PSYCHO

498 30 5
                                    

NOTE: Some of the characters are not true and just a "gawa-gawa lang".

Nandito ako sa isang sulok ng cafeteria, nakatanaw sa grupo ng mga istudyante mula sa 'di kalayuan. Pero isa lang talaga sa kanila ang nakakuha ng atensyon ko. Si Yzabel, ang campus president. Maganda s'ya, matalino, may pagkamataray, at ayaw na nadadaig s'ya. As if anyone could beat her.

Sa sobrang talino n'ya, s'ya ang pinanglalaban ng campus sa mga quizz bee competitions. Even sa mga debates. I often hear from a jealous student's mouth na baliw daw s'ya. Syempre hindi ko sila pinaniniwalaan. Alam kong naiingit lang sila kay Yzabel kaya nila nasasabi yun.

Napapitlag nalang ako sa kinauupuan ko nang mapansing papalapit na 'to sa'kin.

"Hi. You're Cole, right?" She said.

"Y-yes. Why miss president?"

"I just want you to stay away from Dean. Hindi kayo bagay." Sambit n'ya na may halong pang-iinsulto.

"Kung alam mo lang, ikaw talaga ang gusto ko."

"What do you mean?"

"Don't act like you don't know what I mean. Lapit ka nang lapit sa kan'ya, it's obvious that you like him. Too bad, I like him too. So you better stay away from him." Yzabel.

"Kahit na gusto kita, minsan naasar din ako sa'yo."

"Yz-" She didn't let me finish my sentence.

"If you'll gonna make an excuses, well I'm sorry I'm not gonna accept it. Gawin mo nalang yung sinabi ko." She said then walk away.

Yes, lapit ako nang lapit kay Dean lately. And no, I don't like him. Ginagawa ko lang yung pag lapit lapit sa hampas lupa na yun, para palayuin s'ya kay Yzabel. I know him. He treats everyone like his toy. Especially, those girls na nagkakagusto sa kan'ya. And I don't want Yzabel to be one of his victim.

The next day, sinubukan kong 'wag lapitan si Dean. Pero yung lalaking yun mismo lumalapit sa'kin. He keeps on asking me kung bakit pinapalayo ko s'ya kay Yzabel. Well I couldn't tell him why dahil alam kong ipagkakalat n'ya sa buong campus. But I know that he already suspected me.

"Sabihin mo muna sa'kin yun reason, then I'll stay away from her. And the reason have to be valid." Dean.

"You don't need to know the reason."

Maaga ang naging class dismissal namin dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang teacher sa campus. And for some reason, God chant a miracle because Yzabel suddenly invites me to hang out with her in their house. I accept it without any hesitation.

Pagtapak ko sa pinto ng bahay nila ay binalot na agad ako ng kilabot. But I didn't mind it. She gave me snacks and we talk a bit. After that little talk nag aya s'yang pumunta sa pool area. Inaya n'ya din akong mag swimming pero tumanggi ako. Kaya pinanood ko nalang s'yang lumangoy.

Umahon s'ya para makipag usap ulit sa'kin.

"Hindi ba I told you to stay away from Dean?" Pasimula n'ya.

"Yes. And I did. Pero s'ya na lapit nang lapit sa'kin."

"I see." Sambit n'ya saka tumayo. "May kukunin lang ako."

Pagkaalis n'ya ay s'ya namang pag tunog nag cellphone ko. Nag text sa'kin si Jamie.

"Nasaan ka ba? Hinahanap ka ni tita sa'kin."

Hindi nga pala ako nakapag paalam na inimbita ako ni Yzabel.

"I'm at Yzabel's house. Don't worry, uuwi din ako after this. Ako nalang mag sasabi kay mommy."

"Yzabel invite you? Be careful, ok? She's a psychopath. Or kung gusto mo susunduin na kita para sure akong safe ka." Reply n'ya. I don't really know why they use to call her psychopath while most of the students in our campus admire her.

Mag re-reply na sana ako kay Jamie nang biglang dumating si Yzabel.

"Cole." Pag tawag n'ya sa'kin. Nilingon ko s'ya at sumenyas lang ito na lumapit ako.

She spread one of her arms like she wants me to hug her. Isang naguguluhang tingin ang tinugon ko.

"Why you're not moving?" Yzabel.

"What do you want me to do ba kasi?"

"Hug me." She immediately responded.

Hindi pa rin ako gumalaw kaya hinatak na n'ya ako dahilan para napayakap ako sa kan'ya. Nilapit n'ya ang bibig n'ya sa tainga ko at bumulong. "I told you to stay away from him. Wala akong pake kung s'ya mismo lumalapit sa'yo. Layuan mo s'ya."

Isang matalim na bagay ang naramdaman kong tumarak sa likod ko. Isang kutsilyo. Ramdam na ramdam ng buong katawan ko ang sakit ng paghiwa nito sa likod ko na tumagos pa yata sa baga ko.

"I-i don't like h-him... because I l-like you." Nahihirapang saad ko. She seems got shock because of what I said kaya napabitaw s'ya sa pag kakayakap sa'kin. Pero nakabaon pa rin ang kutsilyo sa likod ko.

"Did I heard it right?" Tumango nalang ako bilang sagot.

"Well I like her too. At dapat wala akong kaagaw." Isang boses ang narinig kong nagmula sa likod ko. Boses ni Dean.

Narinig ko ang dahan dahang paglapit nito. Haharapin ko na sanang s'ya nang biglang bumilis ang lakad nito at lalo pang binaon ang kutsilyong nakatarak sa likod ko.

"I love you, Yzabel." Ang mga huling salitang binitiwan ko because I pass out.

YZACOLE ONESHOTSWhere stories live. Discover now