Matagal na akong nagtataka sa paligid ko. Hindi ko mawari kung ano bang mali sakin? Pakiramdam ko hindi ako buo pakiramdam ko may kulang sa pag katao ko.Ngayon alam ko na kung bakit...
Napahawak ako ng mahigpit sa dulo ng dress kong suot.
Ibang iba nga ako ngayon kesa noon. Dahil sa pag kakaalam ko ay para akong pinanganak ulit ng mawalan ako ng alaala at para akong isang paslit na sanggol lang noon ignorante sa lahat ng bagay.
Napapikit ako at huminga ng malalim dahil sa bigat ng nararamdaman ko sa dibdib ko at may tumulong luha sa mga mata ko.
Bakit kailangan itago saakin ni mommy ang mga alaala ko noon? Bakit?
Kung hindi ko pa siguro narinig ang usapan nila mommy ay hindi ko pa maaalala kahit ilang beses na akong nauntog ay hindi ko talaga maalala ng maayos...
Pero ngayon hindi man ganon kalinaw ang pag kakaalala ko atleast may pang hahawakan na ako dahil sa narinig ko ang usapan nila.
Agad akong umalis at tumakbo sa kung saan tumakbo lang ako ng tumakbo at hindi ko na makita ang dinadaanan ko pero napahinto ako ng naramdaman kong parang sumasakit ang ulo ko at agad akong napahawak doon.
Parang bumabalik ang lahat saakin noon...
Parang nangyari na ito sa akin dati...
Ipinagsawalang bahala ko na nalang ito at tumakbo ulit ako pero mas mabagal na kesa kanina napahinto ulit ako ng may nag f-flashback talaga sa akin at napalinga linga ako sa paligid.
Dito rin ang lugar na iyon... kung saan nag simula ang pagkawala ko ng alaala at hindi ko napansin ang mabilis na sasakyan na papunta mismo sa direksyon ko at para akong nanghina ng maalala ko na nangyari na saakin ito noon.
Nanginginig ang tuhod kong babagsak sana sa sahig at kaunti na lang ay babangga na sa akin ang sasakyan.
Katapusan ko na...
Narinig ko pa ang ilang busina ng sasakyan bago tumama saakin ng may humila sa bewang ko at tuluyan na akong nilamon ng dilim.
BINABASA MO ANG
When The Day I Back
Romancethe part 2 of When The Day She Leave (WTDSL) Ang point of view ni Sapphire... At ang kaniyang pag babalik... ibig sabihin ay babalik narin ang kaniyang alaala sa story na ito at dito na mag sisimula ang totoong istroya nila...