Binibining dilag na minsa'y naging bulag
Bawat katagang kanyang binubunyag
Mga sariwa at tamis ang naipapahayag
Magandang dilag gustong lumayag
Hinahangaan at hinahangad ng karamihan
Babaeng dilag na may angking katalinuhan
Na gaya ng bituin hirap akuin at abutin
Walang katumbas ng salapi ang kanyang katauhan
Binibining minsan na ring aking tinatangi
Paumanhin kung ako'y nagkulang at hindi nagwagi
Sa paligsahan na alam nating hindi mapipili
Gayon pa man ako'y sumugal at hindi nag-atubili
Gaya ng buwan ang iyong ugali
Nagbibigay liwanag sa bawat ngiti
Sa pagpili, puso'y hindi nagkamali
Hinihiling na makasama ka muna sandali
YOU ARE READING
RANDOM POEMS
PoetryThis pieces was written by a writer to inspire others and also you can see the love,sacrifices.Not that really creative but it comes to my own imagination,experience and observation.
