•HOW TO COOK FRIED EGG [THE TAEHYUNG WAY]•
TAEHYUNG: Annyeong haseyo A.R.M.Y's~ welcome to the Taehyung Cooking Show ! Magluluto po tayo ngayon ng fried egg. Iaalay ko to sa BTS. Ready na po ba kayo ?
JIN: Jusko ! Di ko kayang kainin yan ! Mas gugustuhin ko pang kumain ng putik kesa dyan ! Jusko, sakit sa bangs mga ateng !
NAMJOON: Grabe ! Wala na ding jams si Taehyung.
JIMIN: Hahaha ! Di na ako nag-iisang walang jams !
HOSEOK: Oh my gahd ! Di ko na kaya to !
JUNGKOOK: Ano na namang kalokohan to ?
YOONGI: Asan yung bandana ko ? Nakita nyo ?
TAEHYUNG: Okay wala nang maingay ! Shhh shh shh ! Ito po yung mga ingredients. Syempre itlog, mantika, asin, asukal, paminta, suka, toyo at yung bandana ni Yoongi hyung na isang buwang hindi nilabhan.
TAEHYUNG: First step ibuhos ang isang mangkok na mantika sa kawali. Habang hinihintay na uminit ang mantika basagin na ang itlog gamit ang toothpick.
NAMJOON: Katangahan overload.
TAEHYUNG: Dahil ayaw pong mabasag gamit ang toothpick. Halika Hoseok hyung.
HOSEOK: *lumapit*
TAEHYUNG: Basagin po natin sa ulo nya. Wag po sa baba kasi medyo mahihirapan po tayo kaya sa ulo na lang po okay.
HOSEOK: Aray !
TAEHYUNG: Pagkatapos basagin sa ulo ni hyung kunin nyo po yung balat tapos itabi nyo po kasi gagawin po nating toppings yan. Tapos kunin nyo na po yung laman ng itlog, pati po yung mga kuto ni Hoseok hyung kunin nyo na para may dagdag flavor.
HOSEOK: Sira ! Wala akong kuto !
TAEHYUNG: Walang may pake hyung. Mawalang galang na hyung lumayas ka na. Okay pagkatapos ilagay ang itlog sa mangkok lagyan na natin na 10 kutsara ng asin at 7 kutsara ng asukal tapos yung lahat ng laman ng suka ibuhos nyo na po tapos ganun din po gawin nyo sa toyo tapoa ilagay nyo na yung paminta at haluin na.
JIN: Nandidiri na ko.
TAEHYUNG: Okay tapos na nating haluin. Titignan naman po natin kung mainit na yung mantika. Para po malaman ilublob nyo po yung kamay nyo sa mantika. Pag napaso kayo ibig sabihin mainit na pag hindi edi hindi pa mainit. *nilublob yung buong kamay*. Arayyyyyyyy~. Mainit na po. Lutuin na po natin. /le hagis ng mangkok sa kawali/
JUNGKOOK: Kawawa naman yung kamag-anak ko !
NAMJOON: Sinong kamag-anak ?
JUNGKOOK: Yung mangkok. Di mo gets ? MANGKOOK, JUNGKOOK.
NAMJOON: Kailan pa naging double O yung mangkok ?
JUNGKOOK: Ngayon ngayon lang hyung.
JIN: Tahimik ! Baka gusto nyong sukahan ko kayo !
YOONGI: Nakay Taehyung lang pala yung bandana ko eh ! Taehyung ibalik mo yan !
TAEHYUNG: Wag ka mag-alala hyung di ko susunugin yun. Okay wala ng maingay ! Tignan nyo kung crispy na yung mangkok. Pag crispy na alisin nyo na sa kawali. Okay crispy na sya. Plating na tayo. *nilagay sa plato*. Okay para po sa toppings kunin natin ang bandang isang buwang hindi nilabhan ni Yoongi hyung. Tapos basain po natin. Pagkatapos basain pigain mo pa natin sa ibabaw ng itlog. Sunod po yung mga balat ng itlog tapos durugin natin tapos ilagay sa ibabaw ng itlog tapos pigain po natin ulit natin yung bandana ni Yoongi hyung. Tapos na po ! Kookie mga hyung ! Ito na ! Kainin na natin ! Nasan na sila ? Ano ba yan ! Di tuloy nila natikman yung luto ko.
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios
FanfictionMahal na mahal ko po yung BTS kaya ko toh ginawa. Pero lahat ng nakasulat dito puro kalokohan lang po.