Chapter 2 - The unexpected announcement

38 0 0
                                    

Chapter 2 - The unexpected announcement

Cristine's POV

Pababa ako ng hagdan ng salubungin ako ni Ariel sa baba na nakacross arm at mukhang ewan na parang naiirita.

"Oh problema mo?" Tanong ko kay Ariel.

"Halos isang oras ka kaya kung maligo! 5pm na!!!" Pagmamaktol niya.

"So? Kasalanan ko? Bat di niyo ko tinext para kanina pa ako nagready diba?" Depensa ko. Ganito talaga kami ng best friend ko. BFF ko to since birth. Though eight lahat kami sa grupo pero siya parin ang buddy ko sa lahat. Kaya no hard feelings na samin ang mga maktol na gaya nito.

"Kahit na! Ang kupad mo parin. Nakakahiya naman sayo na gutom na kami at ang agang hinain ni tita yung merienda, pero hindi namin magalaw kasi baka di ka namin matirhan."

"What's new? Eh masiba naman talaga kayo pagdating sa pagkain." Agad akong tumakbo sa bakanteng upuan sa pagitan nina Clark at Sandy pagkasabi ko noon, bago pa ko bugbugin ng best friend ko.

"Haha FUNNY!" Pairap na sambit sakin ni Ariel. Nagpuppy eyes lang ako sakanya at natawa ang loka.

"Pangit mo forever." Asar niya.

"Love mo naman forever." Puppy eyes kong tugon na siya namang ikinatawa ng lahat.

"Kain na!" Sagot niya.

Pagkatapos namin magmerienda nagpaalam na kami kay mama na kina Rochell kami tatambay.

-----

After 10 mins ng paglalakad namin (halos magkakavillage lang kami ng barkada ko isa sa dahilan kaya kami nabuo) nandito na kami ngayon sa bahay ni Rochell, isa sa mga barkada ko na kasama sa grupo namin. Uso ang grupo sa mga schools mostly Org members tong mga barkada ko, member ako ng Math Club and Talent Club. Si Ariel at Rochell ang kasama ko sa dalawang club na yun. Si Sandy at Keith na sa gabi ay 'Kate' ay parehong sa talent club; Si George, Tyron, and Clark na sa gabi nman ay 'Cloie' sa Math club. Eight kami sa barkada. Smart and talented ang laging papuri sa grupo namin. Kaya kasama ang grupo namin na may award na Outstanding Student Leaders.

Masaya sila kasama. Sila yung tipo ng kaibigang natututo ka na nag-eenjoy ka pa. Hindi ko naman sinasabing perfect ang friendship namin. May mga trip din kaming minsan napapahamak kami, nagkakapikunan, nag-aaway-away pero hindi naman nagtatagal. Mas lalo ngang naging solid yung friendship namin because of those fights. Natuto kami sa pagkakamali ng isa't isa. Wala samin ang may crab mentality. Lahat kami nagtutulungan pataas. Alam ng bawat isa ang kakayahan at kahinaan ng lahat kaya kaya naming intindihin ang bawat isa.

Kung pwede lang sana na pati sila sa North City nalang mag-aral. Para kahit papaano malapit lang kami sa isa't isa pero speaking.. hindi ko pa alam ang mga plano nila dahil naging busy ako sa pag-aayos ng Scholarship ko lately.

"Ma! nandito na po kami." Bahagyang sigaw ni Rochell ng makarating kami sa sala nila.

Madalas ay dito kami tumatambay pag my event sa school at kailangan ng venue para sa org projects or kahit casual na mga araw lang. Nag-iisang anak lang naman si Rochell at tanging Mama at kasambahay lang nila ang nakatira rito sa bahay nila kaya naman open arms kaming tinatanggap ni tita. Nasa ibang bansa ang Papa ni Rochell, sa Italy. Chef ang Papa niya roon. Magcocollege na rin kasi si Rochell kaya hindi pa magawang magstay for good sa Pilipinas ang Papa niya, si tito Tony. Businesswoman nman ang Mama niya. Kung anu-anong products ang pinagkaka-abalahan niyang itinda. Perfumes, Bags, Accessories, Cosmetics at kung anu-ano pa. Isa na nga ako sa customer ni tita Racquel, pangalan ng mama ni Rochell. Benta sakin ang mga accessories niya. Ginagawa kong collection ang iba't ibang designs ng bracelet niya.

The Impossible TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon