Ikalawang Kabanata

43 7 0
                                    

Quest failed.

The villain triumphed.

The world has fallen into doom.

Try again?

Yes

No

"Kaloka, sino ba kasi ang villain?"

Natapos na ni Clea lahat ng quests ngunit hindi niya pa rin mawari kung sino ang kontrabida sa istoryang ito.

Isa kasi sa mga goal dito ang tukuyin kung sino ang villain para makuha kahit iyong normal ending man lang.

Sa mga ganitong klaseng laro, may iba't ibang uri ng endings ang pwedeng makuha ng player. Dito, mayroong limang posibleng ending.

Una ay iyong normal ending kung saan nalampasan lahat ng quests, nahanap ang villain, at nakalagpas ng 80 ang intimacy rate ng napiling hero. Sa happy ending naman, parehas lang pero kailangang nakaabot ng 100 points sa intimacy. Meron ding secret ending pero dapat may dala-dala talagang swerte para mahanap ang tamang prompt para maunlock ito.

Ngunit ang pinaka-goal sana niya ay makuha ang harem ending. Sa ibang story arc ay nagawa niya na iyon pero dito lamang siyang nastu-stuck sa bad ending.

Kung hindi namamatay ang characters, katapusan naman ng mundo ang nakaabang sa kanya.

Wala siyang problema sa paggawa ng quests sa loob ng isang daang araw. Iyon nga lang, wala siyang ideya kung sino ang kontrabida rito.

Nakakunot noo niyang pinindot ang 'yes' ng biglang tumunog ang alarm. Bigla siyang napabalikwas ng kama nang makita ang oras.

"Tangna!" Dali-dali siyang kumaripas ng banyo.

Muntik na niyang makalimutan na Monday na. Parang isang iglap lang lumipas ang dalawang araw.

Natapos ang weekend na wala siyang ginawa at magmukmuok sa silid niya habang binbaliw ng larong 'to.

Ang hirap naman kasing dayain nito. Minsan pagsumusuko siya ay sinesearch na lang niya ng mga walkthrough o playthorugh, sapat na. O 'di kaya, pagtipong galante siya ay kaya niyang gumastos para makuha lang iyong ending.

Subalit ngayon, malabo niyang magagawa iyon dahil isang tao lang ang nakakaalam ng buong kwento.

Napahilamos siya ng mukha sa pagkayamot. Sa ilang gabi niyang pagpupuyat, kitang kita sa salamin na mas maitim pa eyebags niya kaysa sa mga singkit niyang mga mata.

"Bahala na. Tatatnungin ko na lang si Ma'am Aisha mamaya," bulong niya sa sarili at gumayak na para sa trabaho.

・🕛・

Nang makarating sa opisina ay nilapitan niya kaagad si Raine.

"Ang hirap nga ng story ni Cinderella. Natapos mo na ba?" sabi niya pagkatapos maupo.

"Hindi pa rin. Kinausap ko na nga iyong ibang tester at wala rin silang alam kung paano makakuha ng normal ending diyan," sagot ni Raine.

"Hays. Anyway, tapusin ko na lang muna ang report ko."

"Ako rin at mamaya na iyong deadline. Good luck satin."

Napabuntong hiniga siya bago magsalita, "Good luck talaga."

When The Midnight StrikesWhere stories live. Discover now