Cyrene's POV
Kanina ko pa pansin ang pananahimik ni shans, simula ng pumasok kaming dalawa sa klase naming pareho. Si dominic kase sa kabilang section siya, kaya hindi namin siya madalas na makasama.
Pinapakita niya sakin na okay lang siya, pero kitang kita ko naman sa mga mata niya, na merong bagay na gumugulo sa isipan niya.
Kahit hindi ko na tanungin pa kung anong problema niya mukhang alam ko na kung sino, ang dahilan kung bakit parang hindi ko siya makilala sa araw na 'to.
Hinayaan ko muna siya na sarilinin ang gumugulo sa isipan niya, dahil may mas mahalaga pa akong kailangan na gawin. Ang pag-organize ng magaganap na meeting mamaya. Since month ng August ngayon, mukhang alam ko na kung ano ang agenda ng meeting para mamaya.
"Cyrene, shantal you may go now on the meeting, ako na ang bahala sa next subject ninyo." pag tawag samin ng class teacher namin, kaya naman tumayo na kaming dalawa ni shantal.
"Thank you po ma'am." wika ni shans, tsaka kami lumabas ng klase.
Si shantal ang Class President namin, samantalang ako naman ang Student Council President.
Tanging si shantal lang ang naging friend kong babae, maraming may ayaw sakin dahil may ugali akong hindi nila kayang sabayan. Masasabe kong sa sobrang tagal na namin na mag kaibigan ay, turingan na namin sa isa't isa ay para ng mag kapatid.
Kaya nga sobra akong nasaktan ng makita ko kung paano gumuho ang mundo niya, ng iwan siya ng lalakeng ang akala ko ay matino sa lahat. Ngunit mali pala ako ng tingin sa kaniya, dahil nakita ko kung paano niya nagawang saktan ang kaibigan ko.
Habang nag-lalakad kami ng tahimik, nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko. Ganito niya ako tratuhin, sa harap man ng iba or kung kaming dalawa lang.
"Cy may alam ka ba kung anong pag-uusapan natin mamaya?" tanong nito, tsaka tumingin sakin ng nakangiti..., ngunit kitang kita mo naman ang lungkot sa mga mata niya.
"Well sa totoo lang, I'm also clueless about it." may katotohanang tugon ko dito, para tumango na lang siya.
"Hmmmm....."
Ang mas lalo ko pang ipinagtaka na ginawa niya ay ang humilig siya sa balikat ko. Ginawa niya na ang ganitong bagay noon, sa pagkakatanda ko, ganitong araw din 'yon.
'Ano bang date ngayon, bakit parang kinakabahan ako.' wika ko sa sarili ko, at pa simple kung tiningan sa cellphone ko, kung anong date ngayon.
'August 22, ano bang meron sa date na 'to.' tanong ko sa sarili ko at pilit na inaalala kung anong meron sa date ngayon.
"Cy, may sasabihin sana ako sayo." mahinang usal nito para mapatigil ako, sa pag-iisip kung anong meron ngayon. Inalis niya na ang ulo niya sa balikat ko, tanging braso ko na lamang ang hawak niya.
"Sige makikinig ako, ano ba 'yon?" tugon ko dito at kinalma ang sarili ko.
"Tungkol kay jagskasb."
Sa kamalas-malasan hindi ko pa narinig, may ugali naman garod ang babae na 'to na, kapag hindi mo narinig, sorry ka hindi ko na uulitin.
"Ano? Hindi ko narinig, pwede bang paki-ulit mo." pamimilit kong wika ko dito para makita ko ang inis sa mukha niya.
'Ano ngang magagawa ko, may mga students na maingay na dumaan. Alangan namang suwayin ko, baka mas lalo lang kaming ma-late ni shans sa meeting.
BINABASA MO ANG
Love The Way You Are ( On Going )
FanficThis story is all about a girl who wants to have a peaceful life. This is Shantal Gonzalez, may mataas na pangarap. Matalino, maganda, full of skills pero lahat ng good qualities na meron sa kaniya, madaling nawawala kapag pinag-uusapan na ang heigh...