Never been this Blooming

55 6 0
                                    

Nagmadali ako sa banyo para makaligo. Takte! Nakatulog pala ako. Tinignan ko ang orasan sa may gilid ng shower at nakitang 1:37 na. My goodness! Isang oras akong maligo.


Ginawa ko na ang ritwal. Shampoo, conditioner, body wash and all. Nang matapos ako sa pagbabanlaw, kinuha ko ang toothbrush ko.


I wanna fall in love again.. with you.


Nanlaki ang mata ko nang kantahin ko yan. Oh shit! It's just an accident. Pinanuod ko kasi ulit yung movie na The Best of Me kagabi.


Nakarinig ako ng footsteps sa loob ng kwarto ko at biglang may kumatok sa banyo. "Rage.. ikaw na lang hinihintay." Muli kong tinignan ang orasan at nagulat. "Shocks! Saglit nalang Kiana."


Humalakhak siya at sumagot. "Take your time."


Lumabas na ako at naabutan si Kiana na nakahiga sa kama ko. "Get dressed." Sabi niya at binigay ang kamiseta gray shorts at white crop shirt galing din sa kamiseta. "Kiana.. you don't.." Pinakita niya ang paperbag at agad kong tinigil ang sasabihin ko.


Hindi pala siya ang nagbigay. Si Kid. Tumayo na siya at nagpaalam sakin. "We'll be waiting outside. Wag na daw i-lock sabi nila Tita dahil uuwi sila." Sinarado niya ang pinto at agad kong tinanggal ang twalya sa katawan ko.


Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti. "You've never been this blooming." I said to myself.


Sinuot ko ang kulay purple kong Keds at nagponytail. Kinuha ko na din ang dalawang malaking bag ko at isang maliit na Prada sling bag. Pababa na sana ako pero biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaking naka-puting v neck shirt at denim shorts. Nakashades siya at inabutan din niya ako ng shades. "Ready to go babe?" Kasabay ng pagtango ko ay ang pagkuha niya sa gamit ko at kamay ko.


Sabay kaming lumabas sa pintuan na magkahawak kamay. Nakashorts kaming mga girls at maong shorts din sa mga boys. Kumaway sila Miana at Jaz sakin at nginitian ko lang sila. Tanaw ko mula dito ang Dark Amazon at ang gamit nila ay yung van ng kambal. Nakavan din pala ang Black Century bukod kay Spencer at.. Rocky.


He's driving with his mustang again. Kasama niya kaya si Sheila? Bumukas ang pintuan at nasagot agad ang tanong ko dahil bumaba siya at niyakap si Anne. Binigyan niya ng dalawang paperbag si Anne at nagsalita. "Sana sumama ka sa Vietnam. I missed you!"


Tinaas ko ang kilay ko. Sa pagkakaalam ko, 2 days lang sila sa Vietnam. Namiss agad? Isn't she being OA?! I just ignored her and entered Kid's Audi. Si Krymtle ay nasa van kasama and Dark Amazon dahil yun ang gusto niya. Kid has nothing to do with it because I said so. Hahaha.


Mahaba ang biyahe papuntang Pangasinan. It will take 4 hours pero pag ganitong sanay sa race ang mga kasama ko, 3 hours would be enough.


Last time we went to Pangasinan was 3 years ago. Lahat ng mga Tiongson at Briones. I planned going here with someone I love. Never thought it would be Kid.

A Gangster's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon