Chapter 1 Part 2

9 4 0
                                        

“Introduce yourself. Para makilala ka ng mga magiging kaklasi mo”. Sabi ni prof. na parang kabayo.

Tumango naman yung magiging bago naming kaklase. “Klent Clairvoyant. 18.” sinabi niya na parang robot walang damdamin. Ewan ko lang pero kahit ganyan siya ay talagang nakaka attract parin. 'teka.. ano ba tong iniisip ko?' tanong ko sa sarili habang iniiling ang ulo.

“Y-yun lang ba?” nagdadalawang isip na tanong ni professor. Habang si Klent naman ay tumango lamang bilang sagot. Walang masabi si professor sa malayong pag uugali ni Klent, “um.. sige humanap ka ng upuan”.

“Umalis ka rito” narinig ko na sinabi ng isang kaklasi sa bandang kanan. Nakita kong ang nagsalita pala ay si Trixie Mattel, isang mayaman at magandang babae.

Siya lang naman ang nag iisang anak ni Henry Mattel na tanyag sa larangan ng negosyo. Isa rin ang kanyang ama sa maraming corporation na nagtatag ng school na ito. Kaya di maikakailang maraming lalaki ang gustong mapaibig siya, di lang maganda, matalino at mayaman pa.

'Ito talagang kumag nato. Gagawin ang lahat makuha lang ang gusto' sabi ko sa isip habang tinitingnan na umalis ang katabi ni Trixie. Sakto namang papalapit si Klent upang maghanap ng mauupuan.

“Hi Klent. Dito kana umupo tabi tayo.” nakangiting sabi ni Trixie. Kung ako ang pagsasalitain talagang 'big yuck!' nakakasuka ang kanyang ginawa. Yung mga kaklasi ko namang lalaki ay nakatingin kay Klent puno ng galit. Siguro iniisip nila, 'Try mong umupo diyan at talagang lagot ka saakin'.

Subalit laking gulat nila ay nilagpasan lang ni Klent si Trixie at di tinanggap ang kanyang alok. Namula si Trixie sa hiya pero di ito masyadong napansin ng lahat.

Gusto ko sanang tumawa kaso di talaga pwede. Ang maingay na classroom ay sobrang tahimik inaantay ang pag upo ni Klent. Di ko alam pero parang kinakabahan ako, 'pa'no kong sakin siya tumabi?'.

“Pweding Umupo?” habang ako'y lutang na nag iisip ay biglang may nagtanong. Lumingon ako at nakitang si Klent pala ito. Tahimik lang ako at nagpapanik, di alam anong gagawin.

“P-po?” tinanong ko ng may pagdududa kong totoo ba yung narinig ko.

“Pweding Makiupo?” tanong niya ulit.

“Uh. Oo” nag aalinlangang sagot ko. Di ko alam anong nararamdaman ko may halong kaba at excitement.

Then biglang naramdaman ko ang isang matalim na tingin. Alam ko sa sarili ko na ito ay galing kay Trixie, ngunit sino ba siya para di ko payagan ang isang gwapong tulad ni Klent na umupo sa tabi ko?. Maganda din naman ako, kung alam niya lang.

“Kung lahat ay nakaupo na ay payagan niyo akong magsalita. Ngayong susunod na mga araw ay may gagawing 'ENVIRONMENT with STUDENT camping'. Layunin ng event na ito na mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante sa importansiya ng Kapaligiran sa buhay natin.” sabi ni professor kabayo puno ng pananabik.

“Lahat kayo ay inaanyayahang dumalo. Sa gaganaping event na ito ay walang uwian. Mga limang araw ang itatagal ng event na ito kaya dapat ay maghanda ang lahat ng supplies dahil kayo ang bahala sa sarili niyo. Sa makakain at sa tutulugan, ang seguridad niyo rin ay nakasalalay sa inyong mga kamay.” dagdag ni professor.

“Professor. Solo lang po ba kami o pweding gumawa ng team?” tanong ni Trixie.

“Magandang tanong yan Trixie. Ayon sa napag usapan, may karapatan ang mga estudyante na gumawa ng groupo. Matatawag lang kayong valid na groupo kung ang myembro ay umabot sa lima kasama na ang leader.” sagot ni professor kabayo.

“Kami lang po ba ang pipili o may listahan napo kayo?” tanong ng isang estudyanteng mataba.

“Ano ba gusto niyo? Ako ang gagawa ng groupo o kayo ang pipili?” sagot naman ni professor.

“Kami!” magkasabay na sagot ng mga estudyante.

“Yun naman pala eh. Tandaan dapat lima lang” paalala niya sa lahat.

Itinaas ko ang kamay ko sabay tayo at sabing, “Professor?”.

“Ano yun?” walang pakialam na sagot niya sakin. Halatang di niya ako gusto.

“Sabi mo lima lang sa isang groupo? E di po even yung number of students. 26 po kami dagdag si ano— at kung lima lang sa isang groupo. Hindi ba ibig sabihin nito na may isang matitira na walang groupo?” tanong ko sa kanya na may halong pagkagalit.

Pakiramdam ko talaga sinasadya nitong professor naming kabayo na mapag isa ako. Kaya't di ko ito mapapalampas, di dahil mahirap ako ay pwede na niya akong ganitohin.

“edi kung ganun ay wag kanalang sumama.” sagot niya sakin na may halong pang aasar. Kung di ko lang siya guro baka ma wata wata kick out ko siya. Kahit maliit ako kaya ko parin siyang paliparin gamit ang suntok.

Kaso nga lang. Lahat ng ito ay di ko pwedeng gawin. Alam kong pinagtatawanan ako ng iba sa ginawa ko ngayon. Halata namang di nila ako pipiliin bilang ka groupo. Kahit nga ngayon ay nakatingin sila sakin na may utya at  nanunuyang mata.

Di ko alam kong anong sasabihin at naupo nalang sa hiya. Kahit naman anong gawin ko ay wala paring kwenta. Dito, ako lang mag isa. Walang kakampi at napapalibutan ng mayayamang walang alam kundi mang utya sa mga mababa ang antas ng buhay.

'May araw rin kayo sakin' sabi ko sa isip kahit na alam kong impossibleng mangyari. Habang iniisip ko ito ay di ko namalayan na tinititigan na pala ako ni Klent na may paghanga.

“Alright. Ang venue ng camping event na ito ay gaganapin sa Valley of Butterfly. Humanap na kayo ng kagroupo at ipasa sakin ang listahan ng pangalan bukas. Yun lang sa araw na ito. Class Dismiss.” sabi ni professor bago lumabas ng classroom.

Pagkatapos ni professor kabayo ay ibang guro naman ang pumalit para sa English Subject. Parang normal na araw lang ang lahat maliban nalang sa transfer student na sobrang tahimik, seryoso, at gwapo. Ehem. Di ko lang mapigilan.

Ayon nga, tuwing may papasok na guro ay laging pinapatayo tong katabi ko. Tinatanong ang pangalan at iba pang detalye. Napansin ko rin na matalino pala tong si Klent. May isang beses nga na pinasagot siya sa board ng Math teacher namin ay nasagot niya ito sa isang pikit mata.

Iwan ko ba. Pero habang tumatagal, nahuhulog na ako sa kanya.

THE MAN OF GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon