CHAPTER 1: "The hidden truth"
"Khezeil, ano ng gagawin mo? Graduated kana. May plano ka pa bang mag kolihiyo?"
"Woy, Khezeil! Nakikinig kaba!" sigaw nito saakin.
"Ano kaba Musani, sakit sa tainga ah" pagrereklamo ko sakanya.
Kakaiba talaga siyang babae. Siya yung tipong dadaldalin ka buong maghapon. Iwan ko ba kung bakit 'di manlang makaramdam ng pagod. Pinanganak yata siyang machine gun.
Maganda si Musani. Morina, mapungay ang mata, medyo mapula ang labi, may mahabang pilik mata, makapal na kilay, mahaba at makintab na buhok. Kaso kinulang lang talaga siya sa height. Ganun yata talaga ang mga pandak, bumabawi sa ganda 'tsaka kasing daldal ng minions.
"Naka tunganga ka na naman" reklamo nito.
Sino ba kasing hindi mapapagod makinig sakanya. Kulang nalang sakupin ng bungabunga niya ang buong baranggay. Nakalunok yata 'to ng mic eh.
"Ano ba kasi 'yun?" tanong ko sakanya.
"Saan mo kasi planong mag aral? Alam mo, nag seselos ako. Gusto ko rin mag aral pero sabi ni mama mas mainam kung tutulong nalang ako sa bukid" nakasimangot niyang ani.
Mag sisimula na naman ang kadramahan niya. Pero hindi ko maipagkakaila na si Musani ang nagbibigay saakin ng sigla tuwing pumupunta siya sa bahay.
Si Musani ang naging kaibigan ko simula pagka bata. Siya ang nagtatanggol saakin. Siya rin ang sumasagip saakin mula sa kalungkutan. Kaya naman tinuturing ko siyang
"The clown savior!"
"Hindi ko pa alam kung saan ako mag aaral. Pero, kung papalarin. Gusto ko sa Manila" Masigla kong sabi sakanya.
Alam kong masasaktan siya pag umalis ako at ganun din ako. Ayaw ko siyang malungkot at aaminin kong mas magiging malungkot ako lalo na't malalayo ako kay mama at Keil. Pero no Choice, kailangan kong mamili.
"Wag ka ng mag selos. Pag nakapag tapos na ako, ikaw naman ang pag aaralin ko" She nod. Kahit papaano, hindi parin nawawala ang mga ngiti niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong ma mimiss ko ang kakulitan niya.
"Nag paalam kana ba kay tita?" naka kunot noo niyang tanong saakin.
"Hindi pa eh. Susubukan ko mamayang gabi"
Aminado akong mahihirapan akong mapapayag si mama. Ayaw na ayaw niyang binabanggit ang Manila. Kaya sobra akong nagtataka. Gusto kong malaman. Baka sa ganun paraan ko malalaman lahat ng tanong ko.
"Uuwi na ako Khezeil, pagabi na. Baka mag rap na naman si mama" Sabi nito na may pa break it down pa.
"Oo na, umuwi kana kung ayaw mong mapalayas"
Naaawa ako kay Musani. Pareho kami ng sitwasyon. Wala rin siyang papa. Pero mas ma swerte parin siya dahil kahit papaano nakilala niya ang papa niya bago mawala. Mas ma swerte nga ba siya? O ako talaga ang ma swerte?
Oo, hindi ko nakilala si papa. Sabi ni mama patay na siya pero ayaw kong maniwala. Hindi magka tugma ang sinasabi niya. Siguro nga mas ma swerte ako kay Musani dahil may pagkakataon pa akong makilala ang papa ko.
Hinahanap din kaya ako ni papa? May iba na kaya siyang pamilya? Alam kaya niyang may anak siya kay mama at ako yun?
"Ate, nagugutom ako"
BINABASA MO ANG
CONNECTION
General FictionKhezeil has a strong personality. Naging bukas ang isip niya sa murang edad. Simula ng tumuntong siya ng sampung taong gulang. Doon lang niya napag tantong may kulang, may isang puzzle na hindi niya mabuo dahil itinatago sakanya 'yun ng kanyang Ina...