Chapter 2 On The List

0 0 0
                                    

~ after one week ~

Reggie's POV

Isa din pala siyang Class President, na kagaya naming dalawa ni Eurich. Si eurich ang childhood bestfriend ko, kaya naman she's special on me. I treat her like my real sister, if I'm not wrong two years ang ahead ko sa kaniya.

Hindi ko alam ang name niya, pero palagi ko siyang nakikita dito sa school. Maliit lang naman kase ang mundo na ginagalawan naming dalawa. I hope one day makilala ko siya, para makapag sorry ako sa kaniya sa nangyare na nabunggo ko siya by accident.

Si Cyrene kilala ko siya, dahil siya ang Student Council President, dito sa school. Ang sabe ng mga ibang students may bad temper siya, pero mukhang wala naman itong katotohanan.

Nandito ako sa Auditorium, nag hihintay ng mga mag a-audition, para sa Dance Club. Hindi naman sa pagiging mayabang, ako ang leader na pinili ng lahat, hindi ko lang alam ngayon kung mapapalitan ba ako.

"Reggie, kanina pa tayo nag-hihintay dito, wala namang dumarating." reklamo ng kasama ko dito, si eurich.

Sabe ko naman kase sa kaniya wag na siyang sumama, pero nag pumilit siya tapos ngayon, tsaka siya mag-rereklamo. Babae nga naman, ang hirap intindihin.

"Easy eurich, wala pa tayong isang oras na nag-hihintay." kalmado kong tugon dito, para marinig ko ang malakas na buntong hininga nito.

"Ang tagal tagal naman kase eh." lintanya na naman nito, para umiling na lang ako.

"Kaya walang gustong sumubok na manligaw sayo eh, ganiyan ang attitude mo." biro ko sa kaniya para mapatingin siya sakin ng masama, na para bang gusto niya na akong katayin ng buhay.

Totoo naman kase ang sinabe ko, masyado siyang mapili sa mga lalake.

"Pwede ba reggie, tigil tigilan mo ako sa mga ganiyang bagay, I have no time for that cheap thing." maarte nitong pahayag dahilan para matawa ako ng mahina, sa narinig kong dahilan na naman niya.

"Tingnan mo, narito na sila, wala ka kaseng pasensiya." wika ko dito, tsaka umayos na ng upo malapit sa stage.

"Tsss.... whatever."

Lahat ng kailangan namin for today ay naka ready na, sound system, mike and also water baka may bigla na lang mahimatay sa sobrang pagod.

May nahagip ang mata ko na familiar na mukha para sakin, kaya naman hinintay ko kung pupunta ba siya sa gawi ko. Nagulat na lang ako on the next thing, na nangyare.

"Ikaw si reggie right?" tanong nito sakin para tingnan ko siya ng seryoso.

"Ah oo, anong kailangan mo cy, bakit naligaw ka yata dito?" tugon ko dito at mabilis na tumayo sa pagkaka-upo.

Syempre kahit papano kailangan ko pa din na mag bigay ng pag-galang sa kaniya. Siya pa din ang Student Leader namin.

"Sinamahan ko lang 'yong friend ko mag a-audition siya, and also heto nga pala ang list ng mga mag a-audition sa section namin." mahabang pahayag nito tsaka, mabilis na binigay ang isang notebook sakin kung saan, naka-sulat ang lahat ng mga mga a-audition sa section nila.

'Sino kaya 'yong tinutukoy niyang friend niya na sinamahan niya, 'yon kaya 'yong nabunggo ko.'

Love The Way You Are ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon