Poem 21: Single Mom

1 2 0
                                    


Sa pagsikat ng araw ay yun din ang iyong kaarawan
Walang mapagkukunan ng saya ng ako'y biyayaan
Ibibigay ang pagmamahal na iyong kailangan
Lahat ng 'yong hilingin ay aking punan

Aking munting prinsipe ika'y didiligan mag-isa
Ipabatid na palaging may pag-asa kahit mag-isa
Maging malakas ka at huwag maging duwag gaya na iyong ama
Bahag ang kanyang buntot sa paglisan ng magandang grasya

Ika'y aakayin at gagabayan
Sa masulok na daraanan
Huwag mangamba dahil palagi kitang susuportahan
Magiging malaya at masaya tayo sa ating tahanan

Gaya ng buwan ikaw ay handang ilawan
Sisikapin na hindi mo maranasan ang katagang kalungkutan
Ikaw ang aking lakas sa panahon ng aking kahirapan
Kakayanin ang kirot para sa iyong kinabukasan

RANDOM POEMSWhere stories live. Discover now