Chapter 1: Part 1
Sa bintana ng isang maliit na bahay ay makikitang mahimbing na natutulog ang isang dalaga sa sahig. Habang ang liwanag ng araw naman ay malayang tumatama sa kanyang katawan.
"Umaga ka na naman umuwi! Vann! Puro ka nalang inom!. Di mo kami iniisip ng mga anak mo!!" malakas na sigaw ng isang babae halatang may pinagagalitan.
Nagulat ang dalaga sa sigaw na narinig kayat dali dali itong gumising. Saktong pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niya ang isang orasan na nasa gilid.
7:34 AM.
Parang huminto ang takbo ng Oras ng malamang alas syete na pala ng umaga. "Lagot.." mahinang sabi niya sabay takbo papuntang CR.
Habang ito'y papunta sa CR ay nakita niya ang kanyang ama na nakaupo sa upuan habang sinisigawan ng kanyang ina. Subalit dahil sa pagmamadali nito ay di niya nalang pinansin ang dalawa. Di narin kasi ito bago sa kanya dahil madalas itong mangyari.
Pagdating niya sa CR ay dali dali itong naligo. Pagkatapos ay nagbihis, nagsipilyo at kinuha ang bag sabay takbo palabas ng bahay.
"Vanessa anak. Aalis kana? wala kapang kain?" nag aalalang tanong ng kanyang ina, iba sa ugaling kanyang pinakita habang sinisigawan ang ama.
Ngumiti ng mapait si Vanessa at magalang na sinabi, "Busog pa po ako inay".
"Anong busog? Ano ba kinain mo para mabusog ng ganyan?" tanong ng kanyang ina.
Hindi alam ni Vanessa kung anong isasagot. Habang siya'y nag iisip ng paraan kung pa'no malulusutan ito ay nakita niya ang kanyang kapatid na si Winston.
Lumapit ito sa kanyang ina at sinabing, "Male-late na po si Ate Inay".
"huh?. Anong Oras naba?" tanong ng kanyang ina na lumingon sa nakabiting orasan sa kanilang bahay. Pagkakita nitong malapit na mag eight ay dali dali nitong pinaalis si Vanessa sabay bigay ng baon.
"Malapit na pala mag eight ba't di mo sinabi agad!. Ito alis na! Sumakay ka nalang ng taxi para di ka ma late. Ba't ka kasi nag pupuyat e wala ka namang jowa". Halos walang katapusang sabi ng kanyang ina.
Hindi na nakapagsalita si Vanessa sa dami ng sinasabi ng kanyang ina. Kaya't dali dali nalang itong humanap ng masasakyan papuntang school
Si Vanessa ay labing walong taong gulang ngayong taon. Siya'y ipinanganak sa ikasiyam ng Octobre. Blonde ang kanyang buhok at makinis ang kanyang mukha.
Siya'y natural na maganda kahit di kailanman nakagamit ng pampagandang produkto.
Ilang minuto ang lumipas ay sawakas nakarating rin si Vanessa sa kanilang paaralan. Siya'y nakasuot ng puting t-shirt at black jacket, habang ang pang ibaba naman ay ripped jeans at sapatos na malapit ng masira.
Mahirap lang kasi ang pamilya nila kaya't walang pambili ng uniform para sa kanyang pag aaral. Wala kasing trabaho ang kanyang ama at puro inom lang ang inaatupag nito. Habang ang kanyang ina naman ay ginagawa ang lahat para sa kanilang magkakapatid.
Naglakad papasok ng paaralan si Vanessa habang ang ibang estudyante naman tingin ng tingin sa kanya. Hindi dahil sa kanyang ganda kundi dahil sa kakaiba niyang suot.
Walang kaibigan si Vanessa rito dahil narin sa katayuan ng kanilang pamilya. Halos lahat ng estudyante sa paaralan nila galing sa kilalang pamilya. Mayayaman at may kaya, magagarang gamit at maayos na pananamit.
Dahil sa kaibahang ito ay madalas siyang ma discrimina sa kanilang paaralan. Sinabihan na nga siya ng Dean sa paaralan na para maiwasan na siya'y ma discrimina ay lumipat nalang siya ng paaralan.
Subalit, ayaw pumayag ni Vanessa dahil ang paaralan daw na kanyang pinapasukan ngayon ay ang kanyang pinapangarap na pagtapusan. Dahil sa kanyang sinabi ay walang nagawa ang Dean at hinayaan nalang siyang magpatuloy sa pag aaral.
***
[Change of POV]
Ding~ Dong~ Ding~
Maingay na tunog ng bell, hudyat na malapit ng magsimula ang klasi. Tumakbo ako ng mabilis papuntang classroom puno ng kaba. Ramdam ko na sinusubaybayan ako ng mga mag aaral na may pagka inis na tingin.
Makalipas ang ilang minuto ay sawakas nakarating din ako sa pintuan ng classroom namin. Huminto muna saglit para makahinga ng maayos bago pumasok sa loob na parang walang nangyari.
Nakatitig ang lahat sa akin na para bang may pagkamuhi. Di ko naman inano yung mga hayop nila, kaya di ko nalang pinansin at umupo sa may bakanting upuan malapit sa bintana. Ito ang paborito kong pwesto dahil nakikita ko ang labas na malaya.
Masaya parin ako kahit na naririnig ko ang mga kaklasi kong nagbubulungan at pinagsasalitaan ako ng di maganda. Minsan sa buhay kailangan rin nating tanggapin kung sino tayo at wag magpanggap kung anong di dapat.
Habang tumatagal, parang gusto kong magalit. Dali dali akong pumunta sa school para di ma late pero yung prof. namin di parin dumarating. Lagpas 8 na ng umaga, "walang hiyang prof. yun. Dali dali akong pumunta tas siya pala male late." sabi ko na may pagkainis.
Creak!
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad at nakangiting professor na kala mo'y gwapo eh mukha namang kabayo. "Magandang umaga sa inyong lahat. Wala bang late?" seryosong tanong ni prof.
"Pfft."
Muntik nakong humalakhak sa tawa buti nalang napigilan ko. Biroin mong siya yung late tas nagtatanong kong wala bang late. 'Sa'n utak mo sir?' tanong ko gamit ang isip. Di kasi pwedeng sabihin ng harapan baka ma kick out ako sa school mahirap na.
"Kung wala ay maayos. May bago nga pala kayong kaklasi. Siya ay transferee student. Dahil bago siya rito 'di ibig sabihin na maaari niyo siyang mabully. Ayon sa report card niya, siya ay isang martial artist. Kaya rin niyang sumuntok ng may lakas na 500 klg. Maliit man ang katawan niya, wag kayong paloloko kung hindi kayo rin ang masasaktan".
Malakas na sabi ni professor. 'Di ko alam kong totoo ba ang sinabi ni prof. Pero kung Oo, ayos lang naman siguro na imbitahin siya sa bahay at suntukin si papa ng matauhan'.
Ilang saglit ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Di man kalakihan ang kanyang katawan ay makikita mong siya'y makisig. Halos di nga matanggal yung mata ko kakatitig dahil sa kagwapohan niya. Kaso hanggang pangarap lang ako, sino ba namang lalaki ang magkakagusto sa isang tulad ko?.

BINABASA MO ANG
THE MAN OF GOD
RomanceSYNOPSIS A poor girl and a man of God. There comes to life where we all fall in love. Like, it suddenly knock us without warning and could only follow it's lead. Vanessa was typical type of girl, who only wish to have a good life. What will happe...