Chapter twenty four

1.3K 60 2
                                    

JADE

"Please, Jade. Pakilala mo na ko sa kanya. Parang hindi ka kaibigan ah."

"Les, nakikita mo ba kung gaano ako ka busy? Saka nakilala mo naman na ni Mel. Bakit ipapakilala kita ulit?"

"Alam mo naman wrong timing ung pagkakakilala namin. Syempre babawi ako. Sige na, Jade."

Napailing ako sa kakulitan ni Les. He already met Mel three days ago at the airport. Nagkabungguan at nagkasiringan sila dahil sa pila. But, that's was when he still didn't saw Mel. Sabi niya, the moment he saw her, it was love at first sight. Eh kaso bad impression na siya sa maldita kong kaibigan.

"Bakit kase nakipag away ka sa kanya tapos ngayon, sasabihin mo na gusto mo siya? Kahit sino Les, hindi maniniwala sayo."

"I didn't see her then. Akala ko kung sinong sanggano. Pero pag harap, damn. Sige na, Jade. Parang hindi naman tayo best friend eh." pangongonsensya pa niya.

Napailing ako sa pangungulit niya. "Okay, I'll set a dinner with her later."

"Yes!---"

"But." napatigil siya sa pagsasaya. "Let me use your condo for another week."

"Jade naman!"

"Take it or leave it."

"Para sa isang dinner na kasama pa kayo, baka isang batalyon ang kumatay sa akin. You know, Kay. Bat kase hindi pa kayo mag usap ng maayos? Hindi pa lang nagsasalita si Kay. But you know what she's capable to do."

"None of your business." irap ko.

I've been avoiding Kay since that insident. Halos isang linggo na rin akong wala sa mansyon. Mabuti na lang at wala si Papa at nasa bakasyon kasama si Tita Marione. Naiinis pa rin ako sa mga sinabi niya. I felt like I was just a sex material to her that she can own, anytime, any where.

Nakakawala ng respeto bilang babae. Na dapat alam niya dahil babae rin siya. Hindi naman ata tama na porke babae ang gusto niya, mananapak na siya ng pagkatao ng kapwa babae. To think na asawa niya pa.

Maybe I misunderstood her, but still, it doesn't change the fact that she was just like me because of sex. Tang ina. Naguguluhan na rin ako kung ano bang dapat kong maramdaman. I do love her but I can't accept that kind of love from her.

"Jade, hindi mareresolba ang problema niyo kung magtatago ka."

"Les, I am not hiding. As you can see, nasa kumpanya pa rin ako. Saka kanino ka ba talaga kampi ha?"

"Jade, I'm not siding anyone. Bestfriend kita, oo, pero may mali ka rin. You always jumping into wrong conclusions. Mag-usap kase kayong dalawa at magpaliwanagan. Alam mo kung anong mali sa inyong dalawa? Miscommunication. Lalo ka na. You always got a wrong idea in her every actions or words."

"Tss. Ipipilit mo pa rin yan? Na ano, na mahal ako ni Kay? O c'mon!" naiinis na ko sa palagiang pagpipilit ni Les sa akin ng bagay na yun. "I don't know what made you think that. Alam na alam mo ang pinagdaanan ko nang mahalin ko si Kay. Stop pushing it, Les." naiiyak na ani ko. Sa lahat ng tao sa paligid ko, si Les ang tanging kakampi ko. Pero ngayon, hindi ko na alam.

Les sighed and hold my shoulder. "Jade, alam ko lahat yun. Alam na alam ko. I saw how much she broke your heart. But you didn't saw what I did when your gone. Alam kong mahirap paniwalaan, pero nakita ko. Kaya ko sinasabi at ipinipilit na magusap kayo. Bilang magasawa. Ask her directly. Ask her what is you to her life. At kung hindi mo magustuhan ang sasabihin niya, magdesisyon ka na. Hindi yung ganito na palagi mong iiwasan. Tapos ano? Bigla na lang, nasa kama ka na naman niya. Tss." inirapan ko siya sa sinabi niya, pero sa loob ko, totoo naman kase yun.

The forced marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon