Ako ay isang batang nagngangalang Mika. Lagi lagi akong mag-isa kung maglaro sa aming bahay. Wala akong kapatid kaya naman ay sobra ang pagprotekta sa akin ng mga magulang ko. Hindi kami mayaman, nakakain naman kami ng sapat at masaya na ako dun. Nalulungkot ako sa tuwing makikita ko sa labas ng aming bahay ang mga batang masayang naglalaro at naghahabulan sa may kabilang kalye. Hindi ko na lamang sinasabi sa aking inay at itay ang mga nararamdaman kong ito. Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari sa akin sa labas ng munti namang tahanan. Natatakot akong lumabas na mag-isa dahil sa wala ang aking mga magulang.
Hanggang sa isang araw na naisipan kong lumabas ng aming bahay. " Anak san ka tutungo?" Sabi ni inay. "Lalabas lang po ako inay, magpapahangin lang, para naman may bago akong maranasan."
"Sinasabi ko sayo anak, hindi mo alam kung ano ang pwedeng masamang mangyari sayo sa labas. Alam mo naman na yung nabalita dati dito sa ating lugar na nahit-and-run na bata."
"Inay alam ko naman po yun, mag-iingat po ako at tatabi sa daan, tsaka inay sa totoo lang po nababagot na ako dito sa loob, nag-iisa at nalulungkot."
"Hay nako anak basta mag-iingat ka talaga diyan sa labas ah, huwag ka basta-basta magtitiwala sa mga tao dyan, yung iba dyan nasaktan nang dahil sa mali nilang ginawa. Tsaka paumanhin sa pagiging malungkutin mo dito sa loob ng bahay, alam mo naman na sapat lang ang kinikita ng itay mo sa pangangailangan natin. Sige papayagan na kita basta yung mga bilin ko sayo ah! Magpapakabait ka!"
Nagdradrama na naman si inay. Nako hahahahahaha pero mahal ko yan sobra.
"Opo inay gagawin ko po lahat ng bilin ninyo. I love you po. Sige po inay alis na po ako."
"O sya sya mauna ka na at malapit nang maggabi."
"Salamat nay."
Humayo na ako at nagpakarami. Joke lang po lumabas na ako sa bahay at lubos na gumanga sa aking nadatnan. Nakita ako ang mga luntiang halaman at marikit na mga bulaklak sa paligid, mga magagandang bahay, mga batang nagtatakbuhan sa may parke, at higit sa lahat ang langit na kulay asul na may halong kulay kahel. Napaganito na lamang ako:
*O* *O* *O* *O* *O*
Maya-maya ay natauhan ako nang may batang lalaki na lumapit sa akin at tinanong ako.
"Bata bago ka lang dito ah, bagong lipat lang ba kayo dito?"
"Ah hindi matagal na din kami dito pero di kasi ako lumalabas ng bahay namin eh.""Weh? Bakit naman? Ang saya kaya dito sa labas, marami kang kalaro tsaka may palaruan pa doon." Sabay turo nya sa kabilang kalye, sa gawing kanan.
"Ang ganda naman dyan- ah san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya kasi bigla na lang niya akong hinila. Hindi siya kumibo ngunit mas binilisan niya ang paglakad na nagpapagod sa akin kaya naman ay hiningal na ako.
"May sakit ka ba? Ang bilis mo atang hingalin?"
"Ahh wala naman ngayon lang kasi ako nakalakad nang ganon kabilis."
Bigla syang tumawa nang malakas, halos maglupasay na sya sa daanan.
"Bakit ka tumatawa diyan ah?" Medyo inis na tanong ko sa kanya.
"Hahahahahahahhahahahaha kase hahahahahahahahhaha nakakatawa ka eh! Hahahahahahhaahahahahaha."
"Huh? Ano namang nakakatawa sa akin?"
"Ang cute mo kasi eh."
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa kanya, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kakaiba sa pakiramdam. Di ko namamalayan nasa may palaruan na pala kami.
"Oh! Andito na tayo sa palaruan, alam kong bago ka pa lang sa labas dahil sa pagkatulala mo kanina. Kaya dinala kita dito." Masaya niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Collection
Teen FictionIto ay koleksyon ng mga storya na nagmula sa aking malikot ng imahinasyon. Ang mga storyang ito ay maaring may pinanghugutan o kaya naman ay gawa-gawa lamang.