"CONNECTION" part 1

10 2 0
                                    


                                                       Prologue 


Sa murang edad, nagkaroon na ako ng mataas na pangarap. 

But, sometimes reality hits me. Sa sobrang taas ng pangarap ko. Malabo ko yatang makuha yun.

Paano ako makakalipad kung ako mismo ang problema? Kung mismong pamilya ko ang humihila saakin pababa.

Sapat saakin ang bagay na meron ako. Pero hanggang kailan ako ma kukuntinto? Sapat na ba talaga saakin mamuhay ng simple? Tatahimik? Walang gagawin?

Maraming katanungan sa utak ko. Maraming gumugulo sa isip ko. Pero isang bagay lang ang gusto ko...

Ang makuha ang pangarap ko. At masagot ang tanong na matagal ko ng gustong matuldukan, ang tunay kong pagkatao. 

Bago mangyari ang lahat ng yan, kailangan kong mag tiis, magsakripisyo.

————————

"Did Zuey found her father ate?" 

"Huh?"  

"Hindi na po ba talaga makikita ni Zuey ang papa niya forever?" tanong niya uli. 

Napalalim ang iniisip kaya nakalimutan kong nasa kwarto pala ako ng kapatid ko para ituloy ang kwento na lagi kong binabasa sa tuwing patutulugin ko siya.

"Next time pa natin malalaman" tanging sagot ko.  

"Pero ate! Gusto kong malaman kong magkikita paba sila" pagmamaktol ng kapatid ko. 

Paano ko masasagot ang tanong niya kung ako mismo, hindi ko alam ang sagot.

"Wag ka ng makulit Keil, matulog kana"  

Hinila ko ang kumot at ikinumot sakanya. Agad naman sumunod si Keil sa bilin ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ako si Zuey.

Isang musmos na naghahangad ng komplitong pamilya. Isang pamilya na maututuring mong kayaman.  

Talaga bang patay na ang papa ko tulad ng laging sinasabi ni mama?pero pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may tinatago siya saakin.

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng bahay. Hindi pa nakaka uwi si mama galing sa bukid.

Isang magsasaka ang mama ko, 18 years old siya ng ipag buntis ako.

Ang sabi sabi lumandi raw siya sa Manila kaya na buntis. Hindi raw talaga pag aaral ang pununta niya dun.

Maganda si mama. Kutis mayaman, matangos ang ilong, bilugan ang mata, matangkad na parang model. Kaya hindi ko maipagkakailang maraming lalaki ang magkaka gusto sakanya.

Minsan ko ng sinubukan alamin kong ano nga ba talaga ang totoong nangyari sakanya sa Manila pero palaging tikom ang bibig.

Ano nga ba talaga ang totoo? Gustong gusto kong malaman.

Gusto kong alamin ang pagkatao ko at magsimula ng panibagong mundo.

   


.......end of prologue......


Note: First time ko magsulat ng by chapter. Ongoing pa itong story ko kaya expect for some errors ahead. Hindi ako magaling pagdating sa grammar kaya pasensya na sa mga wrong grammar. Sana magustuhan niyo.   

CONNECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon