Chapter 2

11 0 2
                                    

"Susungkitin mga bituin para lang makahiling na sana'y maging akin puso mo at damdamin..." pagsabay ni Alvin sa kanta sa radyo.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse habang nasa biyahe. Sa bihlang pagkanta ni Alvin, hinawakan niya ang kamay ko.

Yiiiiiiieeeee!!! Kinikilig ako. Nakita niya siguro ang nagaala-kamatis kong pagmumukha dahil bigla naman siyang tumawa. Sheeeeet!!! Bakit ba lahat ng gawin nitong lalaking ito, para sa akin sexy? Lahat nalang sexy? Ganon? Bakit???

"Kinikilig ka na naman diyan? Oi. Oi. Oi. Ano na naman yang iniisip mo?" nagulat ako. Nababasa niya kaya iniisip ko?

"Wala! Wala! Wala akong iniisip -3- XD" tanggi ko na naman. "Just continue driving instead of minding other's business"
..........................................

Isang umagang mukha akong bangag dahil sa wala akong tulog sa kakahintay kay Alvin na magreply ng dalawang gabi pero hanggang ngayon wala parin. May nangyari kaya?

"Nicole! Nicole!" hingal na hingal na sigaw ni Blaire. Bakit parang excited ata itong lalaking ito, ay este babae pala. Para kasing tungkol na naman ito sa lalaki kaya siya ganyan eh.

"Bagong fafa yan, noh?" natatawang tanong ko.

"Yes! OM XD Kilala mo talaga ako fweeeennnddd!" pacute niyang sabi. Lagi naman siyang pacute kung umasta eh.

"Tigil-tigilan mo ako Blaire sa pagpapacute mo ah pati..." napatigil ako ng may nakabunggo sa akin. Anubayaaan! Kainis naman talaga oh! Ang gara lang nitong nakabunggo sa akin. Maraming gamit ang nahulog pati narin ako pagkatapos di man lang ako tinulungan! Di pa nagsorry? Grabe.

"Di mo man lang ba ako tutulungan dito? Pati kahit sorry man lang?" Nakaupong parang nanlilimos na sambit ko. Parang wala lang nangyari. He just faced me and shrugged at me. Tapos tinalikuran na ako.

"Hoy! San ka pupunta? Wala kang kwenta! Sino ka ba sa tingin mo para mang-ganyan ka??" patuloy lang siya sa paglalakad. Grrr... Nakakainis talaga!

"Bumalik ka dito! Humanda ka sa akin!" Naiinis na dagdag ko.

"Oh my gosh! Bestie! Ang swerte mo gurl!" Ano ba itong pinagsasabi ni Blaire? Swerte pa ako sa lagay na ito?

"Anong swerte ka diyan?!" tumayo habang pinupulot ko ang mga nakakalat kong gamit.

"Hindi mo kasi siya kilala eh. Siya dapat yung ibabalita ko sa iyo kanina pero parang siya na yung nagpakita sayo ngayon"

"Ano ba iyan, Blaire? Kung magkekwento ka eh make sure naman na matino-tino naman yung ugali" hindi parin maalis alis yung inis ko. Bakit ba ako ganito?

Third Person's POV

Kasunod ng pangyayaring pagkakabungguan nila Nicole at Simone ay nagkita naman si Celeste at Alvin sa isang matagong lugar.

"I missed you so much, babe" sinimulan ng halikan ni Alvin si Celeste sa bibig papuntang leeg.

"Babe... teka... Alvin... Baka may makakita sa atin dito..." nangangambang sabi ni Celeste.

"Walang makakakita sa atin. Break time nila kaya nasa malayo yun" patuloy pa niyang hinalikan si Celeste.

"Sige na nga" walang pakundangan na nagpahalik ang babae.

Sa hindi kalayuang lugar ng mga pangyayari ay nakaupo ang isang estudyante sa loob ng room at natutulog. Ngunit 'di nagtagal ay nagising rin siya sa ingay na nagagawa ng dalawa. Ang estudyanteng iyon walang iba kung hindi si Simone lang naman.

Nicole's POV

Nandito kami ngayon ni Blaire sa isang coffee shop malapit lamang sa school. Mga 15 meters away maybe... Hinihintay namin si Celeste dumating. Magsho-shopping kasi kami, tutal naman tapos ko na ang tasks sa school. Si Blaire talaga nagyaya na dito kami maghintay kay Cel. Marami kasing nakakalat na wafuuuu! According sa kanya.

"Tama talaga ang pagyaya ko dito Nicole! Saktong sakto lang talaga noh?" aniya na tila naglilibot ang mga mata sa mga fafa.

"Saktong sakto ba dahil sa mfa wafu? Tantanan mo na ako please" inis na sabi ko. Hindi kasi maalis sa isipan ko yung napanaginipan ko eh. Ang pangit talaga! Nakakatakot! Sobra!

"Sus! Ang KJ talaga ng lelang na ito. Uminom ka nalang ng frappe mo" aniya ni Blaire.

"Sorry, Im late. May dumagdag pang mga tasks sa council eh." kakadating na singit ni Celeste.

"Awwww... Bakit ang aga mo naman dumating? Kaunti palang ang natatanaw kong gwapo oh..." Nakasimangot na sabi ni Blaire.

"Maaga pa yan sa lagay na yan Blaire ah. Magiisang oras na rayong naghihintay noh. At isa pa, anong kaunti palang ang natatanaw mo? Halos maluwa na 'yang mata mo sa dami ng dumadating na boylets diyan" naiiritang sabi ko.

"Bakit ba ang haba haba ng mga sinabi mo sa reklamo ko? May problema ka ba?" tanong ni Blaire.

"May inaalala lang kasi ako tungkol sa... sa..." Hindi ko masabi lalo na nandiyan si Cel.

"Tungkol saan Nicole?" nagtatakang tanong ni Cel. Paano kung sabihin kong siya talaga ang pinoproblema ko? Ano kaya ang facial expression niya kung saka-sakali, ano?

"Wala, wala. Sa bahay lang siguro" sagot ko. I just kept my mouth shut after that.

"So anong oras ba tayo aalis niyan? Blaire, umoonti na ang mga gwapo rito. Alam ko sa mall na pupuntahan natin, marami!" singit ni Celeste sa tahimik na atmosphere.

"Weh? Di nga? Sure ka?" excited na tanong ni Blaire.

"Oo! Alis na tayo baka hindi pa tayo makagala niyan eh." pilit ni Celeste. Bakit parang hindi na ako na-aw-awkwardan sa kanya?

A/N:
Unfortunately, bigla pong nawala yung notebook ko kahapon kaya ngayon lang po nakaupdate. Kung sino man nagbabasa nito, Salamat ng maramiii♡♡♡ Please vote #SS, comment anything you want and Spread the love haha^^ Will update soon

Simone says...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon