Kabanata 38 : The Little King

492 43 20
                                    

Kabanata 38 : The Little King


"Talaga po?" nakangiting sabi ni Peso.

"HIndi puwedeeeeeee!!!!!" sabay-sabay na sigaw ng sixtuplets.

"Oo naman. Si Ate Cha nga kinuha ni nanay Venus, si Hestia nga kinuha nila Kuya Autumn so bakit hindi ko magagawa sayo.

Alam mo ba na ang lola Ella ko ay nakapagpatayo ng bahay ampunan para iligtas ang mga batang benebenta o binubugaw. Ayoko naman na sa pagkamatay ng Mama mo mapariwara ka. Ang turo ng lola Ella ko ang mga bata lalo na ang mga batang babae dapat iniingatan at inaalagaan. Huwag daw natin hayaan na sila ay malihis ng landas dahil sa pangyayari sa buhay nila na tingin nila wala silang pagpipilian. Kaya kukunin na lang kita." nakangiting sabi ni Elle.


"Mama, huwag. Mama huwag mong gagawin ang bagay na iyan."
sabi ng sixtuplets na napaluhod kay Elle.

"Hahahaha." natawang reaksyon ni Wine ng pare-pareho ang reaksyon ng sixtuplets nila ni Elle sa pagmamakaawa.

"Bakit naman? Kung anak nga siya ng tatay niyo, okay lang na ampunin natin siya kung si lola Ella nga inaampon lahat ng batang babae. Bakit hindi ko rin gawin?" sabi ni Elle.

"Hindi ko siya anak." sabi ni Wine na nawala ang ngiti at tawa sa mga labi.

Napatingin si Peso kay Wine na ikinatingin ni Wine sa batang babae.

"Aissst. Hindi talaga kita anak. Hindi sa itinatanggi kita, pero talagang wala akong anak sa ibang babae. May proteksyon ako lagi at...." udlot na sabi ni Wine ng kumunot ang noo ng batang babae na tila hindi nito maunawaan ang sinasabi niya.

"Haysss! Hindi mo pa mauunawaan pero segurista ako pagdating sa mga ganyang bagay dahil ayoko ng batang anak sa labas." sabi ni Wine na ikinatingin ng bata rito.

"Galit ka po sa mga anak sa labas?" tanong ni Peso.

"Hayyssss! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mean, ayoko makakita ng batang hindi kompleto ang pamilya. Ayoko ng batang may nanay walang tatay o may tatay man siya pero hindi niya kadugo. Para sa akin kasi mas okay pa rin iyong ang mga anak ay parehong supling ng mga magulang." sabi ni Wine.

"Kahit na, aampunin ko siya." sabi ni Elle habang nakatitig kay Peso.

Napatingin ang mag-aama kay Elle at si Peso.

"Talagang talaga po?" nakangiting sabi ni Peso.

"Oo." nakangiting sabi ni Elle.

"Naglilihi ka na ba?" nagtatakang sabi ni Wine.


"Hindi ko alam, baka mabilis na dumaloy ang semilya mo sa pagniniig natin muli."
nakangiting sabi ni Elle kay Wine habang nakatitig si Elle kay Peso.

Nagkatinginan ang sixtuplets kay Elle, iba maglihi ang mama nila at alam nilang kapag gusto nito kailangan masunod. Tulad ng paglilihi nito sa cheering squad kung saan naman lahat ng babae na nakakasama sa trabaho, o kahit katabi lang ng Papa nila inaaway nito. Pero ngayon mukhang si Peso ang pinaglilihian nito at mahirap iyon. Dahil kung dati pinaglihian ng Mama nila ang modelo ng lola Joyce nila kung saan siyam na buwan nagbabalik balik ang mga modelo sa bahay nila sa kagustuhan ng nanay nila makita ang mga ito.

"Pero marami na tayong anak." sabi ni Wine na hindi siya sang-ayon sa gusto ni Elle na ampunin si Peso.

Napatingin si Peso kay Wine at malungkot ito nagsalita.

"Ayaw mo sa akin Papa?" sabi ni Peso.

"Tsss. Hindi kita anak, at hindi naman sa ayaw ko sayo kaso..." sabi ni Wine sabay tingin sa sixtuplets na nakatitig kay Peso

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon