1

19 0 0
                                    

CHAPTER 1:

February 16 2018

She's my life.....

kaya ako nabubuhay ngayon ay dahil sa kaniya.

Mula noong makilala ko siya, pakiramdam ko kailangan ko pang mabuhay.

Natutunan ko ring magmahal ng dahil sa kaniya.

Pinasaya niya ang malungkot kong buhay.

Ipinaramdam niya sa akin ang pag-mamahal na ipinagkait sa akin ng iba.

Buong puso niya akong minahal.

By the way she's my wife.

____

Bahagya akong napangiti dahil sa naiisip ko ngayon. Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito. Hindi ko inaasahan matutupad na ang pangarap ko. Matutupad na ang matahal ko ng inaasam.

Nakatayo ako habang hinihintay siyang pumasok dito sa altar.

Si clara. Ang asawa ko.

Hindi ko maipag-ka-kailang excited na ako sa babaeng mula ngayon ay matatawag ko nang akin.

Once in a life time lang itong pag-pa-pakasal sa babaeng mahal mo, kaya bakit hindi mo pa susulitin. At dapat sigurado kang nasa tamang tao kana.

Unti-unti ko siyang nakikita sa pinto habang dahan-dahang naglalakad papalapit. Nakasuot ito ng kaniyang paboritong wedding gown.

She looks more beautiful while wearing her white gown. 

Akala ko noon hindi na ito mangyayari sa buhay ko. Akala ko talaga sa mga movies ko lang mapapanood ang ganitong eksina. Ngunit ngayong araw mismo pinatunayan ko na balang araw ay may mag mamahal sayo at handa kang pakasalan.

Ikaw mismo yung makakasaksi ng pinapangarap mo kaya heto ako ngayon sa harap ng altar at inaantay ang mapapangasawa ko.

Ngayon, masasabi ko lang na.... Siya na talaga.

Hindi ko na napigiligan pa ang luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko. Hinayaan ko itong dumaloy sa aking pisngi habang pinupunasan ng aking palad.

Bakit ba ako naiiyak? Umiiyak ako hindi dahil malungkot ako, umiiyak ako dahil sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.

Ang saya ko sa part na siya ang mapapangasawa ko.

Nang makalapit na siya ay agaran kong hinawakan ang kaniyang braso. Sabay kaming naglakad patungong altar.

Sobrang saya, ang sarap pala sa pakiramdam.

"Ikaw lakaki, tinatanggap mo bang makaisang dibdib ang babaeng ito?" tanong ng pari sa akin.

Tumingin ako sa mapapangasawa ko, nginitian ko siya bago sumagot. "Opo, father."

"Ikaw naman babae, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng puso ang lalaking ito?" tanong ng pari sa kaniya.

Kagaya ko tumingin din siya sa akin bago nakangiting sumagot. "Opo, father."

"Ngayon ay binabasbasan ko kayo bilang mag-asawa sa hirap at sa ginhawa, you may now kiss the bride."

Marahan kong itinaas ang kaniyang belo at inilapit ko ang aking mukha sa kaniya at idinampi ang labi ko sa labi niya.

"Mahal, maraming salamat dahil nakilala kita. Ikaw ang babaeng nagturo sakin kung paano nga ba magmahal, at ipinaramdam mo sa akin ang tunay na pag-ibig. Ipinapangako ko sa 'yo na hinding-hindi kita iiwan, mamahalin kita habang buhay. Ikaw ang nagpabago sa akin ng paniniwala. Salamat mahal ko." huminti ako sa pagsasalita at nagpupunas ng luhang kanina pa pala tumutulo. “Pangako, habang buhay tayong mag sasama. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko hanggang sa kamatayan.”

Palagi nating tatandaan na kailangan nating mag hintay ng para sa atin talaga, hintayin nating may magmamahal sa 'tin ng totoo. At kapag dumating na ang araw na 'yon, ang kailangan lang nating gawin ay huwag na siyang pakawalan pa dahil wala ka nang mahahanap na katulad niya–Katulad niya na kung bakit mo siya nagustuhan na wala sa iba.

Not A Happy Ending Story Where stories live. Discover now