Ballpen

3 0 0
                                    

Maraming ballpen, lahat tumitinta, lahat kaya sumulat, may iba't ibang kulay, iba't iba rin ang kapal ng tinta nito.

"Bili tayo ballpen."

May isang ballpen na nananahimik na nakastock dun sa bilihan.

Simple lang naman 'yung ballpen, bagong bago.

Malinis 'yung lagayan,

walang bawas ang tinta,

may bilog pa sa tinta na nagpapakitang malinis ito,

galing pa ito sa pagawaan ng ballpen.

Ilang araw na nakalagay sa lagayan 'yung ballpen,

may mga kasama siya, kapwa n'ya ring ballpen.

Katulad n'ya, excited sila na mabili.

Bawat araw, maraming mapapadaan.

Kukuha nang isa, itatry sa scratch paper, tapos kukunin na.

Mayroon namang,

kukuha nang isa, itatry sa scratch paper, maganda naman 'yung ballpen, tumitinta naman pero kukuha pa uli ng isa; pagkatapos ulitin ang proseso, bibilhin na.

Mayroon namang basta kuha lang, di muna tiningnan kung natinta pa.

Mayroon ding kukuha nang marami, itatry lahat, tumitinta naman lahat, pero ibabalik kasi 'di naman pala bibilhin.

At mayroon ding, kukuha nang ballpen para magsulat lang sa scratch paper.

Isang araw, iyon na ata ang araw na itinakda para mabili siya.

Kinuha siya ng isang babae, sinubukang isulat sa scratch paper, at napagpasyahang bilhin na ito.

Natuwa 'yung ballpen kasi may bumili na sa kanya.

Magagawa na niya ang purpose niya,

ang makatulong at isulat ang emosyon ng kanyang amo.

Open SpacesWhere stories live. Discover now