Isang salita, apat na letra,
Ito'y napakahalaga sapagkat hindi ito maikukumpara,
Interaksiyon man natin ay bihira,
Pagsasamahan naman natin ay hindi masisira.
Kuya, ikaw man ay pilyo,
Minsan hindi maipagkakailang perwisyo,
Ngunit ikaw ay isa sa aking mga tagapayo,
Sa masalimuot na mundo isa ka sa dahilan kung ba't
ako tumatayo.
Kabiglaan - kapatid ko'y kaagad kilalanin.
Kaanak ka kahit kondisyong kabaliwan,
katarantaduhan.
Kaalinsabay ko'y kabahagi - kabaitang
katuklas-tuklas.
Kababaang-loob kahit kababagin kita, kuya.
Kuya ika'y isang kabagang, biglaan man ang pagtawag ngunit hindi ko malilimutan. Hindi makabasang pinggan man noong una, ngunit dahil sa iyong pagka-basag ang pula ako'y iyong naging kapamilya.
BINABASA MO ANG
Poetries Compilation
PoetryPoetries Compilation, where all her poetries were her unsaid words.