Chapter 1

12 1 3
                                    

"Alvin!!! Waaah!!! We love you Alvin!!!" hiyaw ng mga fangirls sa loob ng gymnasium.

Sa gymnasium ng Western Brooklyn University nagtipon-tipon ang mga fans ng maglalaban-laban sa basketball. Ito ay para suportahan ang team nila. Katulad ng ibang fangirls, sinusuportahan ko si Alvin. Siya lang naman ang kauna-unahan kong mahal/minamahal. Siya lang din naman ang boyfriend ko. Ops... huwag kayong maingay ah. May nagbalita na nito minsan sa buong fangirls kaso ayaw nilang maniwala doon. Sabi pa nila, kung totoo man ang balita ay susugurin daw nila ako o kung sino man ang karelasyon niya. So mas minabuti ko na o naming isikreto ang tungkol sa amin. Sa tuwing tatanungin si Alvin ng mga fangirls niya o ng media, itinatanggi nalang niya na meron siyang girlfriend. Masakit man pero kailangan talagang tiisin.

"Riiiiiiingggg... Riingggg..." biglang tumunog ang aking cellphone.

"Ano ba ito? Nakakagulat... Hello?" sai ko at sinagot na ang tawag.

"Nicole! Asan ka na ba girl? Kanina pa nagstart yung game!" sigaw ni Blaire mula sa phone.

"Andito na ako malapit sayo noh! Kita na nga kita mula dito eh." sabi ko habang palapit kay Blaire.

Si Blaire ang pinaka-trusted kong kaibigan sa lahat. Isa siya sa closest friends ko.

Nga pala, hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Julianne Nicole Capili. Mayroon akong 2 bestfriends.

"Nicole! Tignan mo si Celeste oh, nasa baba. Teka, kelan pa siya sumali sa cheering squad?"

Si Celeste naman ay bestfriend ko rin pero medyo iba ang ugali o aura niya sakin o sa amin ni Blaire.

"Hindi ko din alam eh. Hindi naman siya nagki-kwento na sumali pala siya sa cheering squad noh." sagot ko kay Blaire.

Pagkatapos ng laro, nilapitan ko agad si Alvin para i-congratulate siya. Sila kasi yung nanalo laban sa Flaming Tigers eh. Ang galing galing talaga ng boyfriend ko. Pero bago pa ako makalapit kay Alvin, marami nang pumaligid sa kanya atsaka ano itong nakikita ko? Bakit pinupunasan ni Celeste yung pawis ni Alvin? Bakit parang ang sweet nila habang nakaharap sa mga camera?

"Anong ginagawa nila?" pa-inosenteng tanong ko. Parang sumikip bigla yung dibdib ko sa nakikita ko ngayon.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Lumabas din ang demonyitang ugali ni Cel." reaksyon ni Blaire sa nakikita namin.

"Ano ba ang ibig mong sabihin? ha?" tanong ko kay Blaire.
"Grabe ka na Blaire... Hindi mo man lang ba iisipin ang kalagayan ko? Alam nating masakit na makita mo ang boyfriend mo sa tagal ng panahon na pagkakalayo niyo sa isa't isa tas makikita mo nalang siyang may kasamang iba... Na nagpupunas pa ng kaniyang tumatagaktak na pawis? Hindi ba? Ano ang mararamdaman mo?" tanong ko kay Blaire habang paiyak na.

"Chill lang Nicole. Hindi ko naman sinasadya eh. Alam mo na" pahinahon niyang sagot sa akin.

Halika na. Umalis na tayo dito" mahinahon kong sinabi at paalis na sana ng biglang may humablot ng kamay ko mula sa likod.

"At saan naman sa tingin mo ang pupuntahan mo ng hindi mo pa nasisilayan ang pinaka-gwapo mong boyfriend?" sabi ng lalake na nagmula sa likod ko. Bigla nitong hinila ang kamay ko at hinarap ang aking buong katawan sa kanyang harapan. Si Alvin lang naman ang gumawa noon.

"Kilala mo pa pala ako? Kala ko may iba ka na eh" pokerfaced kong sinabi.

"Anong iba? At kanino ka na naman nagseselos ha?" tanong niya habang nakayakap na ngayon sa akin.

"Psh. Di ako nagseselos noh! Wala. Kalimutan mo nalang" tanggi ko sa paratang niyang nagseselos daw ako.

"Alvin! When are we going to... ohh... umm..." biglang dumating si Celeste. Sinira niya ang maganda naming moment ni Alvin. Kaasar!

"Ayan ang ikinaseselos ni Nicole... tsk.tsk.tsk..." banggit naman ni Blaire.

"What? Niki, I never thought you'd be jealous of Cel" natatawang sabi ni Alvin. Bakit ba ang sexy ng tawa niya? Tapos tinawag niya pa ako sa Niki... siya lang ang nagiisang tumatawag sa akin nun. Parang tuloy nakalimutan ko na yung nangyari kanina.

"Eh kasi naman eh... ang sweet niyo kanina tapos..." napatigil ako sa pagsasalita ko ng halikan niya ako sa noo.

"Tapos ano?" nagbabalak pa ata siyang humalik sa leeg kaso lumayo na ako agad.

"Ano ba yan? Masyado ka nang PDA Alvin ahh..." papigil na sabi ko.

"What? Im not doing anything though." tanggi niya sa akin. Haaayst. Kung 'di lang ito cute, hindi ko palalagpasing makalbo itong lalaking ito. Buti nalang hindi na gaano maraming tao dito... at wala narin ang kaniyang mga fangirls.

"Oh sige na. Uuwi na kami ni Blaire." Sabi ko at sunod na hinawakan ang kamay ni Blaire para lumarga na.

"Wait. I'll send you home" Alvin said.

"Huwag na Alvin, pagod ka na eh" tanging sabi ko. Pakipot pa talaga ako, noh? XD

"Take the chance Nicole. Sinusunod mo dapat ang boyfriend mo" pangungulit ni Blaire. Pinipilit talaga ako ng babaeng ito.

"No Niki. I insist to take you home ;)" sabay killer smile na naman ni Alvin.

"Pakipot ka talaga kahit kailan Nicole! Nakupuu! Kunin mo na nga yang bestfriend ko Alvin!" tinulak ba naman ako ni Blaire palayo sa kaniya.

"Thanks Blaire" nakangiting saad ni Alvin. Tuwang tuwa ang loko.

"Hindi talaga ako makakatakas sa iyo, eh noh?" buntong ko sa kanya nang paloko.

"Of course, youre not and you can't ;)"

"Ehem... ehem..." pasadyang ginawa ni Celeste. Hindi ko namamalayan na nandirito parin pala siya. Bakit ba parang iba amg nafi-feel ko dito kay Cel. Parang may tinatagong sikreto... alam niyo iyon?

"So Alvin, just call me when you need me" Anudaw? Bakit naman kakailanganin ni Alvin si Cel?

"Okay daw! Byeeeeeee!!!" sigaw ko na bilang pagtugon at pag-approve kay Cel at pagkatapos nun ay tinulak ko na si Alvin palabas ng gym at papunta sa kaniyang kotse.

A/N:
Hope you enjoyed reading this story. Please vote and comment if you liked/loved the 1st Chapter!!! Thank you sooo much! Will update soon... and by soon, I mean Tomorrow♡

Simone says...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon