17

158 12 2
                                    



"Saan ako matutulog"



Lumabas na ako ng banyo matapos kong maligo at naka pantulog na syempre! Hindi pa ako ready sa mature content na yan! Char!





"Thats the problem" nakita kong umiwas siya ng tingin habang nakaupo doon sa kama





"So you're saying na iisa lang ang kama dito?" I finished his sentence. Ano to!? Ang laki laki ng bahay tapos iisa lang ang kama?




Tumango siya, agad akong pumunta sa king size bed at binagsak ang katawan ko doon sa right side. Napalingon siya sakin at tinapik yung kabilang side ng kama.





"Dito ka!" Mukhang tuwang tuwa pa ako





"Are you sure? I can bring you home-"




Hindi na niya natapos ang sasabihin ng hinatak ko na siya pahiga roon sa kama. Nagulat nga siya at akala ko tatayo pero umayos lang siya ng pagkahiga. Amoy na amoy ko yung sabon sa kanya dahil katatapos lang din naman niya maligo. Pinigilan ko na lang yung sarili ko na singhutin siya.






Nakasuot siya ng sweatpants at shirt ako naman naka dolphin shorts at oversized na tshirt. Hindi ko naman pinaghadaan to edi sana dinala ko yung lingerie ko. Char!





Kinuha ko yung remote sa side table para i-dim yung ilaw, handa ng matulog. Kinuha ko na rin ang kumot at in-extend hanggang sa katawan niya para kami dalawa ang mainitan. Binuksan niya pa kasi ang aircon na ang lamig lamig na!





"Ang lamig naman!" Reklamo ko " ayaw mong magpa-init"






Napalayo siya kaagad sa akin na parang may nakakahawa akong sakit! Umusog siya palayo kaya tumawa ako kaagad. Hindi ko alam ang iniisip niya pero kape yung iniisip ko e. Gusto ko mag kape! Hindi ko na lang pinilit baka hindi kami makatulog.




Dumapa ako sa kama at humarap sa kanya tinignan ko siya at tinaasan ako ng kilay. "This is our second time sleeping together." I let out a flirty laugh. "Alam mo, kung hindi lang ako sa Barts nag-aaral, baka sa condo unit mo na ako tumira para gabi-gabi tayo magkasama" napangisi ako.




"Buti na lang".



Sumimangot ako at humiga na ulit. Kinuha ko yung braso niya para maakbayan niya ako bago ko siniksik ang sarili ko sa katawan niya. Hindi naman siya umangal pero parang hirap ang mukha niya. Mabuti at pinapayagan niya kong ganito.







"Unleash yourself!!!" Demonyong bulong ko sa may bandang leeg niya.






"NO!" Masungit na sabi niya sakin.



Tumawa ulit ako dahil ang cute cute niya talagang asarin! Mas lalo siya sumusungit. Pakiramdam ko pinanganak ako para inisin siya. Kung kumikita lang ako dito edi sana mayaman na ako ngayon.







Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Basta nag usap lang naman kami ni Sandro about sa life niya tapos wala na, mukhang bumagsak na ko, pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko physically dahil emotionally and mentally narito siya sa puso qoe.







Naghilamos ako at nag mumug bago bumaba. Sigurado ako na nagluto siya ng breakfast dahil naamoy ko na sa hagdan pa lang. at tama nga ako!. Nakita ko siyang umiinom ng kape roon sa may dining area kaya doon ako dumeretso.







"Good morning." I was even hopping towards the table.





"Morning" he sipped on his mug while looking at me.






Waste It On Me (Sandro Marcos FanFiction) Where stories live. Discover now