mianmi University" dugtong ni hailey

"Teka! Wala naman syang ginawa saatin diba? Makapag salita ka akala mo alam mo ang dahilan kung bakit nya ipinasunog ang dati nating hideout. Hindi sapat na dahilan yan hailey" Ang sabi ni Terrance kay Hailey

"Wala kang alam terrance, wala. Mi isang rason hindi mo alam, Gusto mo bang isalpak ko sayo yung mga namatay na mamamayang nasa lugar na yon at mga kasamahan natin na namatay? Ha terrance?. Kung ayaw nyo, Walang problema. Sabihin nyo lang, Mga duwag." Sagot ni hailey at umalis

"Grabe yung virus na ginawa nung scientist no? Such a mistake" Ang sabi ni Vanessa kay Hailey

"Anong ibig mong sabihin?" Sagot ni hailey

"Nood din ng balita minsan hailey" ang sabi ni Vanessa "May scientist na gumawa ng experiment, Pero yung experiment na yun ay isang malaking mistake. Triny nya ang vac na yun sa kasama nya, Alam mo ang nangyari? Nabaliw, May mga lumabas na parang itim itim sa katawan, naging white ang mata at nalagas ang buhok" dugtong nya

"Anong tawag sa vac?" Tanong ni hailey

"Opario Vac. Actually for patients yan, Para gumaling sila within 2-3 week's na mas madali. Laban yan sa virus. Ngayon naman opario na vac, which is fail, na ginawa nya." Sagot ni vanessa

Habang papaalis si Vanessa

"Teka" ang sabi ni hailey at huminto si vanessa "Nakakapatay ba yun ng tao?" Dugtong nya

Humarap si vanessa at sinabing "Oo, At malapit... I mean, sobrang lapit nyan sa lugar natin, Baka malay mo... Nasa hideout natin.."

Tumayo si hailey at sinabing "Hideout? Anong pinag sasabi mo?" Galit na sagot ni hailey

"Baka lang naman. Kung saan saan kasi nag pupunta yung hayop na yun, If may nakagat syang tao.... Mahahawaan. Alam mo na ang ibig sabihin nyan" Sagot ni vanessa at umalis

"Parang..... Zombie." Ang sabi ni hailey sa sarili nya

Lumapit si rihana kay hailey at sinabing "What if.. hulihin natin yung hayop na yun at... Takutin natin ni Mr. Lipotry?"

"Nag iisip ka ba? Nakakahawa yun, Hindi nakakapatay. Ako nang bahala sa kanya" sagot ni hailey

"Mag research kayo tungkol sa opario vac. Tutulong ako sa kanila" Ang sabi ni kian sa mga kasama nya

Nag imbistiga/nag research sila tungkol sa opario vac.,

"K-Kian" Ang sabi ni fiona kay kian

"Fiona, Kamusta kana? "Ang sabi ni kian kay fiona habang inaalayang umupo

"May balak si hailey na pabagsakin ka, Natatakot ako. Pano pag mamatay ka?" Ang sabi ni fiona kay kian

Hinawakan ni kian ang kamay ni fiona at sinabing "Ang mahalaga, Ligtas ka fiona. Kaya ko ang sarili ko. Bala nakakalimutan mong malakas din ako fiona?" Ang sagot ni kian at tumawa "Wag kang mag alala, Langgam lang na kailangan ng matatamis na pagkain si hailey. At ako, Ako ang matamis na pagkain na yon, Kailangan nya ako." Dugtong nya

"Kuya? Nababaliw ka na ba? Hindi ka nya kailangan" sagot ni fiona

"Nag re - research na ang mga kasama ko tungkol sa opario vac. na virus na ngayon. Once na alam ko na ang lahat, Magiging armas ko na si Hailey" Paliwanag ni kian

"Ewan ko sayo kuya, Sige na aalis na ako. Baka mahuli pa ako ni hailey" ang sabi ni fiona at tumayo silang dalawa

"Sige mag ingat ka" sagot ni kian at agad namang umalis si fiona

May itinagong hidden mic si kian sa damit ni fiona para marinig kubg ano ang sasabihin nya kay hailey, at sa iba

"𝘎𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘮𝘢𝘴 𝘯𝘪 𝘬𝘶𝘺𝘢. 𝘕𝘢𝘨 𝘳𝘦𝘴𝘦𝘢𝘳𝘤𝘩 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘺𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘷𝘢𝘤 𝘯𝘢 𝘷𝘪𝘳𝘶𝘴? 𝘕𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯. 𝘖𝘯𝘤e 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘠𝘶𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪, 𝘔𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘶𝘯𝘶𝘳𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘪 𝘬𝘶𝘺𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘺𝘢.. 𝘯𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘺 𝘬𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘷𝘪𝘳𝘶𝘴. 𝘈𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘺𝘶𝘯." Ang narinig ni kian na sinabi ni fiona mula sa hidden mic

"Mamamatay ka fiona, Mamamatay ka." ang bulong ni kian sa kaniyang sarili


To be continued—

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECRET KILLER 1 : 𝐓𝐇𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐄𝐍𝐓𝐔𝐑𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon