"And for the top scorer for our last quiz, Ms. Robredo. Congratulations, you are our top scorer again." Announcement ni ma'am.
Nag quiz kami last meeting and again I got the top score. Worth it yung pag-pressure ko sa sarili ko. No one is telling me to put pressure on myself naman pero nakakatakot kasi si mama. Kaya since elementary days sinanay ko talaga yung sarili ko to be the best in everything. Saka I need to be a great example for Patty and Jill para sila rin matuto to strive to reach for the best and not settle for the less.
"Thank you ma'am" I said as I get my paper from our prof.
"So, that's it for today class. See you next meeting." Paalam ni ma'am at lumabas na nang classroom.
"Grabe, galing talaga ng best friend ko." Pagyakap sakin ni Chiara.
"Aiks, ganda ka?" pang-aasar naman ni Dave.
"Ano ba kayo ako lang 'to. Oo nga pala tara sa mall I need to buy groceries na because malapit na maubos stocks sa condo." Aya ko sakanila.
"G! Pero daan muna tayo sa gym!" request naman ni Chiara at kumapit sa braso ko para pilitin ako.
"Hay nako Chiara." Sabay pakunwaring irap sakanya.
"G na nga." sang-ayon naman ni Dave para makaalis na kami dito sa classroom.
"After pala natin sa gym kain muna tayo sa McDo." aya ko sa mga kaibigan ko.
"The usual pa rin ba orders niyo? Mauna na sana ko baka madaming tao sa McDo ngayon eh. Alam niyo naman uwian." Offer ni Dave habang naglalakad kami sa hallway.
"The usual for me." Agad-agad namang sabi ni Chiara.
"Sure, thanks Dave." pagpapasalamat ko.
Nauna nang umalis samin si Dave para dumiretso na sa McDo habang kami ni Chiara pumunta sa gym.
"Marz, wala yung mga Papi puro girlash yung mga nanditey." nakasimangot na sabi ni Chiara.
"Eh di tara na kung wala yung mga hinahanap mo." Hila ko sakanya papalabas ng gym.
"Hintay tayo friend kahit 5 minutes lang malay mo naman may dumating." Siya naman ang humila sakin pabalik sa gym.
"Hay nako Chiara mag gro-grocery pa tayo saka naghihintay si Dave satin sa McDo." Hila ko ulit sakanya palabas.
"Ang KJ mo naman marz! Saglit lang kasi, dito muna tayo. Kaya ka walang boyfriend eh."
"Grabe ka Chiara ha! Dahan dahan naman pananalita nakakahurt ka ng very light."
"Talaga ba very light lang?"
"Ewan ko sayo, marz!"
"Marz, tara kaya sa locker room."
"Gaga ka ba marz?! Ikaw mag-isa kung gusto mo."
"Napaka-KJ talaga ni Jessica Marie Robredo."
"Ako, KJ?! Binabasag ko lang yang hindi ko maipaliwanag na trip mo marz! Pwede naman maghintay dito sa bleachers bakit kailangan pang pumunta sa locker?"
"Eh marz, wala nga kasi yung mga papi dito, malay mo nandun eh di ang swerte ko diba?"
"Manood nalang tayo nang games nila para makita mo hindi yung ganito na stalker to the highest level ka."
"Libre mo ko ticket?"
"Ewan ko talaga sayo Chiara."
"Eh di tara sa locker room."
"Oo na, oo na. Lilibre na."
"Thanks marz."
"Tara na sa McDo maiinip na yun si Dave." at sa wakas napilit din ko din na umalis na nang gym si Chiara.
Nang malapit na kami sa McDo I decided to drink water on my tumbler kasi medyo malayo din ang gym sa Mcdo kapag nilakad mo. Nang malapit nang dumampi ang tubig sa aking mga labi bigla ko nalang naramdaman na tumapon ito at may nabangga akong kung ano o sino. Pagtingin ko sa nabangga ko nagulat ako nang may isang lalaking matangkad na basa na ang damit at nabingi ako sa pagkalakas lakas na sigaw nang katabi kong si Chiara.
