HER LAST WORDS

493 24 12
                                    

"Bulang ka ba? Or nag bubulag-bulagan ka para sa babaeng yon?" Bulyaw ni Jamie sa'kin. Ito na naman kasi ako, lumalapit sa kan'ya dahil nahuli ko na naman si Yzabel, na may kasamang iba. At ngayon si Abby naman ang kasama n'ya.

"Mahal ko s'ya." Bulong ko.

"Oo mahal mo s'ya. But that doesn't mean mag papakatanga ka sa kan'ya. Pag wala na s'yang mahanap na iba babalik s'ya sa'yo, ganun? Kontento ka na ba sa gan'yan?" Jamie.

"As long as bumabalik s'ya sa'kin, kontento na ako."

"Alam mo para kang s'ya. Babalik ka lang pag may kailangan ka. Tulad nito, hindi mo naman ako pupuntahan kung hindi mo na naman s'ya nakitang may ibang kasama." Sambit nito. Napatingin nalang ako sa kan'ya dahil dun. Hindi ko naman alam na dinadamdam pala n'ya yon.

"Bahala kang ayusin 'yan ngayon. Tutal, problema mo naman 'yan." Saad n'ya bago umalis.

Kahit yung pinaka pinagkakatiwalaan kong kaibigan napagod na rin sa'kin. Hindi ko naman magawang pakawalan si Yzabel. Dahil huli na para gawin yun. Tuluyan na akong nahulog sa kan'ya. To the point na wala na akong pake kung may iba s'ya, basta babalik s'ya sa'kin.

Bumalik ako sa bahay nang malalim ang iniisip. Tama naman si Jamie. Pero ang problema, hindi ko kaya.

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Yzabel sa'kin.

"Pinuntahan ko lang si Jamie." Mahinang sagot ko.

"Bakit ba tuwing dumadating ka lagi mong sagot na pinuntahan mo lang yun. Aminin mo nga, may relasyon kayo noh?" Yzabel.

"Yzabel, pagod ako. 'Wag tayong mag talo ngayon." Maglalakad na sana ako papuntang kwarto nang pigilan n'ya ako.

"Yung totoo Cole, pagod ka dahil sa trabaho o pagod ka na sa'kin?" Nag panting ang tainga ko sa narinig.

"Oo pagod na ako sa'yo. Pagod na akong mag panggap na hindi ko nakikita ang mga panloloko mo. Pero kahit pagod na ako hindi ako bumitaw, hindi kita iniwan. At hinding hindi kita iiwan." Mahina pero may diin kong saad. Nagulat naman s'ya sa sinabi ko. Hindi n'ya ata akalaing alam ko lahat ng ginagawa n'ya pag wala ako.

"Handa akong mag bulag-bulagan, 'wag mo lang akong iwan." Dagdag ko pa.

"Bakit mo 'to ginagawa?" Tanong n'ya.

"Dahil mahal kita. At nangako akong mamahalin ka."

Tila na estatwa s'ya sa kinatatayuan dahil sa narinig. Ni hindi na n'ya nagawang magsalita pa. Kahit na paggalaw ay hindi n'ya magawa.

"Magpapahinga na ako." Tanging sinabi ko saka naglakad papuntang kwarto.

Kinabukasan, nagising ako na may natanggap na message galing kay Jamie. Pumunta daw ako sa bahay n'ya. She feel guilty of what she did yesterday kaya babawi daw s'ya. So immediately get up and ready for the day.

Nag half day lang ako, para makapagpahinga na rin. Dumiretso ako sa bahay ni Jamie since she told me na puntahan ko agad s'ya pag ka out ko.

"A-akala ko mamaya ka pa dadating." Bungad n'ya nang pagbuksan ako ng pinto.

"Maaga akong nag out, para maaga na ring makapag pahinga."

Nag sorry s'ya sa'kin. And in order to make bawi, nanood kami ng movie. Her treat of course. The movie was almost 2 hours long. After than dumiretso na kami sa bahay n'ya to have a little hang out. We ate snacks, talked about things, and watch our favorite movie together. Uminom na rin kami nang konti. Minsan lang naman.

Isang baso palang naiinom ko pero parang tinamaan na agad ako.

"Jamie..."

"What? May problema ba?" Tugon n'ya.

"N-nahihilo ako." Sagot ko.

"Tumalab na pala yung gamot." Dahan dahan akong napatingin sa kan'ya dahil dun.

"Anong gamot?"

Wala akong narinig na sagot mula sa kan'ya. All I know is I pass out. Nagising nalang ako na nakatali na ako sa kwarto n'ya. I tried to shout for help, but then I realize na may tape pala sa bibig ko. A second later, Jamie cam in.

"Gising ka na pala." Sambit n'ya.

"Hindi ko talaga alam kung anong nakita mo kay Yzabel..." Tumigil s'ya saglit saka tumingin sa'kin. "...pareho naman kaming maganda."

Yumuko nalang ako. Hindi ko talaga alam ba't n'ya ginagawa 'to.

She took a deep breath saka nag salita ulit.

"Hindi ko maintindihan kung ba't ka nag papakatanga nang gan'yan. Cole nandito naman ako." Napatingin ako sa kan'ya dahil sa huling sinabi n'ya.

"Ako yung nandito mula umpisa, pero ako yung hindi mo makita." Matapos n'yang sabihin yun ay isa isang nag unahan ang mga luha mula sa mata nito.

Gusto kong punasan ang mga luha n'ya. Because after all of these, kaibigan ko pa rin s'ya. Pero ilang minuto lang, para s'yang natauhan at biglang tumigil sa pag iyak.

Tumayo s'ya sa kinauupuan at kumuha ng kung ano mula sa closet n'ya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ito.

"If you're not made for me, then you're not made for anyone." Napapikit nalang ako nang itutok n'ya sa'kin ang baril na hawak n'ya.

Matapos ang isang alingawngaw ng putok ng baril, isang malakas na kalabog naman ang narinig ko. I open my eyes para tingnan kung tinamaan ba ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala akong kahit na anong galos.

Pero para naman akong tinakasan ng lakas nang tumambad sa'king harapan ang katawan ni Yzabel na naliligo sa sariling dugo. Humihinga pa ito pero halatang nahihirapan na.

"I finally did something that favors you." Pag pupumilit n'yang mag salita.

"I love you." She added. This is the first time I heard those words from her. And probably, this would be the last time I would hear it.

AUTHOR:
Depress na ba ang lahat?

YZACOLE ONESHOTSWhere stories live. Discover now