RH8 - Flower Vase

8.3K 349 61
                                    

"Mommy, sorry po sa nangyari pero.. Gusto ko na magpakasal habang hindi pa nalaki ang t'yan ko." Isn't too nosy for me na makinig sa usapan nila? I mean hindi ako member ng family nila pero nalalaman ko yung ganito.. Ganun ba kalaki ang tiwala nila sa akin?


Kinarga ko na muna si Jailer at ang likot likot. Si Jander naman puro kalokohan lang ang alam.


"Sure. No problem with me.. Since you're 23 and Jail's 24. Walang kaso." Comment ng mommy ni Jander sa kanila.


"Hahahahahaha mommy! Anong role ko sa kasal ni ate?" Tanong ni Jander sa kanila.


"Wala! Hindi ka invited kasi bully ka! Si Kinsley lang kasama!" Bineletan pa ni Ate Jaile si Jander.


"Ang daya ah! Si Kinsley na wala lang naman sa atin invited tapos ako hindi?! Kuya Jail, ako tumulong sa'yo nung set up ha!" Binalaan pa ni Jander si Kuya Jail Napapa-face palm na lang ako sa isip isip ko. Jander, Jander, ang kulit mo pero mahal pa rin kita.


"Jaile's just joking, Jander. Calm your head down." Kuya Jail scolded Jander.


"So.. you better plan early before the wedding comes." Mommy uttered to them.


Ang saya naman kasali ako sa plano *u* Tanggap na talaga 'ko ng pamilya ni Jander.


Nagplano sila ate Jaile, kuya Jail at Jander doon. Nags-suggest ako paminsan minsan kapag may alam kong place.


So sad hindi ako kasama sa abay kasi puro friends ni ate Jail at kuya Jaile ang kasali don. Pero okay lang ano nga ba ako dito? Hahaha.


Inabot ako ng gabi kila Jander. Nagpasundo na ako ng sundo ko mula sa daddy ko. Tinawagan ko kasi sila pagkatapos ng usapan doon.

Sumakay ako sa driver ko at umuwi ng payapa. Unang unang bumungad sa akin ang galit na mukha ni daddy.


"Kinsley, ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na lagi ka dapat nagpapahinga at hindi naggagala?" daddy is angry about me yet pretty concerned.


"I'm okay dad. I'm still strong." I smiled to him to assure that.


Dumiretso ako ng kusina at doon nadatnan si mommy. Kiniss ko siya sa cheeks niya at umupo na lang. Sinerve ako ng mga maids namin ng pagkain.


"Kinsley, you need to stay in the house.. Masama sa'yo 'yun."


"Mommy, okay lang po ako. Gawa na lang po ulit kayo ni daddy para hindi kayo lonely kapag wala ako." I smiled.


"Please don't say that, baby." Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi pinansin si mommy.


Umakyat ako ng kwarto ko tsaka umiyak ng umiyak. Kapag naiisip ko talaga 'yon naiiyak ako. Gusto kong maging masaya pero hindi ko kaya. Si Jander lang ang nakakapagpasaya sa akin pero lagi niya naman akong sinasaktan.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon