My Brother's Property

58 6 0
                                    

Kinusot ko ang aking mata at bumaba para makapag-almusal. Mmmmmm.. smells delicious.


Naabutan ko ang nakarobe na si Kiana at ang nakapajamas na si Stacy habang umiinom ng mainit na gatas. "Lets eat, cous." Sabi niya sabay inom sa tasa. Tumango lang ako at umupo sa tabi niya.


Kumuha ako ng konting fried rice at crab egg roll. "Singilin ko kaya kayo ng 1,000 per day. Mas gusto niyo dito sa bahay ahh." Sabi ko. Humalakhak lang si Kiana at sinubuan ng hotdog si Spencer. "Rage, basta ako di damay jan ha." Ngumiti lang ako sakanya. "Ofcourse, Kiana."


Napag-alaman kong late ng umuwi ang BC at si Spencer ay isa parin sa miyembro nila. Pero, mas nagulat ako sa binunyag ni Stacy.


Rocky went to my room for about 10 minutes. I hope my cousin's not lying. "Stacy, seryoso ba yan?"


Umirap siya saakin habang pinipindot ang cellphone niya. Nandito na kami sa school at kanina ko pa siya kinukulit tungkol dito. "Cous.. believe it or not." Muli niyang tinignan ang cellphone niya at tumili. "Gosh! Donn Renzo sent me a request!" Halos pumutok na ang ugat sa leeg niya dahil sa pagtili.


Well, he's a hunk. Varsity sa swimming. Matagal na siyang kilala ni Stacy pero dati, hindi pa masyadong nakikihalubilo itong taong ito. Now, I am so worried that she's friends with everyone.. not to mention sa mga gwapo.


Agad siyang tumayo at binitbit ang Guess sling bag niya. "See you later, cous." Nagbeso siya saakin at ganun din ako.


Maglalakad na sana ako kaso nakita ko si Rocky na naglalakad papuntang Optometry Department. Should I go after him?


Huminga ako ng malalim at naglakad.. sa kabilang daan. I have my classes and I don't want to disappoint my parents anymore. Papalit-palit ako ng course at ang request lang nila ay ang diploma ko. My Rocky, I'll let you enjoy this moment but when the time comes.. you can't be happy without me. I'll get you back no matter what.


I've met several people and all we did is to chitchat because our Professor didn't came because of some important matter.


Kinuha ko sa bag ang cellphone ko dahil nagriring ito. "Hello?"


(Are you free today?)


Gumuhit ang munting ngiti sa aking labi. "Yes. Just 2 hours though."


(Aryt. See you in ten minutes.)


"Okay. Take care, Kid."


Binaba ko na ang cellphone ko dahil natanaw ko si Rocky sa 3rd floor. He's with Sheila and the BC members. I just missed the feeling of being protected by them.


Umupo ako sa bakanteng bench at nakita ko ang pinsan ko na kasama si Donn Renzo. That was.. fast! Hahaha.


Beep beep


Napatayo ako dahil sa businang iyon. Maybe that's Kid. Nagmadali akong pumunta sa sasakyan niya at bumaba naman siya. He opened the door and as I was about to enter, I saw my life staring at me. Inalis ko ang malakuryenteng tinginan namin at nginitian ko si Kid. "Thanks."


Sinuot ko na ang seatbelt dahil ayaw kong siya pa mismo ang maglagay nito saakin. Awkward.


"Okay ka lang?" Tanong niya habang nagdadrive. "Oo naman. Medyo naninibago lang." Pag-amin ko. Ngumiti siya at ginulo ang buhok niya. "Be comfortable. I'm also a human just so you know." Natawa ako sa sinabi niya maging siya rin.


Na-open niya ang topic tungkol saamin ni Rocky. Medyo natahimik lang ako pero agad din akong nagkwento. Gaya ng iba, pareho rin ang sinabi niya. We're both wrong but I'm more wrong. I left him without even explaining and I gave him up. He has a point, but then.. I was just too afraid. I am afraid of taking so much risk because I'm not yet prepared to feel such pain.


"There's a lot of people in the world, Rage. Just open your heart and break the walls you've set. Hindi lang sakanya umiikot ang mundo mo." Pinikit ko ang mata ko sa huli niyang sinabi. Yes. I guess it's time to break my walls.


Bumaba na siya sa sasakyan at mabilis na umikot para pagbuksan ako. "Why here? There's a lot better than Greenland Cafe." Umiling ako sakanya. "Soon. May namiss lang akong pagkain dito, Kid."


Sabay kaming naglakad at nagulat ako nang may umakbay mula sa likuran ko. "So.. you're the girl." Nilingon ko ang lalaking nakaakbay saakin at nagulat ako dahil kamukhang kamukha niya si Kid. "I am Kip Melford by the way." Bull's eye! Siya yung kapatid ni Kid. Tumango lang ako at tumingin sa kamay niyang nakapatong sa balikat ko. "Oppsss. Seems like I've trespassed my brother's property."


Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya. No one owns me. And, I am just Rocky Isaiah's property.

A Gangster's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon