Chapter 2: The Kind Teacher
~***~
Cristina's Point of View
"Sakit ng mga kamay ko, huhu!" Tumingin ako sa mga kamay kong namamalat na.Buti nga natapos ako sa paglalaba ng maaga dahil kung hindi ay baka magtampo na naman 'yung makukulit na anak ni Aleng Kinta kapag hindi ko na sundo.
Kahit hindi na ako nakatira 'don kina Aleng Tusong ay gawain ko parin na sunduin silang dalawa.
Napamahal na din kasi sila sa akin. Sa ganito na lang ako nakakabawi para makita sila kahit saglit lang.
Tagal ko 'rin sila nakasama. Mga 2 months 'rin. Sa akin kasi sila iniiwan ni Aleng Kinta kapag nagtratrabaho sila sa ulingan ni Manong kakoy.
Siguro sanay ako na ako 'yung sumusundo kaya kahit wala na ako sa paupahan ni Aleng Tusong nagagawa ko parin na pumunta rito sa school nila para sunduin sila.
Pero 'yung labahan talaga ni Grace sa bahay nya sobrang dami. Kahit mga kamay ko ay sumusuko na. Hindi ako tamad na tao sadyang nakakapagod talaga kapag 'yung labahan sobrang rami.
Tapos 'yung nilalabahan mo, hindi lang marumi, sobrang rumi talaga. May itim itim sa gilid ng panty, may dugo pa nga e, kadiri lang. Sariling panty 'di man lang malabahan. Jusko! Nakakaturn-off ang ganun babae. Alangan naman lalaki sumusuot 'nun. Tapos may mga itim o 'di kaya matsya sa mga gilid gilid ng damit o short. Sino hindi mapapagod sa mga 'yon.
Naawa tuloy ako kay Grace.
Biruin nyo, may work siya sa umaga. Tas 'yung coffee shop na pinagtratrabahuhan nya e matao. Tapos ang sasalubong sa kanya sa bahay nya? Labahan na super duper na nga sa dumi, sobrang dami pa. Oh 'di pagod na pagod na siya 'yan.
Ewan ko na lang kung kumakain siya ng maayos.
'Yung mga sweldo nya kasi sa magulang nya agad napupunta.
Sya lang naman ang pu-puwedeng magtrabaho gayon puro maliit pa ang mga kapatid at may sakit 'din ang tatay nya habang ang nanay nya naman tumutulong 'rin naman sa pagtratrabaho kaso sa bahay lang iyon pwede.
Kasi nga walang bantay yung tatay at mga kapatid niya.
Dagdag pa ako sa palamunin niya. Haist!
"Ayoko nga sabi!"
Tumigil ako sa paglalakad dahil may nakita ako mga bata.
Nagaaway siguro. Hindi naman nawawala 'yan. Lalo na mga bata ngayon mala-attitude. Si Gina nga, lagi ako natatarayan 'nun pero mahal ko 'yon kahit ganun 'yon.
Sarap ipakain sa mga asong ulol.
May batang umiiyak habang masama ang tingin nito sa tatlong babae. Ewan ko lang kung babae 'yung isa sa kanila.
"Bakit ba ayaw mo?" Nakasimangot na tanong 'nung babae may ponytail na pangdalawahan. May suot din ito na headband na parang pang pusa.
YOU ARE READING
Ang Reyna ng Kamalasan (On-Going)
HumorTotoo kaya 'yung malas sa balat? kasi si Cristina Alfonzo ay naniniwala sa malas kapag may balat ka kahit sa parte ng katawan mo, sa mukha man o sa pwet. Malas 'daw ang magiging future mo. Pero paano kung sa pagiging malas na niya ay makilala niya a...