"Shit!" Pagalit na pagkakasabi nang nabangga ko.
"OH MY GOSH! OH MY GOSH! OH MY GOSH! THE MEN'S BASKETBALL TEAM CAPTAIN WHO HAS THE NUMBER 18 ON HIS JERSEY! THE LUIS TORRES! IKAW BA TALAGA YAN?!" Nakakarinding pagkahaba-habang sabi ni Chiara.
"Oh my! Sorry, Hindi ko sinasadya. I'm sorry." Paghingi ko ng tawad sa nabangga ko habang nagpa-panic ako. Sino ba naman kasi ang hindi magpa-panic kung ang team captain ng basketball team ng school niyo ang nabangga mo.
"Huy bro, sorry daw." sabi nang kasama nitong lalaki dahil nakatingin lang sakin si Y/N at kanina pa tahimik.
"Ah, it's okay. Just be careful next time."
"Nawala yung maangas na Y/N ah." pabulong na sabi ng kasama ng lalaki ni Y/N.
"Sorry talaga. Promise, I'll be careful next time." I apologized again.
"Y/N, pwede pa-picture?" eto talaga hindi ko alam kung bakit ko naging kaibigan. Nabunggo ko na nga yung tao tapos imbis na tulungan akong mag-sorry magpa-pa picture pa.
"Chiara!" pagbawal ko sakanya. "Pasensya ka na sa kaibigan ko ah." baling ko naman kay Y/N.
"No problem." Y/N said to Aika at pinaunlakan ang pagpapa-picture ni Chiara. "Mauna na kami." pagpapaalam ni Y/N kay Aika at umalis na sila.
"Friend! Kung alam ko lang na nandito si Y/N sinunod na kita na pumunta na tayo dito sa McDo kanina pa." panghihinayang ni Chiara.
"Chiara! Natapunan ko na nga nang tubig yung tao tapos ang concern mo pa rin ay ang pagkita mo nang malapitan sakanya? Kaibigan ba talaga kita?" kunwaring pagtatampo ko kay Chiara.
"Sorry na friend. Ito naman opportunity na kasi yun."
"Ewan ko talaga sayo Chiara! Tara na sa loob. Puntahan na natin si Dave." at pumasok na nga kami ni Chiara sa loob ng McDo. Agad naman naming nakita si Dave kaya umupo na agad kami kung saan siya nandoon.
"Oh bakit ang tagal niyo? Saka bakit medyo basa damit mo Aiks?" pagtataka ni Dave.
"Eto kasing si Aika di nag-iingat. Nabangga tuloy." sagot ni Chiara sa tanong ni Dave.
"Nabangga? Sinong bumangga, nandyan pa ba? Kausapin ko." agad agad tumayo si Dave para hanapin sana ang nakabangga ko.
"Wag na, Dave. Ako may kasalanan." pagpigil ko sakanya.
"Ok ka lang ba? Wala namang masakit sayo? May extra shirt ka? Pahiramin kita kung wala." nang makaupo na agad si Dave sakanyang upuan ay binuksan niya ang bag niya para maghanap ng damit.
"Ang OA friend ha, kaunti nalang iisipin ko nang ano----." panunukso ni Chiara.
"Na?" napatigil si Dave sa paghahanap at napatingin nang may pagtataka kay Chiara.
"May gusto ka kay Aika." parehas kaming napakunot nang noo ni Dave sa sinabi ni Chiara.
"Tigilan mo kami Chiara kanina ka pa. Kumain na nga lang tayo para tumigil ka na. Saka thanks Dave pero I have an extra shirt don't worry." at kumain na kaming tatlo.
~•~•~•~•~•~
Hi sa mga nagbabasa kung meron man hehehe😊 2007 pala tong time nang story kaya 4th year college si Ate Aika saka si Y/N (Luis) and si Chiara isa siyang queer na bestfriend ni Ate Aiks 💗😊
YOU ARE READING
Festival of Emotions
FanfictionY/N (Luis), a student-athlete always knows what he wants to do in his life but what if Aika Robredo came into his life.