Last Chapter
January 1 2022 12:00 am
Nandito ako ngayon mag-isa at c-ni-celebrate ang new year ng wala siya.
Malaya akong nakatingin sa mga fire works. Sobrang ganda, ngunit tila sa puso ko'y ito ang pinaka malungkot na nangyari sa buhay ko.
Tulala ako habang inaalala ang mga masasayang alaala namin ng mahal ko.
Isang taon na pala simila no'ng mangyari ang aksidente, sanhi ng pagkawala niya sa 'kin, magpakailan man.
Ito ang pinaka malungkot na selebrasyon sa buong buhay ko.
Wala na akong ibang ginawa kun'di alalahanin ang aming nakaraang magkasama, ang mga masasayang alaala naming dalawa.
Habang nag ka-count down kami tuwing new year...
namamasyal kami sa mga park...
Masayang tumitingin sa nag puputukang fire works...
Sa mga batang nag-sisigawan ng Happy New year....
Lahat ng 'yon naalala ko kahit na gustong-gusto ko na siyang makalimutan pa. Dahil tuwing naaalala ko, Nalulungkot ako. Naiiyak ako, naiinis ako sa sarili ko.
Pakiramdam ko kasi, ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala sa buhay ko.
Na sana ako nalang 'yong nawala. Ako nalang sana....
"Mahal, I love you. And I miss you so much!" muli na namang nagsitulo ang mga luha ko at ngayo'y napahagulgol na ako sa sobrang sakit na natatamasa ko sa mga oras na ito.
Gusto ko ng burahin ang mga ala-ala ko ngunit ayaw talagang maalis sa aking isipan. Dahil siguro 'yon nalang ang tanging madadala ko hanggang sa tumanda ako.
"Forgetting the memories?"
"No-"
Hindi 'yon ang sagot, 'di ko magagawang makalimutan ang pinakamamahal ko.
Maalala ko lang siya'y okay na ako. kahit na nasasaktan na ako ay titiisin ko.
Paalam mahal ko, hanggang sa muli.
Baka sa susunod nating buhay.... Tayo'y mag-ka-tagpong muli.

YOU ARE READING
Not A Happy Ending Story
Storie breviPaalam mahal ko, hanggang sa muli. Baka sa susunod nating buhay.... Tayo'y mag-ka-tagpong muli. Started: Decemeber 31 2021 10:2 pm End: January 01 2022 1:48am