Y/N's POV
"Y/N tara sa mall." aya ni Ruskin.
Katatapos lang ng last class namin ngayong hapon at papalabas palang kami ng room nang tawagin ako ng mga kaibigan ko.
"Oo nga nagutom ako dahil sa madugong last subject natin and gusto ko mag-shop." pag sang ayon naman ni Janna.
"Sorry guys pero may training ako ng basketball mahirap mag-training ng busog." pagdadahilan ko. Well, totoo namang may training ako pero mamaya pang 6PM yun.
"Sige. Next time nalang." ani ni Lawrence.
"Maaga kang pumasok bukas ha may ire-revise pa tayong research." pagpapaalala ni Ava.
"Yes. Promise aagahan ko pasok bukas."
"Bye Torres." pagpapaalam nila at umalis na.
Dumiretso na ako sa Blue Eagles Gym . Nakakapagod ang araw na to dahil may klase ako buong maghapon at may training pa ko sa basketball sa umaga at gabi.
Last 2 weeks na lang kasi bago magsimula ang league kaya kailangan na namin nang puspusang training dahil hindi kami papayag na hindi mag champion ang team namin. Ako pa man din ang team captain nila kaya kailangan talaga namin masungkit ang gold. Kaya kahit na 4PM palang at mamaya pang 6PM ang training namin hindi ako sumama sa mga kaibigan ko na pumunta sa mall. Makikitraining nalang muna ako kung sakaling may nagpra-practice sa gym.
Sumakay na ako sa kotse ko para pumunta sa gym. Pagdating ko sa gym ay nagpark ako nang kotse at kinuha ang black duffel bag at water bottle ko saka pumasok sa loob. Naabutan ko na nags-stretching ang volleyball team kaya nakisali na ako sa stretching nila.
"Coach, pasali po sa stretching ha." lumapit ako sa Coach para magpaalam kung pwedeng maki-stretching.
"Sure Torres. Ang aga mo ata dumating." Sabi niya at nag cross arms.
"Wala na po akong klase." sagot ko at nilagay na muna ang gamit ko sa locker.
Pagkatapos kong magbaba nang duffel bag at water bottle ay tumabi ako kila Addie.
"Ano Captain Luis Torres handa ka na bang makuha korona niyo?" tanong ni Addie sakin pagkatayo ko sa tabi niya.
"Oo naman no. Hindi pwedeng hindi kami mag champion." sumabay na ako sa ginagawa nilang stretching.
"Ganda talaga nang fighting spirit mo Kap." komento naman ni Joyce.
"Syempre no dapat kayo din mag-champion para pare-parehas tayo."
"Oo naman Kap. Ayaw naming magpadaig sainyo no." pagmamayabang ni Ann.
"Ang gusto namin magpadamihan tayo nang gold medal." paghahamon ni Addie.
"Sabi mo yan ha. Ready naman kami nang mga boys sa kahit anong challenge Kapitana." pag-accept ko sa hamon ni Addie at nagpatuloy na kami sa pags-stretching.
Pagkatapos mag-stretching ay sumali ako sa laro nila. Pinaghiwalay kami ni Addie nang team ni Coach para daw malaman kung may galing din talaga ako sa volleyball.
"Ano, handa ka na bang matalo Kap?" banat ni Addie habang papalapit kami kay Coach para sa toss coin. Napakayabang talaga nito.
"Hindi ka nakakasiguro Kapitana." pinantayan ko lang ang kayabangan niya. Pero hayaan niyo ganyan lang talaga kami sa isa't isa kapag nasa loob ng court pero kapag nasa labas na close naman kami niyan.
Pagkatapos ng toss coin umayos na kami at ipinasa na ni Coach sakin ang bola. Tao kasi ang pinili ko at yun ang lumabas sa toss coin kaya sakin napunta ang bola. Lamang kami nang team ko sa una at pangalawang quarter pero humabol ang team ni Addie sa pangatlong quarter pero agad din naman namin silang nalamangan sa pang-apat na quarter kaya kami ang nanalo.
"Huwag ka kasing masyadong mayabang." sabi ko kay Addie at kinamayan siya.
"The best ka talaga Y/N." Lumapit sakin si Ann at inakbayan ako.
"Alam niyo naman hindi ako nagpapatalo. Competitive yata to." Inakbayan ko din si Ann.
"Girls huddle tayo." rinig kong sabi ni Coach kaya nagsilapitan sakanya ang mga girls at naiwan akong mag-isa. Buti nalang nandito na ang ibang members ng team ko kaya lumapit na ako sakanila.
"Grabe ka Y/N. Natalo ng team niyo sila Addie." sabi sakin ni Ram nang tumabi ako sakanila.
"Oo nga Torres. May ibubuga ka rin pala talaga sa volleyball."
"It's a matter of strategy and teamwork guys. Talo pa rin nang strategy at teamwork ang galing ng isang tao."
"Kaya kampante ako na sa atin pa rin ang korona ngayon eh dahil magaling ang strategy at teamwork natin sa tulong mo Y/N."
"Boys, maiwan ko muna kayo ha, may pupuntahan lang ako saglit. Pasabi nalang din kay Coach." iniwan ko sa tabi nila ang bag ko at kinuha ang wallet at cellphone ko.
"Sure bro." sabi ni Andre at umalis na ako.
Hindi pa man din nag-uumpisa training ng team pagod na ako. Buti na nga lang at may motivation ako para mag-practice nang puspusan. Kung hindi lang kami magdedepensa ng korona baka umuwi na ako pagkatapos kong makipaglaro sa mga girls. Nakapag-training naman na ako eh.
Pagdating ko sa McDo ay nakita ko ang kapatid kong si Ken kasama ang girlfriend nitong si Gabbie.
"Hi Bro."
"Oh Bro. Napadpad ka dito, tapos na training mo?"
"Hindi pa bro. Kailangan ko lang nang konting pangtawid gutom."
"Nagdala ka na sana ng maraming pagkain naka-kotse ka naman."
"Isang burger nga po." Pag-order ko. "Aga kong umalis sa bahay kanina bro nakalimutan ko na." Sagot ko sa sinabi ni Ken.
"What time ba training mo?" tanong ni Ken.
"Eto po bayad. Salamat po." Nag-abot na ko nang bayad sa cashier at kinuha ang order ko. "Oo, actually malapit nang mag-start bumili lang talaga ako ng pagkain dito. Ikaw uuwi ka na ba?" umupo na muna ko sa pwesto nila ni Gabbie.
"Yup. May gig ako nang 6 eh kailangan ko pang magpalit ng damit. Sa gym ka ba? Sasabay na kami doon din naka-park kotse ko eh."
"Nakita ko nga kanina."
Umalis na kami sa McDo at naglakad papuntang gym nang tumawag si Coach sa cellphone ko pero nang sasagutin ko na ito ay bigla itong namatay. Kaya tinext ko nalang si Coach. Naramdaman ko nalang na nabunggo ako at nabasa ang damit ko. Buti nalang hindi natapunan ang cellphone ko. Pag-angat ko nang tingin sa kung saan ako nabunggo ay
napatigil ako.....
YOU ARE READING
Festival of Emotions
FanfictionY/N (Luis), a student-athlete always knows what he wants to do in his life but what if Aika Robredo came into his life.