3

3 0 0
                                        

Chapter 3:

February 16 2020

My 2nd anniversary with her being married.

"Are you okay?" tanong ko sa kaniya, marahan niyang pinupunasan ang kaniyang mga matang lumuluha. "Tell me, please?"

Ngunit bigla nalang siyang umiyak ng hindi ko man lang alam ang dahilan. Wala akong naggawa kung hindi ang yakapin siya kahit hindi ko alam ang kaniyang problema.

"Makikinig ako, mahal." muli kong sambit sa kaniya.

Inayos niya ang kaniyang sarili bago naupo ng maayos. Mariin niya akong tinignan ng mabuti.

"Mamahalin mo parin ba ako?" She ask as she holdin' her tears not to cry.

Hindi ko alam kong bakit niya ito tinatanong sa akin. Hindi ko inaasahang tatanungin niya ako ng ganun.

"I will always love you forever!" dagot ko at hinalikan ang kaniyang noo. "Pinakasalan kita para mahalin ng habang buhay.”

Mapait siyang ngumiti. Naguguluhan ako. Napatitig na naman ito sa kawalan bago yumuko.

"Kahit na......." Itinigil niya ang kaniyang sassbihin dahil sa nagbabadiyang luha.

"Please? Huwag kanang umiyak." Pakiusap ko. Ayukong makita siyang umiyak.

Kumikirot ang puso ko tuwing nasasaktan ka mahal ko.

"Kahit na hindi ako magkaka-anak, mamahalin mo parin ba ako?"

Nagulat akong napatingin sa kaniya. Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako tinatanong?

Hindi ako nakaimik. Marahan kong inilapit ang aking sarili sa kaniya at muli siyang niyakap. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha.

"Pumunta ako kanina sa doctor. Ang sabi niya... Hindi na ako magkaka-anak pa." pahayag niya na maluha-luhang napatingin sa 'kin.

"Shhhhh." Pag-papatahan ko sa kaniya.

Nakinig naman siya ngunit umiiyak parin habang nakayakap sa 'kin.

Saglit pa kaming tahimik hanggang sa nag-salita ako. "Bakit naman hindi?"

Alam kong gustong-gusto naming magka-anak. 'Yon ang isa sa mga pangarap namin.

"I mean, mamahalin parin kita. Dahil lang do'n iiwanan na kita? hindi na kita mamahalin? No! Dahil una palang mahal na mahal kita. Sadiyang hindi lang tayo pinalad na magkaroon ng anak. Pero hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo, mahal."

"I still love you no matter what. Kaya tumahan kana riyan, mahal ko, okay?" pag-papatahan ko sa kaniya.

Sa buhay talaga minsan kailangan nating tanggapin ang mga bagay na hindi tayo pinagkalooban.

Ngayon ko naisip na... walang posibleng rason para hindi mo mahalin ang pinakamamahal mo. Dahil kahit na ano pa 'yan, kung mahal mo talaga siya ay hinding-hindi mo siya iiwan.

Sa halip ay dadamayan mo siya sa kaniyang problema at ipaparamdam na magiging maayos lang ang lahat.

Not A Happy Ending Story Where stories live. Discover now