Kabanata 39 : Adisyonal

508 41 0
                                    

Kabanata 39 : Adisyonal

Hours Later

Glass House, Heather Island


"Mama! Papa!" sigawan ng onseng bata ng makita si Elle at Wine pababa ng kotse.

Napatingin si Autumn pati na rin sila Aira at Monty na nag-uusap ng hapong iyon sa mag-asawang Wine at Elle.

Napahinto naman ang magkakapatid matapos pagbuksan ni Wine ang pintuan si Elle, pumunta kasi si Wine sa likuran at ng buksan nito ang pintuan napakunot noo ang lahat ng bumaba si Peso

"Magandang hapon po." sabi ni Peso sa lahat na natahimik ng makita siya.

"Kuya Autumn, mabuti nabisita ka. Ipapakilala ko sayo ang dagdag sa mga anak ko si.... Peso." masayang pakilala ni Elle na ikinakunot noo ni Autumn.

"Anong sabi mo?" tanong ni Autumn na tila kakaiba si Elle, dahil mukhang kakaiba ang saya nito.

"Kuya, si Peso ang bubuo sa babies ko. Bale kapag may laman na ang tiyan ko siya na ang pang-katorse sa mga anak ko. Pero siyempre ate siya ng cheering squad ko." sabi ni Elle na napangiti hanggang langit.

"Okay ka lang?" tanong ni Autumn kay Elle dahil ang inaasahan niya ay mainit ang dugo ni Elle sa batang tsinitsismis na anak ni Wine.

"Opo naman Kuya." sabi ni Elle na todo ngiti saka nito tiningnan si Peso.

"...anak, blessed ka sa tito Autumn mo tapos doon sa lovebirds na nasa likuran niya. Hahaha." natawang pilyang sabi ni Elle sabay turo kay Aira at Monty na napatingin sa isa't isa habang nakatayo ang mga ito sa likuran ni Autumn.

Lumapit si Peso sa tatlo at nagmano nga ito. Nakatitig naman si Autumn sa batang babae, at napangisi ito dahil kahit saan anggulo tingnan hindi ito kamukha ni Dulce kaya nagtataka din siya kung saan ito nakuha ni Dulce.

"Mano po." nakangiting sabi ni Peso at matapos magmano bumalik ito sa tabi ni Elle.

"Okay, ngayon naman ipapakilala kita sa mga kapatid mo." sabi ni Elle at ng tumingin ito sa onseng bata.

Pero pagbaling ni Elle sa mga anak nawala ang ngiti ni Elle sa labi ng makitang hindi maipinta ang mukha ng onseng anak niya.

"Mama, hindi namin siya kapatid." sabi ni Peony.

"Mama, ayaw namin." sabi ni Periwinkle na bunso sa quintuplets na todo iling ng mga ito sa pagkadisgusto sa sinabi ng ina nila.


"Mama, ayaw ko ng ibang bata dito bukod sa mga kapatid ko."
sabi ni Iris.

Tumingin naman si Fleur at Blossom kay Wine.

"Papa, bakit ka po pumayag? Kami lang ang princesses mo di ba?" sabi ni Fleur kay Wine na ikinatingin ni Wine dito.

"Sabi mo wala kang baby sa iba pero bakit mo siya dinala dito, Papa? Kuha niya ikaw, kuha din niya si Mama sa amin." sabi naman ni Blossom na ikinayuko ni Peso.

"Wala na siyang Mama, may sakit ang Mama niya." sabi ni Elle.

"Mama, puwede naman siya sa iba." sabi ni Laszlo na ikinatingin ng lahat dito.

"Tama Mama, may ibang pamilya na tatanggap sa kanya." sabi ni Otto.

"Marami na tayo at hindi namin kailangan ng additional na kapatid na hindi namin kadugo." sabi ni Viggo.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon